Napapikit ako ng mariin at napasapo ako ng aking noo nung nakabalik na ako kung saan sina Sage at Dana nakatayo. Wala na ang iba dito sa lobby, siguro pumunta na sa kanilang mga silid. Kami na lang nina Sage, Dana,Gavi at Clint ang natitira.
"Are you okay?" nag aalalang tanong kaagad ni Sage saakin. Siguro napansin niya kaagad na may iba sa mukha ko.
"Gusto ko sanang pakalmahin si Cassian sa labas, kaso ako ata ang uminit lalo ang ulo. Napagsalitaan ko ng masama si Sian." mangiyak ngiyak kong hinarap si Sage, na ikinagulat niya "At ngayon, pati ata sakin galit siya"
Lumapit si Sage para aluin ako, nanginginig na ang labi ko at may namumuo nang parang bukol sa lalamunan ko. Ilang segundo na lang at sigurado akong tuluyan na maiiyak.
Ba't ko pa kasi sinabi yun? Kinalimutan ko ang totoong estado ng buhay ni Sian, nung nakita ko siya kung paano niya pinagalitan ang kawawang staff, sa harap ng maraming tao.
Aaminin ko nag padalos dalos ako sa ginawa ko, ngunit hindi ko talaga tanggap ang ginawa ni Sian. Naging empleyado ako sa isang fastfood chain nung nag aaral pa lang ako sa France, naranasan ko pag salitaan ng manager ko, at pagalitan ng mga customer. Kahit wala akong ginawang mali, hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko nung mga panahong yun, dahil nag tratrabaho ako, empleyado lang. Kaya ganun ganun na lang ang naging reaksyon ko kanina. Naiimagine ko ang sarili ko sa staff na yun.
Huminga ako ng sobrang lalim, nakayuko habang kagat ang aking labi. Pinipigilan ang pag iyak.
"Don't worry about Cassian, Xyra" bigla akong napaangat ng tingin. Si Dana na kasalukuyang nasa harapan ko na pala "Sila Gavin at Clint na ang bahalang kumausap sakanya, for the meantime, pumasok na muna tayo sa kwarto"
Tumango ako tsaka tahimik na sumunod sa dalawa, nung makarating na kami sa isang VIP suite, dun ko lang napagtanto na dito rin pala gustong matulog ni Dana.
Hindi ko pa natanong sakanya, pero nakumpirma ko na lang yun nung nakita ko sila ni Sage na tumakbo papunta sa queen size bed.
"Ako dito!" Sage sabay higa sa bed atsaka nag pagulong gulong pa
"Sige ikaw na diyan, tabi na kami ni Xyra dito." Dana naman sabay upo at tumalon talon pa. Yung parang tinitingnan kung malambot ba ang bed o hindi.
Napailing na lang ako sa ginawa ng dalawa tsaka dumerecho na sa malaking closet para mailagay na dun ang dala kong mga gamit.
Malaki ang suite, may dalawang queen size bed, malaking closet at maliit na tanggapan. May malaking sliding door kung saan kita ang malaking family pool sa labas.
Sa tingin ko nga pwede pang mag pool party kaming lahat dito mamaya, dahil accessable ang swimming pool na ito sa lahat ng suites.
Pag pasok ko sa restroom ay nanlaki ang mata ko, dahil sa sobrang lawak nito, maliban sa shower ay may jacuzzi pa.
Napaisip ako kung magkano kaya ang price per night dito. Maganda, malinis at malawak kasi ang suite na ito. Sigurado sosobra pa ito sa buwan buwanang sweldo ng isang ordinaryong empleyado ang presyo nito.
Paglabas ko ng restroom ay natawa ako kaagad sa dalawa. Paano ba naman kasi, kita ko kung paanong umasta na parang model si Sage sakanyang higaan, tsaka si Dana ang kumukuha ng litrato niya.
"Dana ayusin mo, ipopost ko to mamaya." Sage sabay tingin sa malayo.
Pagkatapos ng ilang click na ginawa ni Dana, ay umahon na si Sage sa pagkakahiga kaya nakangiting lumapit na rin ako sakanila para sumali. Lahat ng sulok ata ng suite namin ay kinunan na namin ng mga litrato, panay ang halakhak namin ni Dana kay Sage, dahil sobrang arte niya sa mga litratong kuha niya.
Kung hindi lang tumawag si Clint kay Dana, siguro hindi na namin mapapansin na nawala kaming tatlo sa oras, at nakalimutan na ang tunay naming balak sa pagpunta dito. Ang sabi nandun na daw silang lahat sa beach area ng Amanpulo, nag kakatuwaan na, kaming tatlo na lang ang wala pa dun.
Bago kami lumabas ay nag bihis pa kami ng damit, me wearing a black string two piece, oversized white cotton polo shirt as my cover up and dior glasses. While Dana, yellow one piece swimsuit, kung saan kitang kita ang kurba ng katawan niya, at mas lalong tumingkad ang balat niya dahil sa kulay ng kanyang suot na swimsuit. Sage wearing a floral red summer polo na bukas ang lahat ng buttones neto, atsaka black board short.
Nung tuluyan kaming nakalabas sa beach area, ay agad ko nakita ang mga kaibigan namin, masayang nag lalaro ng volleyball, ang iba ay nag susurfing ang iba naman ay nag jejetski.
Bigla akong naexcite nung nakita ko kung gaano kaganda ang dagat, sobrang linis neto na para bang tinatawag ka ng dagat na lumangoy. Atsaka simula nung nakauwi na ako ng Pilipinas ay ngayon lang ulit ako nakapag beach. Humanap kami kaagad ng bakanteng lounger kung saan pwede namin iwanan ang dala naming towel.
Pero syempre bago pa kami tuluyang lumangoy na tatlo ay napagkasunduan pa naming kunan ng litrato ang isa't isa. Kahit tirik na tirik ang araw ay tiniis namin, para lang makakuha ng magandang litrato.
"Hey miss" biglang sulpot ng isang foreigner sa kalagitnaan ng pagkuha namin ng litrato. "Xyra right?"
Kunot noo ko siya tiningnan, he looks familiar to me ngunit hindi ko maalala kung saan ko siya nakita o nakilala. Bahagya kong nakita si Dana na umatras ng kaonti sa kinatatayuan niya. Sa ilang buwan namin na magkakilala ni Dana, alam kong naiilang siya sa tuwing makakita siya ng mga bagong mukha.
Kita kong ngumiti ang foreigner nung napansin niya ang reaksyon ko. "I'm Greg" pakilala niya sakanyang sarili. Nanlaki ang mata ko tsaka napunta sa bibig ko ang aking kamay.
"pourquoi es-tu ici Greg?" gulat na tanong ko sakanya, sabay beso sa magkabilang pisngi niya, ganito kasi kami bumati sa mga kaibigan dun sa France.
At tama nga, Greg is my friend living in France. Kaya laking gulat ko na lang na makikita ko siya ngayon.
"nous sommes ici pour des vacances" masayang saad nito.
Sabi niya nandito daw siya para mag bakasyon.
"que le monde est petit, permettez-moi de vous présenter mes amis" sabi ko "Greg this is Sage and Dana. This is Greg" pakilala ko sakanila. Kita ko ang pagkalito sa mukha ng dalawa, habang si Greg naman ay ngumiti sakanila.
"Hi pleasure to meet you" Greg sa mababang tono "I'd like to talk to you longer Xyra, but I really need to go. Maybe later on in the bar we can chitchat a little bit."
"Oh sure, no problem" nakangiting sagot ko. Pagkatapos nun ay nag paalam na rin siya sa dalawang kaibigan ko bago tuluyang tumakbo papunta sa shore, kung saan may nakaantay na yatch sakanya. Katulad ko, kaibigan niya rin ata ang kasama niya.
"Gwapo nun ah, sino yun Xyra?" kumento kaagad ni Sage habang nanatiling nakatingin kay Greg na papalayo sa amin. "Ex mo?" sabay sundot pa sa tagiliran ko.
"Hindi, kaibigan ko yun sa France."
"Kaibigan lang ba talaga?" tiningnan ko si Sage, tinaas baba pa niya ng ilang beses atsaka ngumisi sa akin.
"Oo kaibigan ko lang yun, tsaka may fianceé na yun, kaya kahit ikaw wala ka nang chance sakanya."
"Oy Xyra wala akong sinasabi ganun ah." pag dipensa niya sakanyang sarili
Tumawa si Dana, may naamoy na ito kay Sage, sigurado ako dito. Nagkibit balikat na nga lang ako
"Totoo!" Giit p neto
"Okay sabi mo eh, balik muna ako sa lounger ah. May kukunin lang." pag paalam ko sakanila, bago tuluyang tumakbo pabalik ng lounger.
Sa totoo gusto kong tumakas at sumilong na muna. Nararamdaman ko na kasi na unti unti nang nasusunog ang balat ko dahil sa sikat ng araw. Idagdag mo pa na nakalimutan ko pa talaga mag lagay ng sunblock kanina.
Napapikit ako para namnamin ang simoy ng hangin, sounds of wave is like music to my ears. Sa tuwing nakakakita ako ng dagat, gumagaan ang pakiramdam ko, nawawala ang lahat ng problema ko.
Saktong pag mulat ng mata ko ay may dumaan na jetski, sakay nito si Sian na may babaeng nakayakap sakanya mula sa likod. Half naked and wearing wayfarer glasses. My eyes narrowed, just to confirm who is the girl hugging Sian while riding that jetski.
Parang sinaksak ang puso ko nung nalaman ko na ang babaeng yumayakap sa boyfriend ko ay si Leila. Gusto kong maiyak dahil sa nakikita ko.
Napaisip ako kung tama bang sinagot ko ng ganun kadali si Sian? I've seen and talk to him for a countless times, na kami lang dalawa. Pero bilang na bilang ko sa aking mga daliri ang mga panahong magkausap kami na may kasamang iba.
Hindi ko inakala ang mga possibilities na ganito, na ganito siya makitungo sa ibang tao, lalong lalo na't pamilya ng kaibigan niya dahil kahit minsan hindi niya ako hinarap sa iba. Na namumuhay kami ni Sian sa magkabilang mundo.
Pinalis ko kaagad ang pumatak na luha sa aking pisngi, habang tanaw ko ang dalawang enjoy na enjoy sa ginagawa.
Suminghap ako tsaka tumayo, hindi ko hahayaan na mag papaapekto sa dalawang yun. I am Xyra Venice Villanueva, I can get guys whenever or wherever I want. Kung gusto ni Sian si Leila edi magsama sila.
Bago ako tumungo sa dagat, hinubad ko muna ang suot kong cover up, to flaunt my body in a black string bikini.
Huminto ako sa paglalakad para hayaan ang alon na mabasa ang aking mga paa
"Xyra! Wait" rinig kong boses ni Dana, nung nilingon ko ito nakita kong tumatakbo ang dalawa palapit sa kinatatayuan ko.
Hindi ko mapigilan na mapangiti sakanilang dalawa. Hinintay ko silang dalawa hanggang sa makalapit na ng tuluyan saakin bago lumangoy na sa dagat.
Laking pasasalamat ko dahil nandito sina Sage at Dana sa tabi ko, kahit papano na kalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.
"Xyra! Wag kang masyadong lumayo samin! Baka mapapano ka" nag aalalang sigaw ni Dana nung napansin niyang medjo lumalayo na ang distansya ko sakanilang dalawa.
Siguro dahil nga sa dagat na dagat na ako, nawala sa aking isipan na may kasama pala dapat ako dito. Huminto ako sa pag lalangoy para maiangat ang kamay ko at nakangiting nag thumbs up sakanila.
Marunong akong lumangoy, kaya hindi ako takot kahit na hindi na nakaapak sa lupa ang mga paa ko. Sa katunayan mas gusto kong nandito ako sa malalim na parte nang dagat para tahimik na makapag isip isip ako.
Tumalikod ako kila Dana para harapin ang araw, kahit anong sikat neto, hindi ko mararamdaman ang init na dala dahil sa malamig na tubig dagat sa katawan ko.
Sana pala nag dala ako ng inflatable floating lounger dito, para pwede akong mag tagal dito sa gitna ng hindi napapagod.
Nanlaki ang mata ko at napasinghap ako ng wala sa oras nung naramadaman kong unti unting may nag lakbay na kamay sa aking bewang. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa takot. Kahit alam kong delikado dahil nga sa malalim na parte na ako ng dagat, pilit ko siyang hinarap at tinulak ng buong lakas, para makalangoy papalayo sakanya. Sa tingin ko kasi walang may makakarinig sa akin kahit anong sigaw ko, dahil maliban sa ingay ng jetski abala ang ibang kasama ko sa pag lalaro ng volleyball, kaya hindi ako makahingi ng tulong.
Ngunit hindi ko nagawang itulak siya dahil agad niyang nahuli ang kamay kong nasa dibdib niya. It was Sian, kahit hindi ko pa naiangat ang tingin ko sa mukha niya alam ko na kung sino ito, he is wearing the red string bracelet.
Nung mag tama ang mga mata namin, hindi ko alam pero naiyak na lang ako bigla. Mabuti na lang nandito kami sa gitna, hinding hindi niya malalalaman na ang tumutulo sa mukha ko ay hindi na tubig dagat kung hindi mga luha ko na.
Akala ko okay na ako, akala ko nakalimutan ko na kung papaano yumakap sakanya si Leila, masakit pa din pala na makita mo ang mahal mo sa ganung posisyon.
"Ba't ka nandito mag isa?" aniya sabay suklay ng kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri "Alam mong delikado dito"
Nanatili ang kamay kong hawak niya sakanyang dibdib kaya unti unti ko ito binawi, "I know how to swim, at gusto kong makapag isip isip." sabi ko
Kunot noo niya akong tiningnan "At alam mong may mga professional swimmers parin na nalulunod taon taon."
"Alam ko, kaya hindi naman ako mag tatagal dito." sabay iwas ng tingin sakanya.
"Alright, samahan na kita dito." At ramdam ko ang paghawak niya sa aking braso para mailapit ako sakanya ngunit nung mag lapat ang dibdib niya sa katawan ko ay agad kong pinigilan yun na ikinataka niya.
"Ba't ka nandito? Nasaan sina Leila?" sabi ko sabay linga ng paligid para hanapin ang mga kaibigang nag jejetski.
"Nasa pool area na sila nag kakatuwaan." aniya na ikinalungkot ko.
Kaya pala niya ako hinanap dahil tapos na sila sa pag jejetski. Sa ikalawang pag kakataon ay nag silabasan muli ang mga luha ko. At dahil tuyo na ang mukha ko, sumisid na ako bago pa niya mapansin ang pag iyak ko.
Pagkaahon ko ay pilit akong ngumiti "Balik na ako dun" paalam ko atsaka lumangoy na pabalik sa shore. Tahimik akong nag lakad para kunin ang towel ko, hindi pinansin ang kahit anong pag tawag niya ng pangalan ko. Nakita ko pa nga sina Dana at Sage masayang nag lalaro ng buhangin sa gilid. Ngunit hindi ko magawang makasali dahil sa bigat na nararamdaman ko.
Kung ganito pala ang matutuklasan ko sana hindi na lang ako sumama, sana derecho na lang akong umuwi ng France. Edi sana hindi ako masasaktan ng ganito.
Sa dami ng iniisip ko hindi ko na namalayan na nakarating na ako sa suite namin, agad akong naligo at nag bihis para makapag pahinga saglit. Plano kong itulog na lang ang kinikimkim kong galit.
Nagising ako around six na at nahuli ko sina Sage at Dana abala sa pag bibihis, dahil mag didinner na. Kaya naman bumangon na ako atsaka nag hilamos ng mukha.
Wearing a nude polka dots romper shorts and black dr Martens sandals is my outfit for this dinner. Minessy bun ko nga lang ang buhok ko dahil pagod akong mag suklay ngayon.
Pagkarating namin sa dinning area ng resort ay nandun na ang lahat, abala na sa pagkuha ng kanilang pagkain. Hindi lang ang mga golf club member ang nandito sa dinning area, kung hindi halos lahat ng bisita ng resort ay nandito na rin masayang kumakain.
Nakita ko pa nga si Greg sa isang table, kumaway pa ito nung napansin niya akong papasok sa dinning table. Ngumiting kumaway rin ako sakanya bilang pagbati.
Tahimik naming hinanap ang table ng mga kaibigan bago kumuha ng pagkain. Ngunit, bigla akong napahinto nung nakita kong magkatabi na naman sina Sian at Leila sa table. Hanggang dito ba naman?
Oo alam kong ako ang may gustong itago sa lahat ang relasyon namin ni Sian, pero hindi naman kasama dun ang pag payag ko na pwede siyang tabihan ng ibang babae. Sa mismong harapan ko pa talaga.
"Xyra here!" nakangiti si Dana sabay paypay sakin tsaka turo ng bakanteng upuan sa tabi niya, na katapat nina Sian.
Napatingin rin sa kinatatayuan ko si Sian ngunit agad kong iniwasan yun para lumapit kay Dana.
Mabilis akong inabutan ni Sage ng plato, iniwan ko ang phone ko bago tumulak sa long table, kung saan nakahilera ang sari saring ulam. Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa pwesto.
Kahit na masarap ang ulam sa harapan ko, hindi ko magawang kainin yun. Parang busog pa ako kahit na nung lunch pa ang huling kain ko, nawalan na ako ng gana.
"Xyra, okay ka lang ba?" bulong ni Sage sakin, sa gitna kasi ako ni Dana naka upo "Kanina ko pang napapansin na ang tamlay mo. May problema ba?"
Binitawan ko ang hawak kong kutsara bago ko pinahid ang tissue paper sa bibig ko atsaka nilingon ko siya "Okay lang ako, wait cr lang ako." Tumayo ako kaya napatingin ang lahat na nasa table ko saakin. Ngumiti naman ako "Excuse me cr lang ako." Paalam ko bago umalis.
Wala akong pwedeng sisisihin sa nangyayari sakin kung hindi ako lang, ako ang gumawa ng desisyon kaya wala akong dapat sisihin.
Pero sa kabilang banda, sana naman si Sian na lang ang umiwas hindi ba? This trip is already ruined. Hindi ko na alam kung maayos pa ba ito o matutuwa pa ako.
Imbes sa restroom ako pumunta, naisip kong dumerecho sa dalampasigan. Umupo ako sa isang malaking bato.
"Akala ko mag ccr ka" biglang sulpot nang isang lalaki sa tabi ko, it was Sian.
Agad kong binawi ang tingin nung nalaman ko na siya yun at humarap muli sa dagat. I don't want to talk to him.
Tahimik siyang umupo sa tabi ko. Wala ng bato kaya sa buhangin siya nakaupo.
"You didn't like the food? I noticed you barely ate. Do you want me to order something different for you?"
"Wag na, busog pa ako." I lied
"Pero baka gutumin ka mama—"
"Oorder ako pag gutom na ako." pinutol ko ang sinabi niya kaya nagulat siya sa nagawa ko.
Naging tahimik kami pareho, pawang ang pag hampas ng alon at musika galing sa dinning area ang maririnig. Paminsan minsan ding napapabuntong hininga si Sian, na para bang may gusto siyang sabihin sakin ngunit mas pinili niya na lang na tumahimik.
"Kahit hindi mo sabihin sakin, alam kong iniiwasan mo ako love." he said after a while of being silent. Nilingon ko siya "At alam ko din na dahil ito sa inasta ko sa isang staff, sisingsisi ako sa ginawa ko. I was also caught off guard nung bigla kang nagalit sakin, I mean kahit kailan, walang sino man ang nagtakang kumontra sa pananaw ko sa isang bagay, ikaw pa lang." mahinahong pag explain niya "And I don't blame you, dahil tama ka nga naman, hindi nga talaga kasalanan ng staff ang nangyari. It was our fault not to tell them na may iba pa palang sasama satin. Kaya kinulang sila ng rooms."
Puno ng pagsisi ang mga mata niya, kaya hindi ko mapigilan na mapaiyak muli. "I'm sorry sa ginawa ko. Pangako hindi ko na uulitin yun." pahabol niya tsaka unting unti niya hinawakan ang pisngi ko para siya mismo ang pumunas ng luha ko. Napapikit ako at hinayaan siya sa ginagawa.
Pagkamulat ko ay nasaakin parin siya nakatingin "Anong meron sainyo ni Leila?" nanatili ang kamay nakahawak saaking mukha nung matapang kong tinanong yun.
"Leila?" pinili kong wag siyang sagutin "she's Gavin's cousin, what about her." muli akong napaiwas ng tingin sakanya.
Sa kung papaano niya kasi ako titigan ay pakiramdam kong mababaliw na ako. How can he casually answer my question?
"She likes you" mahinang sabi ko sabay harap sa dagat.
"Tumingin ka nga sakin, hindi tayo makakapag usap ng maayos niyan kapag sa iba ka nakatingin" mahinahong sabi niya sabay hawak sa braso ko at unti unti niya akong pinaharap saknya.
I sighed "She likes you, and I think mas bagay kayo" malungkot na sabi ko.
Kung makikipag break siya sakin ngayon, kahit masakit, kahit mahirap. Buong buo kong tatanggapin ang desisyon niya.
"What are you talking about Xyra?" hindi makapaniwalang sabi ni Sian. "Kaya mo ko iniiwasan dahil tingin ma may gusto si Leila sakin?"
"Totoong gusto ka nun"
"Iba ang gusto ko, at alam mo kung sino ang tinutukoy ko."
"Kita ko kung papaano ka niya yakapin nung nasa jetski kayo, at hinayaan mong gawin niya yun sayo. Tsaka kanina sa dinning area kayo parin ang magkatabi."
"This makes sense to me now" he murmured as he nod his head
"Huh?"
"The moment I saw you wearing those black bikini, gustong gusto na kitang lapitan. Pero nag aanlinlangan akong gawin yun dahil baka mas lalo ka lang magagalit sakin. Knowing na galit ka na sakin dahil sa ginawa ko sa staff, ayaw ko nang dagdagan ang tampo mo. Nandilim ang mata ko nung nakita kong may lumapit na isang lalaki sayo kanina habang nag phophotoshoot kayo nina Sage at Dana sa tabi ng dagat, kita ko kung paano mo pinakita sa lalaking yun ang maganda mong mga ngiti. Nung mga panahong yun napabilis ang takbo ko sa jetski at nakalimutan kong nasa likod ko pala si Leila, at malapit na siyang mahulog dahil sa bilis ng pag papatakbo ko." aniya "I swear malapit na ako makapatay kung nag tagal pa ang lalaking yun sa harapan niyo."
"It was Greg, my friend from France."
Tumango ulit siya, magkasalubong ang kilay habang tikom ang kanyang bibig
"Kaya mo ako iniiwasan, hindi dahil sa ginawa ko dun sa staff, kung hindi dahil nag seselos ka kay Leila" he concluded.
Balak kong iwasan ulit ang titig niya ngunit mas mabilis niyang naagawa ang atensyon ko sa pamamagitan ng biglaang pag tayo. Tsaka hinawakan ang kamay ko para hilain papatayo.
"Aanong gagawin mo Sian?" Tarantang sabi ko habang binabawi ang kamay ko na mahigpit na hinahawakan niya.
"We need to tell them about our relationship." seryosong sabi niya
"Huh? Ngayon? Sian mamaya na, kumakain pa sila." pag pigil ko sa kagustuhan niyang mangyari.
"Ayaw kong matapos ang araw na ito na hindi pa nasasabi sa lahat ang relasyon natin. Sumangayon ako sa kagustuhan mong itago ang relasyon natin, ngunit dahil sa pag payag kong yun, madaming maling akala ang pumapasok sa isipan mo, hindi ko akalain na sa paglapit ni Leila sakin ay may mga negatibo ka na palang naiisip. Kaya pala panay ang iwas mo sakin. Hulaan ko, nag iisip ka na kung paano mo tatapusin ang relasyong ito hindi ba?"
Kagat ang labi kong yumuko na lang. nahihiya akong harapin siya, dahil tama ang lahat ng sinasabi niya. Parang isang sampal yun sakin dahil naiisip ko na nga kung papaano ko siya hihiwalayan sa oras na sabihin niya sa akin na mas gusto niya si Leila kesa sakin
Naging malabo ang mga mata ko dahil sa luhang nag babadyang tumulo. Ramdam ni Sian ang panginginig ng aking kamay kaya siguro mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya neto.
Using his free hand, he held my chin. Yumuko pa siya ng kaonti para mag lebel ang mga mata namin.
"Next time, when something's bothering you, sabihin mo sakin kaagad, wag mong piliin na manahimik sa isang sulok at hayaan akong hulaan ang tumatakbo sa isipan mo. Mas pipiliin ko pang magalit ka sakin ng harap harapan kesa sa iwasan mo ako. Katulad ng ginagawa mo ngayon." aniya "We should be frank and open to each other. This is the only way for this relationship to work out, and i'll do everything to make this work. Hanggang sa mamatay ako Xyra."
Nanatili akong nakatingin sakanya habang sinasabi niya yun sa akin. Sangayon ako sa sinabi niya, I want this relationship with Sian to work out. Gusto ko siya na ang huling lalaki na mamahalin ko. Hanggang sa mamatay ako.