‘Simula nang malaman kong hindi ko tunay na magulang sina Dad ay para akong nakasakay sa bump car. Sa bawat andar ko ay may bumubunggo sa akin sa harap, sa likod at sa sobrang malas ko pa pati sa magkabilang gilid ko. ‘Una, nalaman kong si Papa ang tunay kong tatay pero sunod naman niyon ay nalaman kong comatosed siya. Nakilala ko na nga ang mga kapatid ko pero obvious naman na maliban sa iisa ang ama namin ay wala na kaming pagkakapareho pa. At ngayon naman, halos wala pa ngang isang linggo mula nang makilala ko ang lolo ko ay iniwan na niya ako ng tuluyan.’ Naalala ni Sky ang mga sinabi niyang iyon kay Pierce nang nagdaang gabi. Akala niya sa pagyao ni Lolo Alfonso ay magtatapos na ang kanyang ‘bump car ride’. The worst has ha

