“Okay! Picture-an mo na ako!” utos niya kay Pierce. Iba’t iba ang pose niya. Feel na feel niya ang pagpi-pictorial na sinakyan naman ni Pierce sa pagbibigay ng instructions sa kanya na animo professional photographer nga talaga ito. Pero siyempre, hindi maaaring ligtas niyang mapapalipas ang sandaling iyon. Dahil nang akmang itutukod niya ang kanang palad niya sa katawan ng puno ay dumulas ang kamay niya. Nasubsob tuloy ang mukha niya sa mismong puno. “Aray!” nasaktang sambit ni Sky. “Sky! Are you alright?” Natarantang hangos na lumapit sa kanya si Pierce. Hinawakan nito ang baba niya at iniangat upang sipatin kung nasugatan siya. “Ayos lang ako. Wala namang sugat. Medyo masakit lang at nakakahiya,” natatawang kibit-balikat na aniya. Kunot-noong masuyong hinaplos-haplos ni Pierce a

