IT DOESN'T MATTER 11

1011 Words
Nagising si Pierce na may sama ng loob. Wala siyang katulog-tulog at trenta minuto lang ata ang naitulog niya. Hindi siya kumain kanina ng umalis sa bahay dahil sa nangyari kahapon. Iniisip niya si Ingrid at ang pag-alis nito at hindi na tuluyang bumalik sa bahay. Biglang sumakit ang ulo ni Pierce at napatingin siya sa pinto ng dumating ang sekretarya niyang si Nicolai Jeremy. May hawak itong baso na may kape na barako at ininom ito agad ni Pierce. Kaso kahit na anong gawin niya ay antok na antok siya at masakit talaga ang ulo niya sa sobrang pag-iisip. "B-boss, bakit hindi muna kayo magpahinga? Sobra na kayo sa trabaho at wala naman kayong gagawin. Kahit siguro maglibang kayo ng isang buwan ay ayos lang. Halos natapos n'yo na ang mga importanteng meetings n'yo at pati na rin ang bagong launch na sapatos." Hindi nagsalita si Pierce dahil alam naman niya ang sinasabi ni Nicolai. Kaso talagang nakasanayan na ni Pierce na pumasok araw-araw kahit wala naman na siyang dapat gawin. Kung tutuusin nga ay walang ginagawa ni Nicolai dahil sa kumpleto na ang ipapasa niya sa tuwing may ipapagawa si Pierce. Para lang itong sender at uupo na lang din kapag naibigay na ang dapat ibigay. "Sir, matanong ko lang. Bakit wala si Ingrid? Hindi ata nakabuntot sa inyo nitong mga nakaraang araw?" tanong ni Nicolai at nagbago nanaman ang takbo ng mood ni Pierce at tinignan n'ya lang si Nicolai. "Don't mind Ingrid, I don't know what she's thinking. She's planning to get married to his boyfriend Mavy." Napansin ni Pierce ang pagkunot nang noo nito at pagtaas nang isang kilay. "Boyfriend? Tapos magpapakasal? Are you sure boss? Hindi nga makaalis n'yo sa tabi si Ingrid at kailan pa 'yon nagkaroon ng boyfriend." Pansin ni Pierce na kahit ang sekretarya niya ay nalilito rin. Kahit naman siya ay hindi naniniwala sa dalaga. Pero dahil nalaman niyang magkatabi g matulog ang dalawa, hindi niya maiwasan na magalit at mapuno ng inis ang isipan. Gusto niyang bugbugin si Mavy kapag naiisip din niya ang mukha nito. Pinipigilan lang ni Pierce ang sarili dahil ayaw niyang lumala ang galit ni Ingrid sa kanya. Napahawak ito sa kanya pisngi na nasampal ni Ingrid at hindi niya maiwasan na maisip ang dalaga. Alam ni Pierce na nasasaktan niya ito, kaso talagang sarado ang kanyang puso at hindi niya alam kung bakit ayaw niya kay Ingrid. Naiisip kasi nitong batang-bata ito para sa katulad niya at naiisip din ni Pierce na parang kapatid na niya si Ingrid dahil bata pa lang ito ay nasa kanya na ito. Hindi niya alam kung siya ba ay makokonsensya kapag ginawa niya ito. "You should sleep boss, lutang na lutang na kayo. Saka n'yo na isipin kung ano man ang iniisip n'yo ngayon," sambit ni Nicolai at tumayo si Pierce at umupo ito sa sofa at saka humiga. Kating-kati ang kamay niya na alamin kung nasaan si Ingrid, kaso nawawalan naman siya ng gana kapag naaalala niya kung paano ito umiyak sa harap niya at paano siya nito sampalin ng dahil sa galit. Kaya naman hindi alam ni Pierce kung siya ba ay magpapatuloy pa rin sa nais niya o hindi na. "You may now go, I will sleep first and feel free to ask me if there's something wrong." Tumango si Nicolai at lumabas din ito at naiwan si Pierce na nag-iisip. Gustong-gusto na n'yang magpahinga, kaso ang isipan niya ay na kay Ingrid lamang. Pero mabilis din naman nakatulog si Pierce ng makapikit lang ito. Damang-dama kasi nito ang pagod na bumabalot sa kanyang katawan. "Ingrid..." Sabay tuluyan ng nakatulog si Pierce sa sobrang pag-iisip. Samantalang sa kabilang banda ay busy ang dalawa sa pagkain ng strawberry at pinipitas lang nila ito sa farm. Tinuruan kasi sila ni Sita kung paano kumuha ng mga hinog na prutas bukod sa strawberry. Halos hindi matigil si Mavy sa kakakain at nagagawa na nga itong sikuhin ni Ingrid ng dahil sa rami ng nakain nito. "Mavy isa! Nakakailang kain ka na at hindi ka naman ata pumipitas para ilagay sa basket. Kinakain mo lang lahat," saway ni Ingrid pero hindi ito pinapansin ni Mavy at panay lang ang pitas nito at pagkain sa mga prutas. Habang si Sita naman ay hindi maiwasan na matawa sa dalawa at napapangiti siya ngayon dahil namimiss na rin niya si Astriece. Matapos niyang malaman na pamangkin ito ni Astriece ay nabuhayan siya ng dugo. Simula kasi ng umalis ito sa kanilang lugar ay naging malungkot siya. Tanging ito na lamang ang inaasahan niya na makakapagbigay saya sa kanya dahil walang anak si Sita. Kaya ng umalis si Astriece at umuwi nang muli sa Cavite ay nalungkot ito ng sobra. "Okay lang 'yan at saka malaki ang tulong sa amin ni Astriece at Persius. Buwan-buwan na rin kami nagkakaroon ng supply at hindi na nga namin magalaw ang iba dahil sa rami ng pinapadala. Kaya kumain lang kayo nang kumain at gan'yan din no'n si Astriece." Namamangha naman si Ingrid dahil halatang mahal na mahal nito si Astriece. Halos ilang beses na niya itong binabanggit simula pa kahapon ng sila ay makarating. "Nanay Sita, napansin ko lang na maya't maya n'yo ata binabanggit si ma'am Astriece." Sumabat bigla si Mavy at isang napakagandang ngiti ang ibinigay ni Sita. "Kasi si Astriece lang ang itinuring kong anak. Hindi ko nga inaakala na darating ang araw na uuwi rin siya. Dalawang taon din siyang nagstay rito at masaya na makasama siya. Hirap na hirap siya nang una dahil nakakaramdam talaga ako na galing siya sa mayamang pamilya. At hindi ko rin inaasahan na asawa pala niya ang businessman na si Persius. Nalaman ko na lang nang pumunta ito rito, pero balita ko ay hindi maayos ang pinagsamahan nila no'n." Bumuntong hininga na lamang si Ingrid at hindi naman talaga naging maganda ang samahan ng dalawa. Ngumiti na lang siya at saka ipinagpatuloy ang pagpitas ng mga prutas dahil tuturuan sila ni Sita kung paano magbake ng cake at gumawa ng iba't ibang klase ng mga palaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD