Ilang araw na rin ang lumipas ng magpunta si Lance sa bahay nila at hindi na muli itong bumalik. Nagpapadala na lang ito ng mga pagkain katulad ng prutas at iba pang masusustanyang pagkain na ibinilin sa kanya ng doctor na dapat niyang kainin habang siya ay nagbubuntis. Gusto sana niyang ipabalik ang mga pinapadala sa kanya ni Lance pero pinigilan siya ng kanyang mga magulang. Wala naman daw masama sa pagtanggap niya ng mga iyon lalo na at kailangan ng katawan niya ang mga vitamins, kaya napilitan siyang tanggapin ang mga pagkaing pinapadala nito sa kanya. Nasa labas siya ngayon ng kanilang bahay at ginugupit niya ang mga sobrang dahon na nakikita niya sa bawat paso na nasa terrace nila. Sa gaanong paraang kasi siya nakakaramdam ng panandalian pagkali

