Sinundan nila ng tingin ni Janice ang papalayong pigura ni Bram. Pagkuwan ay nagkatinginan sila. At nagkatawanan. Sky used to hate Janice de Leon because of what this woman did to Pierce. Ang balak nga lang niya ay maging magalang pero pormal sa pakikipagharap dito. But there was such warmth and affection in the older woman’s eyes that it was hard to remain cold and aloof to her. Lalo na ng mahigpit na niyakap siya ng babae na para bang matagal na silang magkakilala at sabik na sabik ito na muling makita siya. “Oh, Sky darling! I’m so happy to finally meet you! Matagal na kitang gustong makilala. Maraming naikwento si Granny G tungkol sa iyo. You’re my baby boy’s special friend,” wika nito na labis na ikinagulat niya. “May komunikasyon ho kayo ni Granny G noon pa?” “

