Nagkita naman sina Gennie at Minnet sa paaralan at hindi siya nilubayan ni Minnet sa katatanong tungkol kay Hernan. Dahil sa pangungulit ng dating kaklase ay pinagbigyan niya ito para magkausap rin silang dalawa. “Na-curious talaga ako Gennie. Akala ko kasi, nagmamabutihan na kayong dalawa ni Pat at laking gulat ko nang makita kayong dalawa ng bago mong manliligaw. Kumusta na si Pat, nasaan na ba siya ngayon?” tanong ni Minnet. Nagbuga muna ng mahinang hangin si Gennie at saka binaling ang tingin sa kalawakan ng baybayin. Nasa ilalim sila ng punong akasya at langhap nito ang preskang hangin na nagmumula sa dagat. “Hindi naman naging kami ni Pat mula pa noon, Minnet. Hanggang matalik na magkaibigan lang kami magpahanggang ngayon. Pero alam mo ba, sa totoo lang minahal ko nga siyang talag

