Napahinto sa paglalakad si Pierce nang mamataan ang lalaking papalabas ng mansyon ng mga Banal. It was just seven o’ clock in the morning. Too bloody early for a late riser like him. Pero para kay Sky ay nagpumilit siyang bumangon. Naroon siya upang sunduin si Sky. Sasamahan kasi niya ang dalaga sa pamamasyal. Marahil dahil ang katawan at diwa niya ay tutol sa paggising ng ganoon kaaga kaya naman kung anu-ano ang nakikita niya ngayon. Kumurap-kurap siya pero hindi nawala ang masamang pangitain sa harap niya. Sa halip ay naglalakad na iyon palapit sa kanya ngayon. “Bloody hell! I thought you have to die before you go to hell, yet here you are proving once a again that hell on earth do exists!” bulalas ni Pierce nang huminto si Bram sa mismong harapan niya. Nagkita na sila nito noong lama

