“Bloody hell, Sky, move!” naiinis nang saway ni Pierce kay Sky. Panay kasi ang pose ni Sky sa harap ng tanawing kinukunan ng litrato ni Pierce. Kapag alam ni Sky na pipindutin na ni Pierce ang camera nitong masasabi niyang isa sa mga pinakamura sa lahat ng cameras na pag-aari ng binata ay tatakbo siya sa harapan ng tanawin, gusali o bagay na kinukunan nito at magpu-pose. Iyon pa naman ang ayaw na ayaw ng binata, ang may makuhanang tao sa mga litrato ng tanawing gusto nito. Mga tanawin at lugar lang ang gusto nitong pinagkukunan ng litrato. Bibihira lang itong kumuha ng litrato ng mga tao. Pilitan pa tulad ng nangyari sa Rock Inn and Cafe. “Pierce! Pierce, tignan mo, si Bram iyon! Halika, dali, sundan natin siya!” biglang bulalas ni

