Jassie POV
Pagpasok ko sa office, hindi pa ako nakakaupo nang mag-intercom ang secretary.
“Ms. Suarez, Sir Keano wants to talk to you. Proceed to his office.”
Napaismid ako.
Ano na naman kailangan ng Hapon na ’yon?
Wala naman akong choice kundi sumunod.
Pagpasok ko sa opisina niya,
“Close the door. Sit down.”
Malamig ang boses niya.
Sumunod ako. Tahimik. Pero kumukulo.
Diretso siya.
“Why did you block me?”
“Makulit ka eh,” inis kong sagot.
“Aba’t, Jassie. Be mature,” sagot niya, may irita rin.
Ako ba talaga ang immature?
“Ako ba talaga? O ikaw?” balik ko. “Tigilan na natin ’to, okay? Kung gusto mo si Ashley, tutal naglalampungan naman kayo, bakit hindi na lang siya ang asawa mo? Bakit pati ako damay?”
Ramdam ko ang panginginig ng boses ko.
“Tell your parents na hindi nag-work relationship natin.”
Inirapan ko siya.
Natahimik siya sandali.
“Sorry for what you saw,” sabi niya. “Pero wala kaming relasyon ni Ashley.”
“Oh yeah?” tumaas ang kilay ko. “Ano ’yon? f*****g buddy lang kayo?”
Bigla kong natakpan ang bibig ko.
Ano ba ’tong lumalabas sa bibig ko?
Selos.
Nakakainis.
Nagulat siya sa sinabi ko.
“Jassie, look at your words. Bata-bata mo pa.”
“Hindi na ako bata! Kaya nga hindi ba inasawa mo ako?” patuloy ko.
“Nonsense,” mariin niyang sabi. “Nagseselos ka ba?”
"Kung sasabihin kong oo—Ano gagawin mo?” hamon ko.
Tahimik siya.
“Ikaw. Mamili ka. Makikipaglandian ka kay Ashley o makikipag-divorce ako sa’yo.”
Ito na ’yon.
Ito na ang chance ko.
Makawala.
Tahimik siya ng ilang segundo na parang oras ang lumipas.
Pagkatapos—
“Ikaw ang pinipili ko.”
Parang may sumabog sa dibdib ko.
“Sige,” dagdag niya. “If that’s what you want, hindi na ako pupunta sa condo ni Ashley. Business transaction lang kaya ako pumunta doon.”
Ako ang pinili niya.
Huwag kang umasa, Jassie.
Napangisi ako, pilit.
“Sabi ko na ako ang pipiliin mo. Takot mo lang matulad kay Shean kapag sinuway ang magulang mo, walang matitira sayo.” Pang-iinis ko.
Bigla niya akong kinabig.
Napabalikwas ako at napasandal sa dibdib niya.
Mabilis ang lahat.
“Don’t say that again,” mariin niyang sabi. “May sarili akong pag-iisip. Hindi ako dinidiktahan ng kahit sino.”
Malapit ang mukha niya.
Masyadong malapit.
Ramdam ko ang t***k ng dibdib niya.
O baka akin.
“Bitawan mo ako,” mahina kong sabi, pero hindi matigas.
“Hindi ka option,” dagdag niya, mas mababa ang boses. “At hindi kita pinili dahil takot ako.”
Napatingin ako sa kanya.
“Then why?” mahina kong tanong.
Saglit siyang natahimik.
Parang may gustong sabihin.
Pero pinakawalan niya ako.
“Ayusin mo muna sarili mo bago ka magdesisyon tungkol sa divorce,” sabi niya, bumalik ang CEO tone. “At huwag mo na akong i-block.”
Tahimik ako.
Hindi ko alam kung galit pa rin ba ako,
O mas nalilito.
Paglabas ko ng opisina niya, nanginginig ang kamay ko.
Akala ko gusto ko ng sagot.
Pero ngayong narinig ko na,
Mas lalong gumulo ang lahat
Jassie POV
Bakit hindi ako nakaimik?
Buwisit talaga.
Ako na nga ’yung nakipaghamon. Ako na nga ’yung nagsabing divorce. Pero nang sabihin niyang “Ikaw ang pinipili ko”—
Natameme ako.
Ano ba ’yan, Jassie.
Bumalik ako sa mesa ko na parang lutang. Hindi ko na maalala kung paano ako nakalabas ng office niya.
“Uy, okay ka lang?” tanong ni Princess.
“Okay lang,” mabilis kong sagot.
Hindi okay.
Hindi ko ma-explain ’yung nararamdaman ko.
Galit ba ako?
Oo.
Nasaktan?
Oo.
Masaya?
…Ewan.
Binuksan ko ang laptop ko. Campaign metrics. Reports. Data.
“Jassie, focus,” bulong ko sa sarili ko.
Trabaho.
Goal.
Pera.
Hindi lalaki.
Hindi selos.
Hindi kung sino ang pinili niya.
Pero paulit-ulit sa isip ko—
Ikaw ang pinipili ko.
Hindi kita option.
Napapikit ako saglit.
Kung hindi ako option…
Ano ako?
Responsibilidad?
Obligasyon?
O—
Mas malala,
Pinili dahil gusto?
Napailing ako.
“Stop it,” bulong ko.
Hindi puwedeng umasa.
Hindi puwedeng magbago ang plano ko dahil lang sa isang linya.
Biglang nag-vibrate ang phone ko.
Unknown number.
Kumunot noo ko pero sinagot ko.
“Hello?”
Tahimik sa kabilang linya.
Pagkatapos—
“Stop playing wife.”
Boses babae.
Malamig.
Mabilis na naputol ang tawag.
Napatigil ako.
Nanlamig ang kamay ko.
Ashley?
O iba?
Hindi ko alam.
Pero isang bagay ang sigurado,
Hindi pa tapos ang gulo.
At kahit pilit kong sabihing focus lang ako sa trabaho,
Mukhang may mas malaki pang laban na paparating.
Jassie POV
Matagal akong nakatitig sa phone ko.
Unknown number.
“Stop playing wife.”
Ulit-ulit sa isip ko.
Anong ibig sabihin nun? Hindi ba ako asawa? Kahit sa papel lang, ako ang legal. Ako ang may apelyido niya. Ako ang nasa bahay niya. Ako ang kasama niya sa kuwarto gabi-gabi.
So bakit parang ako pa ang nang-aagaw?
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone.
Hindi ako ang third party.
Hindi ako ang kabit.
Ako ang asawa.
Huminga ako nang malalim.
Focus. Hindi ito ang oras para mag-breakdown.
Tinext ko si Keano.
Me: “May tumawag sa akin. Babae. Sabi stop playing wife.”
Ilang segundo lang,
Tumawag agad siya. Lumayo ako sa mga ka office mate ko.
“Who called you?” malamig ang boses niya.
“Hindi ko kilala. Unknown number.”
Tahimik siya sandali.
“Did she mention a name?”
“Hindi. Pero obvious naman.”
Mas lalong lumamig ang tono niya. “I’ll handle it.”
Nainis ako.
“I’ll handle it?” ulit ko. “Ganun lang? Keano, asawa mo ako.”
“I know.”
“Then act like it.”
Tahimik.
Narinig ko ang mahinang buntong-hininga niya sa kabilang linya.
“Jassie, I told you. Ikaw ang pinili ko.”
“Pinili mo ako dahil ayaw mo ng divorce. Hindi dahil mahal mo ako.”
Diretso. Walang preno.
Tahimik ulit siya.
Mas masakit ’yung katahimikan kaysa sa sigawan.
“Uuwi ako nang maaga,” sabi niya.
“Hindi kailangan.”
“Kailangan.”
Binaba niya ang tawag.
Napatingin ako sa repleksyon ko sa screen ng laptop.
Bakit ako nanginginig?
Galit ba ako,
O natatakot?
Takot na baka totoo.
Takot na baka kapag tinuloy ko ’tong laban, ako rin ang unang masaktan.
Pero kung hindi ako lalaban,
Habang-buhay na lang ba akong tatawagan ng kung sino-sinong babae para sabihing tumigil ako sa pagiging asawa?
Hindi.
Hindi puwede.
Kung may laban, lalaban ako.
Pero sa paraang hindi ako mawawala sa sarili ko.
Pagdating ni Keano mamaya,
Hindi ako iiyak.
Hindi ako uurong.
At hindi ako papayag na ako ang magmukhang mali.
Kung may gustong makipag-agawan,
Handa ako.
Dahil sa pagkakataong ito,
Hindi na ako tatakbo.