Michiko's POV Nagising ako na nandito na si Kuya Euan at Jiro habang busy naman sila sa pakikipag-usap kay Vonn. Mas mukhang ako pa nga ang pasyente dahil si Vonn ay nakaupo kasama nila Kuya samantalang ako ang nakahiga sa hospital bed niya. Nahuli ako ng gising dahil masarap ang naging tulog ko kagabi. Hindi ko iniisip kung makikita ko ulit si Vonn dahil nangako naman siya sa akin at alam kong tutuparin niya iyon. “Kumusta na ang pasyente?” pagbibiro ni Jiro noong nakita akong bumangon. Busy naman sa pag-uusap si Kuya Euan at Vonn na may blue print na nakalatag sa table kaya umupo ako sa kama para silipin iyon pero kaagad namang inalis at itinago ni Vonn kaya hindi ko nakita kung ano ang mayroon sa papel na iyon. “Kuya, pinag-ta-trabaho mo ba si Vonn? Okay ka lang po?” naiinis na tano

