“Bahala ka sa gusto mong isipin. Masyadong malaki ang tiwala mo sa sarili mo. Ikaw rin ang magsisisi sa huli kapag nawala na ng tuluyan si Sky sa iyo. Kaibigan ka lang niya, Carrington. Ako ang mahal niya. At bago umalis dito sa Sagada, sisiguraduhin kong suot-suot na niya ang singsing ko,” mariing saad pa ni Bram. Saka ito tumalikod at umalis na. “Good luck, old fellow, you’ll need it,” pahabol na sigaw ni Pierce sa lalaki. “Bloody asshole!” mahinang dugtong niya saka humakbang na patungo sa pinto ng mansyon. Para lang mapatda nang makita niyang nakasandal sa pintuan ang isa sa mga kapatid ni Sky. Sa pagkakatanda niya ay ito si Berry. Ang hawak nitong malaking bowl ng strawberries na nangangalahati na ang laman ang kumumbinsi sa kanyang hindi siya nagkakamali. Batay sa hitsu

