Subalit sa halip na sagutin siya ay binabaan lang siya ng telepono ng ina-inahan niya. Kaya naman ang kanyang tiyuhing inakala niyang ama niya ang sunod na tinawagan niya. “Hello, Dad---um, I mean, Uncle Donald?” “Hindi mo kailangang ibahin ang pagtawag mo sa akin dahil lang alam mo na ang totoo ngayon, Sky,” tugon ng kanyang tiyuhin. Hindi agad nakasagot si Sky. Hindi kasi siya makapaniwala sa nahihimigang hinanakit sa tono ng tiyuhin niya. Tila ba tutol itong tawagin niya ito sa mas tamang titulo nito bilang tiyuhin niya. “Pasensya na at hindi kami nakabalik agad ng bansa ng Mom mo para pumunta sa libing ng lolo mo. Now, what do you need? Babalik ka na ba ng Manila?” anito. “Hindi pa ho. May itatanong lang ako sa inyo,” tugon ni Sky. S

