Napansin ni Ingrid na hindi madaling gumawa ng cake at strawberry jam. Mahabang proseso at nakakailang lakad na sila at kung saan-saan pumupunta. Mayroong kakaibang mga makina na umaandar para magawa ang lahat ng mga dapat nilang ibenta at namangha naman si Ingrid sahil hindi niya akalain na ganito ang araw-araw na ginawa ni Astriece.
Siya nga ay pagod na pagod na sa kalalakad at paano pa kaya kapag ikaw ang mismo na gumagawa ng mga ito tulad ni Astriece.
Pero dahil nga hindi rin naman sila magtatagal rito ay nag-enjoy sila. Sa ngayon ay ayaw muna niyang isipin su Pierce dahil nga mas lalong sumasakit ang ulo niya. Hanggang sa natigilan sila dahil tumutunog ang cellphone ni Sita.
"Sandali lang ah! Sasagutin ko muna itong tawag," aniya nito at tumango naman si Ingrid at Mavy. Pero mas natigilan sila sa sunod na narinig nila.
"Buti napatawag ka, 'yong pamangkin mo pala na si Ingrid ay nandito at 'yong boyfriend niya." Masayang-masaya ang boses ni Sita habang pinapakinggan ito ni Ingrid. Hindi rin tuloy niya maiwasan na mapangiti at mapatalon sa saya dahil na rin sa malapit siya rito.
Parang nang isang araw lang ay nandoon sila ni Mavy sa bahay ni Astriece.
"Oo, sasabihin ko na lang. Mag-iingat kayo ni Persius." May ngiti sa mga labi ni Sita nang patayin niya ang tawag. Masaya itong nakatingin sa dalawa at hindi siya makapaniwala. "Pupunta raw rito si Astriece at Persius. Bibisita raw sila at magbebeach daw tayo."
Nanlaki ang mata ni Ingrid at si Mavy naman ay natutuwa rin. Hindi sila makapaghintay dahil araw-araw na silang stress at lalo na si Mavy. Dahil talagang stress na rin siya kaiisip kay Ingrid at hindi naman ito natatauhan sa tuwing pinagsasabihan. Pero buti na lang talaga ngayon ay maigi-igi na ito at sumusunod na rin.
"Totoo po ba 'yan nanay Sita?" tanong ni Mavy at tumango ito na walang halong pag-aalinlangan.
"Mabuti nga at naririto kayo at ilang buwan na rin namin hindi nakikita si Astriece. Buti na lang talaga at makakapagpahinga rin kami kahit dalawang araw."
"Wala pa naman tayong dalang kahit na anong damit," saad ni Ingrid at kinagat nito ang kanyang daliri at inakbayan naman siya ni Mavy. "Punta tayo ngayon sa mall, gusto mo ba at kailangan ko rin."
Sumingkit naman ang mga mata ni Ingrid at tumango na lang siya. Wala silang susuotin kapag hindi siya pumayag, pero hindi maiwasan ni Ingrid na mahiya kasi alam niya kung gaano kamahal ang mga presyo ng damit sa mall.
"Lakad na at umalis na kayo, baka mamaya ay gabihin pa kayo at babalitaan ko rin ang iba at mag-iingat kayo. Puntahan n'yo lang ako sa bahay kapag nakauwi na kayo."
Pakiramdam ni Ingrid ay napakasaya talaga rito. Pagdating pa lang nila kagabi at ng magising ngayong umaga ay napakaraming pagkain na agad ang nasa kanilang lamesa. Hindi niya maisip na sobrang lapit ng loob ng mga ito kay Astriece. Kaya naisip ni Ingrid na talagang napakalaki ng naitulong ni Astriece rito para ituring na parang isang anak ng mga tao sa farm at paano puriin sa taglay nitong kabaitan.
Hindi na rin nagbihis si Mavy at Ingrid at sumakay na sa loob ng kotse. Wala sila masyadong dala at nakaligo na rin sila kanina at nakaayos na rin. Maaari na talaga silang umalis at napatigil si Ingrid ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Napangiti naman siya ng mabasa niya ang text ni Astriece.
"Nagtext sa akin si lady Astriece, tuloy tayo bukas at hindi na ako makapaghintay," kinikilig na sambit ni Ingrid at nagsimulang magmaneho si Mavy.
Sinasalubong sila ng mga tao na may ngiti sa mga labi. Ang iba naman ay nagagawa pang kumaway at ginagantihan naman ito ni Ingrid ng isang ngiti. Gusto niyang damahin ang buong paligid dahil iniisip niya kung para sa kanya ba talaga si Pierce.
Palagi kasi siyang umaasa sa binata na mamahalin siya at pagbibigyan ang pagmamahal na matagal na n'yang ipinapakita. Kaso disappointed si Ingrid dahil kahit palagi siyang sumasama sa lahat ng lakad nito ay hindi naman siya napapansin.
Biglang pumasok sa isipan ni Ingrid ang lakad nila na hindi niya malilimutan. Nang magpunta sila sa isang resort para sa bagong project ni Pierce ay naiwan lang siya kasama si Nicolai. Hindi niya alam na umuwi na si Pierce dahil marami pa raw itong dapat na gawin. Kaya naman imbis na maging masaya si Ingrid ay naging malungkot siya. Hindi niya inaakala na iiwanan siya nito at hindi man lang sanabihan na uuwi na siya.
"Lutang ka nanaman, si Pierce nanaman ba 'yan?" tanong ni Mavy at kahit hindi sumagot si Ingrid ay alam na rin nito ang sagot. Kaya naman nanatiling tahimik si Ingrid at saka tumingin sa labas ng bintana.
"Alam mo, bakit hindi ka na lang talaga magpatuloy sa abroad? Sa tingin ko ay magiging ayos ka ro'n." Natigilan si Ingrid at sumama ang timpla nang kanyang mukha.
Siya ay sawang-sawa na nga sa ibang bansa at magbabalak nanaman siyang pumunta ro'n. Halos masoolo na ata niya ang mga mukha ng mga tao at ayaw na n'yang umalis. Bigla siyang umiling at saka sinamaan nang tingin si Mavy.
"How can I do that? Sawang-sawa na nga ako sa abroad, tapos mag-aaral pa ako ro'n?" inis na saad ni Ingrid at nakita niya itong umiling-iling.
"Sundin mo na lang ang gusto ni Pierce, malay mo nandoon pala talaga ang true love mo?" Tumawa si Mavy at nagawa pa niyang asarin si Ingrid.
Kaso hindi ito biro kay Ingrid. Alam niya na palaging binabanggit ni Pierce na mag-aral siya sa abroad. Kaya hindi mapigilan ni Ingrid na mainis at maalala ang lahat. Sinisiguro niya na hindi siya magiging masaya kung mag-aaral siya sa abroad at doon niya tatapusin ang natitira niyang isang taon sa kolehiyo.
Binuksan na lang niya ang pinto ng kotse at saka bumaba. Ilang minuto rin ang tinagal nila dahil hindi malapit ang mall sa farm. Nang sila ay makarating ay talaga namang namangha si Ingrid sa laki nito at ito ang unang beses na makakapasok siya rito.