Lahat din ng alak na nakatago sa kwarto ko ay inilabas ko. Uminom lang ako nang uminom nang gabing 'yon para maibsan ang galit na nararamdaman hanggang sa naramdaman ko na ang pagkahilo at tuluyan na nga akong bumagsak sa kama dahil sa kalasingan. "s**t!" I groaned. Ang sakit ng ulo ko nang gumising ako. Napahilot ako sa sentido ko. Kahit ayaw ko pang tumayo ay pinilit kong bumangon at dumiretso na sa cr para makaligo nang mahimasmasan ako kahit papaano. Habang nababasa ng tubig mula sa shower biglang bumalik sa utak ko ang nangyari kagabi. Damnit! That arrange marriage! Naisuntok ko na lang ang kamay ko sa pader. Halos maga ang mga kamao ko. Ilan beses ko na ba naisuntok 'yon? Hindi ko na mabilang. Nang tapos na 'kong magbihis naisipan ko nang bumaba. Tinanggal ko muna sa isipan ko ang

