IT DOESN'T MATTER 10

1049 Words
Nang magising si Ingrid, siya ay napatingin agad kay Mavy. Bakas ang pagtataka ni Ingrid dahil mukhang malapit na sila. Medyo nahahawigan na n'ya ang mga nasa paligid nila. Kaya naman nagawa niyang umupo nang ayos at ang saka tumingin kay Mavy na kasalukuyang seryoso sa pagmamaneho ng sasakyan. "Malapit na tayo hindi ba?" tanong ni Ingrid at panay naman ang tango ni Mavy. "Saan ba tayo dadaretso sa bahay n'yo ba rati o sa farm na inu-uwian ni lady Astriece?" "Sa farm tayo, ayoko rito sa bahay ni Pierce. Baka mamaya ay matyempuhan pa tayo at magalit." Sabay sandali ni Ingrid at natatanaw na rin niya ang farm at isang malaking pagawaan ng cake ang nakita nila. Sa kanyang pagkakaalam ay pagmamay-ari ito ni Persius, kaso ibinigay niya ito bilang regalo pasasalamat sa mga nag-alaga kay Astriece. Bumaba naman sila at saka napatingin ang nakakarami sa kanila. Madilim na rin kasi, pero maliwanag naman dahil may ilaw. Kahit kasi ganitong oras ay may mga tao pa sa labas dahil hinihintay nilang dumating ang mga sasakyan na ginagamit nila sa pagdeliver ng mga cake. "Magandang gabi po," bati ni Ingrid at saka may isang lalaki na nakatayo sa gate ng farm at agad naman silang nilapitan nito at sinusuri pa nga dahil bago sa paningin nila ang dalaga. "Magandang gabi rin po, anong kailangan n'yo?" tanong nito at tumingin sa sasakyan na kanilang sinakyan. "Dito po ba nakatira noon si lady Astriece?" Pagtanong pa lang ni Ingrid sa matanda ay nakita niya kung paano magliwanag ang mukha nito. Halatang masayang-masaya ito sa pangalan na kanyang nabanggit at panay naman ang tango. "Nako! Kaano-ano mo siya? Dito nga siya nakatira at asawa n'ya si sir Persius hindi ba?" Napatango si Ingrid dahil mukhang tama naman ang pinuntahan nila. Pinapasok sila ng matanda at saka naglakad ang dalawa papasok sa farm. Hindi nila alam kung saan sila pupunta basta sumusunod lang ito sa yapak ng matanda. "Miss na namin ang batang 'yon, hindi nga namin alam na asawa pala niya ang sikat na businessman sa atin." Napapangiti si Ingrid habang naririnig niya ang puri ng matanda. Alam niyang hindi biro si Astriece dahil ang mga sinasabi nito ay talaga namang magaganda. Hindi ito nagsasawa na purihin ang dalaga ng dahil sa taglay nitong kabaitan at kasipagan. Kahit na medyo nalilito pa si Ingrid dahil hindi naman ganito ang dating Astriece na nakilala niya. Sila ay natigilan ng tigil sila sa isang bahay. Ang isang bahay ay may ilaw at ang katabi naman ay wala. Parang walang nakatira rito at nagulat sila ng may sumigaw ang matandang kasama nila. "Sita! Halika at may bisita!" sigaw ng matanda at nakita ni Ingrid na lumabas ang isang matandang babae. Hindi ito pamilyar sa kanya, pero parang nakita niya ito nang ikasal si Persius at Astriece. "B-bisita? Gabi na ah," sambit nito at napansin naman ni Ingrid na parang nahihirapan ito maglakad, kaya hinawakan niya ito sa braso. "Maganda gabi po, ako nga po pala si Ingrid at ito naman ang boyfriend ko si Mavy. Pwede po ba kami makituloy rito kahit isang buwan? Pamangkin po ako ni lady Astriece at Persius." "Ay nako! Talaga ba? Halika at sumama kayo sa akin. Ikinagagalak ko na makilala kayo at talagang namimiss na rin namin ang batang 'yon at isang taon na rin ang lumipas ng umalis siya sa amin." Sabay pasok nila sa katabing bahay ni Sita at napakalinis nito at wala silang makita na kahit na anong dumi. "Bakit parang ang linis naman po? Wala po bang nakatira rito?" sabat ni Mavy at napaupo sila sa sofa dahil pagod na rin sila sa byahe. Napansin nilang may kinuha itong pagkain galing sa ref at napakunot ang noo ni Ingrid. "Hindi nawawalan ng laman ang ref ni Astriece. Dito siya noon nakatira at ang katabing bahay nito ay kay sir Persius naman." Sabay lapag ng cake at ilang strawberry. "Wow! Ibig sabihin ay dito siya natutulog noon nanay Sita? Wala kasi akong alam no'n dahil si Pierce ang kasama ko sa bahay," paliwanag ni Ingrid at nakita niyang nanlaki ang mata ni Sita. "Nakakatakot 'yon iha, kinikilabutan ako palagi kay sir Pierce. Tanda ko no'n na nagkita kami sa wedding celebration ni Astriece at sir Persius. Palaging nakasimangot at seryoso ang mukha, gano'n ba talaga 'yon?" Hindi maiwasan ni Ingrid at Mavy na matawa. Hindi nila inaasahan na makakarinig sila ng ganito at saka tumango na lamang si Ingrid. Ayaw naman niyang ipagkaila dahil talaga namang gano'n si Pierce. Palaging seryoso ang mukha nito parang ayaw nito sa mundo. "Osya, magpahinga na rin kayo mamaya ah. Anong oras na at saka galing pakayo sa byahe. Malayo-layo rin ang byahe n'yo at iyon ang kwarto. Isa lang 'yon pero kasya naman sa dalawang tao ang kama." Tumango na lamang si Ingrid at saka umalis si Sita. Kinain nila ang cake na hinain nito dahil ayaw nilang masayang ito. Kaya naman mabilis nila itong inubos at saka nilibot ang buong bahay. Hindi naman ito malaki at talagang tama lang sa dalawang tao at pumasok na si Ingrid at Mavy sa loob ng kwarto. "Buti na lang at may kutyon. Dito na ako sa lapag at ikaw na sa kama. Alam mo naman na ayaw kitang katabi, baka mamaya ay malikot ka pala matulog." Sumama ang tingin ni Ingrid at saka inayos niya ang kama. Napakalinis no'n at napakabango ng mga gamit ni Ingrid. Napaghahalataan na iniingatan ito ni Sita at napapangiti na lang siya. Naisip ni Ingrid na masaya ang buhay ni Astriece sa lugar na ito kahit na ganito lang kasimple ang buhay niya rito. Tuluyan na rin niyang tinanggal ang suot na sapatos at saka humiga sa kama. Pinagmasdan niya si Mavy na nakahiga at nakapikit. Hindi alam ni Ingrid kung paanong pasasalamat ang sasabihin niya sa kaibigan dahil hanggang sa Benguet ay sinamahan siya nito. "Magpahinga ka na rin Ingrid, hayaan mo na muna si Pierce. Sasakit lang ulo mo ka-iisip mo sa kanya, pati ako nasakit ang ulo ko dahil sa inyo. Ang hindi n'yo intindihin, bahala ka na nga at matulog ka na." Natawa si Ingrid at saka tumango. Tumalikod na siya at saka humiga. Pagod na pagod siya at sobrang sakit ng kanyang katawan dahil sa pagtulog niya ng nakaupo sa kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD