58

3384 Words
ELLYZA Pinauna ako ni Jeremiah na sumakay sa ferris wheel dahil nag bayad pa siya kay kuyang tiga bantay bago kami papasukin. Pinapasok rin naman siya kaagad matapos niyang bayaran. Umupo ako sa kanan na pwesto at siya naman ang sa kaliwa. “Future ko,” tawag niya sa ‘kin pagpasok niya kaya napatingin ako habang katabi ko ang teddy bear, sinama na namin sa ferris wheel dahil kakain na rin naman kami pagkatapos. PInaiwan muna kasi namin kanina matapos naming mag laro sa whack-a-mole dahil hindi namin kaya buhatin sa bawat laro na pinuntahan namin. Binayaran rin yun ni Jeremiah dahil may bayad ang mag paiwan ng gamit na hindi kayang dalhin ng matagal. “Dalawang ikot tayo ah, isang medyo mabilis na ikot tapos isa pang ikot na mabagal hanggang huminto tayo sa taas.” Umupo na siya sa tapat ko at hindi ko pa rin makita ang nasa kamay niya dahil nakasara pa rin. Matapos masigurado ng nagbabantay na nakasara na ng mabuti ang mga pinto ng bawat slot ng ferris wheel pumito na siya, kaya nagsimula na itong umikot. Pumwesto kami sa parehas na gilid ng inuupuan namin para makita ang magagandang tanawin habang papataas kami. Namangha kami sa mga ilaw na nagliwanag sa bawat rides at games sa malawak na amusement park na ‘to. “Ang ganda,” ani ko habang nanlalaki ang mata dahil sa gulat kung gaano kaganda ang tanawin. Ang ferris wheel na sinakyan namin ay ang pinakamataas na rides sa amusement park, kaya kita mo ang buong amusement park kahit wala ka pa sa tuktok. Sa unang ikot ferris wheel ay hindi namin nakita ng maayos ang iba pang tanawin dahil katulad nga ng sabi ni Jeremiah dalawang ikot kami at sa pangalawa ikot pa kami hihinto sa tuktok para mas maayos makita ang iba pang tanawin pero kahit na papatapos pa lang ang isang ikot nag enjoy na ako dahil never pa akong nasakay sa mataas na katulad nito at makakita ng mga malilit bagay dahil sa sobrang taas. “Future ko,” tawag ulit sa akin ni Jeremiah kaya napatingin ako pero okay lang naman dahil pabalik na rin kami sa umpisa para umikot pa ng isa sa mabagal na paraan naman. “Gusto mo bang sabay tayo mag bigay ng napanalunan natin kanina sa oras na huminto ito sa tuktok?” tanong niya sa akin na medyo nahihiya pa. “Yun naman talaga ang plano diba?” nakangiti kong sabi dahil akala ko alam niya ng yun din ang nasa isip ko. Natatawa siya pero kita ang kaba niya sa mukha, kaya na papakamot na lang siya ulohan niya. “Mas maganda lang na sabihin ko sayo dahil gusto ko rin na bumilang ng tatlo sa oras na nasa tuktok na tayo,” paliwanag niya. Sinalubong ko siya ng matamis na ngiti sabay tango at tumingin na uli sa tanawin dahil umaakyat na uli kami ng mabagal sa tuktok kaya muling makikita namin ang mga tanawin pero sa pag maayos na paraan na. Tumingin na rin siya ng tanawin sa bintana at nag aantay na lang kami na huminto ito sa tuktok pero bago pa ito pumunta sa tuktok nakita ko ang pamilyar na tower na malapit sa ‘min at feeling ko makikita ko ang bahay namin kaya tinuro ko ito at kinalabit si Jeremia. “Natatandaan mo ba yun?” tanong ko sa kanya habang nakaturo sa tower. Tinignan niya naman ito ng mabuti pati na ang kulay pula nitong ilaw sa tutok. “Yan ba yung lagi natin nadadaanan tuwing ihahatid kita sa bahay niyo?” Tumingin siya sa akin kaya napatingin din ako sa kanya. Tumango ako sa kanya. “Oo,” masaya kong sabi. “Hindi ako makapaniwala na makikita yan mula dito,” hindi ko makapaniwalang sabi. “Baka hindi naman ‘yan ‘yon?” Balik namin ng tingin sa tower dahil medyo nag duda rin kami kung yun ba talaga yun, kaya nag hanap pa ‘ko ng makakapag patunay na yun talaga tower na malapit sa bahay namin habang hindi pa naman tumitigil ang ferris wheel na sinasakyan namin dahil wala pa naman kami sa tuktok. “Wait.” Libot ko ng mata sa mga tanawin pero wala ako mahanap, kaya umupo muna ako ng diretso at binunot sa bag ko ang cellphone ko. “Uhm,” ani ko habang minamadaling buksan ang cellphone. “Bakit?” Upo niya rin maayos dahil nakita niya ako. Nang mabuksan ko ang cellphone ko hinahanap ko kaagad ang compass at in-open. Tumayo ako at tinapat ko ang ulohan ng cellphone ko sa tower para malaman kung ‘yun ba talaga ang lagi naming nakikita. Wala na kasi kaming makita pang building o iba pang tower dahil wala ng ibang kapansin pansin na mataas na bagay bukod sa iisang tower lang na yun. Tumapat sa north east ang compass sa cellphone ko kaya ngayon siguradong na akong ‘yun nga lagi naming nakikita ni Jeremiah. “Tignan mo.” Utos ko sa kanya, kaya na patayo rin siya hindi ko kasi pwedeng iharap lang sa kanya ang cellphone ko dahil naka-compass nga. “Compass?” pagtataka niya habang nakatingin sa cellphone ko. Tinignan ko siya kaya napatingin din siya at tsaka ko pinaliwanag kung bakit gumagamit ako ngayon ng compass. “Alam mo namang matalino ako diba at alam ko minsan ang mga ganitong bagay.” Nakangiti kong sabi sa kanya habang nakatingin sa mukha niya hanggang sa maramdaman naming huminto bigla ang ferris wheel kaya nagulat kami ng kaunti at nawala ang ngiti namin sa mukha. Paano ba naman umuga bigla at halos ma-out of balance pa kami dahil nga sa pag alog. “Nasa tuktok na ata tayo,” ani Jeremiah kaya napaupo na talaga kami ng tuluyan. “I-ready mo na yan dahil naka-ready lang ang akin,” nang maging stable na ulit ang sinasakyan namin ay binalik ko na ang cellphone ko sa bag ko at hinanda ko na ring ilabas ang napanalunan ko para ibigay sa kanya. Nag katitigan kami ng ilang segundo bago ko tumango sa kanya at mag simula kaming parehas na mag bilang ng tatlo. “Isa.” Nilahad niya ang kamay niya habang nakatutok ang palad sa lapag pero nakasara pa ito habang ako naman eh hawak ko pa rin sa bag ang kwintas na napanalunan namin kanina na ibibigay namin ngayon sa isa’t isa. “Dalawa.” Inilahad ko na rin ang kamay ko pero nakasara rin ito tsaka ko sinarado gamit ang isa kong kamay ang bag ko. Ngumiti kaming sabay sa isa’t isa at binuksan ang mga palad pero dahil sa ganitong surpresa napapikit ako, kaya hindi ko kaagad nakita ang ibibigay niya. “TATLO!” sabay naming sigaw. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko para makita ang napili niyang kwintas kanina pero na una kong tignan ang mukha niya at nakita kong napapikit din pala siya at dahan-dahan niya ring binubuksan ang isang mata niya bago ang isa pang mata. Alam ko rin sa mukha ko siya unang tumingin bago sa mga kwintas na nampili namin dahil kita ko sa mata niya na nakatingin siya sa mata ko. Nang imulat na namin sa maayos ang mata namin tumingin na rin kmi ng maayos sa kwintas na nakasabit sa kamay namin. Ang napili niyang kwintas kanina ay simpleng kwintas lang naman na may nakasabit na pearl habang ako ay simple lang naman rin pero para sa ‘kin itong kwintas na ibibigay ko sa kanya ang magsasabing may nagmamay ari na sa kanya kaya bawal na siyang lapitan pa ng iba dahil sa nakasabit na letter E na letra kung saan nagsisimula ang pangalan ko. Hindi naman pwedeng sa letter E magsisimula ang pangalan niya eh Jeremiah siya, kaya malalaman ng tao na kung sino man ang E na yun sa buhay niya pag suot niya ang kwintas na ito ay ‘yun ang nagmamay ari sa kanya. “Ako muna ang mag suot sayo nito?” tanong niya sa akin at kinikilig naman akong tumango. Inilapat ko si teddy bear sa kabilang upuan para paupuin siya sa tabi ko at masuot niya ng maayos ang kwintas na ibibigay niya. “Bakit nga pala pearl?” tanong ko habang tinatanggal niya sa pagkalock ang kwintas bago isuot sa ‘kin. “Dahil ikaw ang kayamanan ko na hindi matutumbasan ng kayamanan na tinatamo ko ngayon sa buhay,” hindi ko alam pero bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko lalo na ng matangal niya na ang lock at isusuot niya na sa akin ang kwintas. Sa sobrang lapit ko na sa mukha niya ay halos mahalikan ko na ang pisnge niya, kaya hindi nagtagal habang nahihirapan siyang lock uli ang kwintas para masuot na sa akin ng tuluyan ay nagtawanan kami ng mahina dahil baka umandar na ferris wheel at hindi na kami makatanaw ng iba pang view habang suot ang mga bigay namin kwintas sa isa’t isa hanggang sa maisipan kong i-kiss na nga siya sa pisnge ng mabilisan bilang pasasalamat dahil naging masaya ang araw ko ngayon pagkatapos ng stressful na exam. “Salamat,” ani ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero parang hindi siya makagalaw dahil ata sa ginawa ko kaya tinapik ko siya sa balikat habang nasa gilid pa rin ako ng mukha niya. “Okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya. Hindi niya sumagot sa akin pero na suot niya naman na. Hinawakan ko ang pearl sa kwintas ko bago ko tumingin sa kanya pero ng titingin na ako sa kanya kasi umatras na kami ng kaunti dahil ako naman ang magsusuot sa kanya ay hindi na siya makatingin sa akin. Nakatingin kasi siya sa kabilang direksyon pero nakita ko ang tenga niya na namumula kaya hinawakan ko ito at nagulat ako ng maramdaman kong malamig ang tenga niya. “Uy Gem,” gulat nasabi ko. “Ayos ka lang ba?” hawak ko sa balikat niya at pinaharap ko siya sa akin para makita kung ayos lang ba talaga siya. Humarap siya at nakita kong namumula siya kaya hinawakan ko ang pisnge niya para pakiramdaman kung may sakit ba siya pero ng gawin ko na ‘yun, na hawakan siya sa pisnge ng dalawa kong kamay na magkabilaan naramdaman kong hindi pala siya humihinga, kaya hinampas ko siyang malakas dahil parang tulog siya at walang malay pero nakadilat naman siya. “Gem!” tawag ko sa kanya bago hampasin. Ewan ko kung nagulat ba siya sa hampas ko pero parang ganun na nga dahil napatalon siya ng mababa sa kinauupuan niya kaya medyo umalog ulit ang sinasakyan namin. Nakakatakot pero bigla kaming napayakap sa isa’t isa ni Jeremiah at nakatutok ang tenga ko sa dibdib niya. Saglit lang din naman at umi-steady na ulit kung saan kami nakasakay sa ferris wheel. “Ayos ka lang ba talaga?” tanong ko sa kanya matapos namin bumalik sa pagkakaupo ng maayos at tumango lang siya at ni walang lumalabas sa bibig niya. Sumesenyas siya na isuot ko na daw sa kanya ang kwintas na hawak niya. “Bakit ka ba hindi makapag salita?” tanong ko sa kanya habang tinatanggal ko sa lock ang kwintas ko pero sumenyas lang siya ng sumenyas kahit pa alam ko naman na ang ibig niyang sabihin sa umpisa pa lang. “Magsalita ka kaya ‘no.” Utos ko sa kanya pero hindi pa rin talaga niya makuhang magsalita. Nang matanggal ko naman na ang lock nilapit niya na ang mukha niya at leeg niya sa akin, katulad kanina ng sinuot niya sa akin ang kwintas na mahalaga na para simula ngayon araw. Hindi naman ako nahirapan ilock ulit ang kwintas sa leeg niya para masuot kaya mabilisan lang rin pero saktong suot ko sa kanyang leeg at aatras na sana ako ng kaunti bigla niya akong hinalikan din sa pisnge ng mabilis, kaya pagkaatras ko pa ako hindi nakagalaw at na stock up sa harapan niya. Hindi ko nga naitago ang mukha ko kaagad eh, kaya nakita ang mukha ko na hindi umiimik at gumagalaw. “Bawi lang,” nahihiya niya pang sabi habang hindi rin makatingin sa akin ng diretso. Ako naman itong walang masabi at bumibilis ang t***k ng puso. Mukhang dahil nga dun sa ginawa ko, kaya hindi siya huminga. “Te-teka,” ani ko. “Ano ang ibig sabihin nun?” tanong ko sa kanya habang tinuturo ko ng daliri ko pero nanginginig ang kanan kong pisnge na mabilis niyang hinalikan. “Ganti ko syempre,” pagpapanggap niyang inis para lang hindi ko siya mapagalitan. “Ikaw talaga.” Hahampasin ko sana siya dahil umamba na ako pero biglang gumalaw na ang ferris wheel paikot at pabalik sa ibaba dahil last na ikot na ito pero mabagal pa rin kaya may time pa kaming mag sightseeing. Hindi ko na natuloy ang paghampas ko sa kanya dahil sa biglang pag uga ulit ng sinasakyan namin. Hindi ko naman din talaga balak na hampasin siya, kaya mabuti na lang pinigilan ako ng ferris wheel kahit pa ayaw ko na lagi siyang umuuga dahil nakakatakot baka mahulog kami dire-diretso sa baba. Habang umiikot na pababa ang ferris wheel tahimik lang kami pero mag katabi pa rin hanggang sa mapatingin ako sa kanya dahil bigla niyang kinuha ang teddy bear at tinapat sa ‘kin. “Ma-mama,” matining niyang salita habang ginagalaw ang kamay ng teddy bear. Kinakaway niya sa akin at nagsasalita sa matining na boses para magpanggap na ang teddy bear ang nagsasalita. “Mama, mama,” tuloy-tuloy niyang salita hanggang sa matawa na ako, hindi dahil sa teddy bear na nagsasalita kundi sa kanya na wala sa itsura niya ang pagiging matining ang boses dahil varsity nga siya ng basketball tapos ganun pero para sa akin ang cute ng ginagawa niya para hindi masayang ang oras namin dahil pababa na kami. “Hindi ko inakalang may tinatago ka palang ganyan na boses Gem.” Natatawa kong sabi, kaya napatigil na siya sa pagsasalita ng ganung boses at ginilid ang mukha ng teddy bear, kaya nakita ko na uli ang gwapo niyang mukha. Tinakpan niya ang bunganga niya at umubo siya ng malalim. “Huh?” malaki naman niyang boses. “Anong sinasabi mo diyan?” mas lumaki pa ang ganyan boses, kaya natawa pa ako lalo. “Ano ba ‘yang pinaggagawa mo.” Tuloy ko sa pagtawa at halos sumakit na ang tiyan ko dahil hindi talaga bagay sa kanya ang mag ganun pero kung sa akin niya lang gagawin at sa oras ng kulitan na-cucute-an talaga ako sa kanya. Tuloy pa rin ako sa pagtawa kaya pati siya natawa na rin hanggang sa maubos na nga ang tawa namin at ilang minuto na lang ay nasa baba na kami ay bigla siyang nag tanong habang ganun pa rin ang pwesto namin, magkatabi kami in the same time mag katapat. “Ano nga pa lang ang naisip mong meaning sa kwintas na binigay mo sa akin ngayon?” tanong niya. “Katulad na lang ng binigay ko sayo nung nag tanong ka ng ibig sabihin.” Hawak niya dito kaya napatingin ako sa kwintas, sa leeg niya. “Gusto ko lang malaman ng ibang tao pag suot mo ‘yan kung sinong nagmamay ari sayo ngayon,” diretso kong sagot dahil ayaw kong putulin ‘yun, nahihiya kasi ako ayaw at pag nahiya ako mapuputol at mawawala ang sasabihin ko kaya dineretso ko na ng mabilis. “Sino ba ang nagmamay ari sa ‘kin?” tanong niya sa akin na parang na ngangasar pa kaya napasimangot ako. “Talaga ba Gem hindi mo alam?” mataray kong sabi pero acting lang din. “Hindi sino ba?” tanong niya ulit habang pinapataas, baba niya ang kilay niya sa akin at inaantay marinig ang susunod na sasabihin ko which is walang iba kundi ang pangalan ko. “Ellyza Gem, Ellyza.” Natawa siya ng kaunti pero nawala rin at parang may naalala siyang sasabihin niya dahil kinuha niya kaagad ang kanang kamay ko at tinitigan ako sa matam kaya nawala rin ang pag taray ko sa kanya. “Kung ikaw ang nagmamay ari sa akin, ang ibig sabihin ba nun ako ang nagmamay ari sayo?” tanong niya habang lumalapit pa ang mukha at nanlalaki ang mata. “Syempre,” mahina kong sabi. “Ang hina naman hindi ko narinig, ano ulit yun?” pangangasar niya at wala naman akong magawa kaya inulit ko na lang talaga. “Syempre!” sigaw ko at tumigil na ang ferris wheel dahil nakababa na kami. Binuksan ni kuya nagbabantay ang pinto namin, kaya napatingin ako pero hindi pa ako tapos mag salita kaya inaabanga niya ang sunod kong sasabihin pero nakatingin na ako sa labas dahil nag iisip akong tumakbo at asarin siya para makabawi man lang kanina. “Anong syempre?” hindi pa siya tumatayo sa kinaupuan namin habang hawak ang teddy bear na mabigat kaya ito na siguro ang chance ko. “Syempre hindi!” asar ko sa kanya sabay takbo habang tumatawa. Lumabas din siya kaagad at hinabol ako, nahabol niya ako syempre athlete siya eh kahit pa bitbit niya ang mabigat na teddy bear. Niyakap niya ako para hindi makawala pero may pagitan kami sa isa’t isa dahil hawak niya nga nun ang teddy bear at kahit pa sabi ko kanina na kaya niya dalhin dahil athlete siya hindi niya kayang hawakan ng isang kamay lang habang tumatakbo siya. “Gem,” tawag ko sa pangalan niya habang naka-lock ang braso niya sa teddy bear pati na sa tiyan ko. “Bakit hindi ako ang nagmamay ari sayo?” tanong niya sa akin. Natawa ako habang yakap niya kami ng teddy bear bago ko makasagot ng matino. “Kasi-” putol kong sabi dahil nakiliti ako ng kaunti, kaya umayos muna ako at humarap sa kanya habang mag kayakap kami pero natatawa pa rin dahil para siyang bata kung makayakap at makareklamo na hindi siya ang nagmamay ari sa akin. “Kasi buhay pa ang magulang ko.” Natatawa na naman ako dahil nakita ko ang mukha niyang biglang sumimangot. “Ganun ba yun?” lumuluwag na ang yakap niya kaya medyo nakatayo na ako ng maayos pati na siya pero na sa harapan pa rin naming ang teddy bear hawak niya. “Bakit ako pagmamay ari mo na?” napaisip niyang tanong sa ‘kin pero madali ko lang rin na sinagot. “Dahil kahit pa buhay pa magulang mo ayos na sayo na pagmamay ari kita.” Ngumiti ako sa kanya at hinawakan siya sa pisnge. “Kumain na tayo.” Pag aaya ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay ng teddy bear para madamay siya sa pag hatak dahil nakayap naman siya. Matapos naming kumain ng dinner sa mall dahil magkatabi lang naman ang mall at amusement park na pinuntahan namin kanina nung kasama pa namin si Reona at ngayong pauwi na kami dahil tapos na kaming kumain. Nag kwentuhan pa kami sa daan habang pauwi tungkol sa mga kung anong nangyari sa amin nung mga araw na hindi kami nag kita hanggang sa makauwi na ako at na sa tapat na kami ng bahay ko. “Kailan mo ulit gusto mag kita?” tanong niya sa ‘kin at napaisip ako kung kailan nga ba. “Pwede bang bukas agad?” hindi ko siguradong sagot dahil baka bawal siya. “Mag a-announce na kasi ang teacher namin ng score namin sa in-exam namin kanina, kaya kung pwede sunduin mo ko para hindi lang sa text ko sabihin,” paliwanag ko at napatango lang siya habang nag iisip. “Wala naman nakalagay sa sched ko kaya asahan mong na sa gate ng school niyo ‘ko bukas,” nakangiti niyang sabi sa akin, kaya ngumiti rin ako sa kanya. Kumaway na ako sa kanya at ganun din siya sa akin. “Mag ingat ka sa byahe!” sigaw ko habang papalayo siya ng paglalakad sa akin pero kumakaway pa rin. “ “Opo, future ko!” sigaw niya ng makalayo na siya kaya sinara ko na ang pinto ng bahay at pumasok na sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD