Kulang ang mga salitang nagulat at hindi makapaniwala upang ilarawan ang nararamdaman ni Sky nang araw na iyon. Batid niyang may sakit na lung cancer si Lolo Alfonso at hindi na magtatagal pa ang buhay nito. Pero hindi niya inaasahan na sa loob lang ng isang linggo matapos niya itong makilala ay mawawala na agad ito. Ni hindi niya lubos-maisip kung paano siya nakabalik sa mansyon mula sa ospital matapos malamang binawian na ng buhay ang Lolo Alfonso niya. Ang natatandaan lang niya ay ang mahigpit na yakap nina Ate Yumi at Ate Vera sa kanilang mga mas nakababatang kapatid ng mga ito. Nananatiling matatag ang dalawa nilang ate sa kabila ng malinaw na pamimighati rin ng mga ito. Bagay na labis na kahang-hanga. Dahil kung t

