Isang malambot na ngiti. Isang ngiti na puno ng saya. Ngayon ay malinaw niyang nakikita ang labis na kaligayahan nito habang nakatingin ito sa anak nitong si Dylan. Larawan ng isang masayang pamilya ang kanyang nakikita. Isang ama. Isang ina. At isang anak. At sa eksenang iyon… para bang siya pa ang nagmukhang kontrabida. Parang siya pa ang hadlang sa kaligayahan ng mga ito. Unti-unting nanikip ang dibdib ni Karah. Bigla niyang naalala ang mga sinabi ni Brixton kanina. Na titira dito si Thalia. Na dito na rin mananatili ang anak nila. Na kailangan niyang intindihin ang sitwasyon. Napapailing si Karah habang tahimik na nakatingin sa kanila mula sa itaas ng hagdan. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit. Ang marinig mula sa bibig ni Brixton na may nararamdaman pa ito kay

