Muntik na ring natangay si Gennie sa mainit na hininga ni Hernan. Iminuklat niya ang kaniyang mga mata at saka iniwas ang kaniyang mukha sa binata. Nakaramdam siya ng pagkahiya at pagkaasiwa. “H-Hernan…n-no please,” mahina niyang nasabi sa binata kaya dinig niya ang mahinang pagbuga ng hangin ni Hernan. Ngumiti pa rin ito sa kaniya at saka binitawan na ang kaniyang mga kamay. “I-I am very sorry, Gennie. I was just carried away by my feelings for you. All right, I will go home now. We will just meet tomorrow. Good night,” mahinahon ring wika ni Hernan. Hindi na rin nakaiwas si Gennie nang dampian siya nito ng halik ni Hernan sa noo. Inihatid na lamang ni Gennie ng malungkot na tingin ang papaalis na binata. Ramdam niya kung gaano siya talaga kamahal nito. Ipinagpatuloy ni Gennie ang ka

