Walang kaalam-alam si Alma na bumaba na ng barko si Pat sa inter island nitong paglalayag. Hindi rin nag-abala ang binata na puntahan ang dalaga sa bahay o paaralan nito. Ni katiting na pananabik ay wala siyang naramdaman kay Alma. Sa isip niya, kung sakaling iluwal man ni Alma ang anak nila, hindi naman niya ito pagkaitan ng kaniyang panahon para hindi kilalanin pero hindi pa niya alam kung ano ang dapat niyang gawin sa kanila ni Alma. Ang dalaga lang naman ang umamin na may relasyon na silang dalawa dahil nga sa buntis na ito at siya ang ama. Bago siya pupunta ng Maynila, lumuwas ng siyudad sina Mang Greg at Aling Tisya para makita rin at maihatid ang anak sa pier. Doon na rin sila natulog kina Tiya Nora bago ang araw ng pag-alis ni Pat. “Anak, natutuwa talaga kami ng Itay mo dahil sa

