Habang nakasakay sa eroplano si Pierce, hindi siya mapakali. Kanina pa niya tinitignan ang oras at trenta minuto na alng at makakarating na sila sa Pinas. Siya ay napapikit at saka kanina pa niya pinapatunog ang mga daliri sa upuan. Kaya naman si Edward na naka upo sa tabi ni Pierce at kinakabahan na rin. Ramdam niya ang pagkainis nito kanina pa, pero pinapanatili ang sarili na maging kalmado. "Nagreply na ba si Mavy?" tanong ni Pierce at isang iling ang binigay ni Edward. "Hindi pa po sir, sa katunayan ay hindi rin sumasagot si sir Mavy at wala akong makuhang balita sa kanya simula pa kanina. Basta nabanggit niya na nasa hospital daw po si ma'am Ingrid." Walang maisip na iba si Pierce, kung hindi ang asawa. Hindi niya maisip kung ano ang rason kung paano ito napunta sa hospital. Ngay

