Lumipas ang tatlong buwang naging abala na si Gennie sa kaniyang pag-aaral. Masaya itong ibinabalita sa ina ang mga magagandang pangyayaring naganap sa loob ng paaralan lalo na ang pagkikita nilang muli ni Maam Sanchez. Naging malapit din sila sa isa’t-isa at natutuwa ang kaniyang guro sa pagbabalik-eskwela niya. Pagkatapos ng klase ni Gennie, minabuti niyang ayain si Hernan sa bakery ni Tiya Cora. Gusto rin niyang makita ang kaniyang Kuya Danilo. Naabutan niyang nagbababa ng mga kahon ng tinapay mula sa delivery truck si Danilo. “Kuya!” Masaya niyang itong sinalubong. “G-Gennie? Aba, naka-uniporme ka na ah. Nagbalik-eskwela ka na ba? Kumusta naman si Inay, sino ang nagbabantay sa kaniya?” sabay ring tanong ni Danilo kay Gennie at masisilayan ang saya sa mukha nito nang makitang nagbali

