ELLYZA
Nasa school na ako kasama si Reona at maya-maya pa ay ia-announce na sa ‘min ang mga naging score namin sa exam. Inaantay na lang kasi namin na pumasok ang teacher namin sa room pero wala pa siya kaya nag kwentuhan muna kami ni Reona.
Kinalabit niya ako kaya napatingin sa gilid ko kung saan siya nakaupo lagi. “Chika mo naman sa ‘kin kung anong nangyari sa inyo kahapon.” Nag salong baba siya habang nakatingin sa akin.
“Kung sumama ka kahapon, alam mo na sana kaso lumayas ka kasi.” Mataray kong sabi sa kanya pero may balak naman talaga akong sabihin sa kanya hindi ko lang talaga inaasahan ang ginawa niya kahapon, kaya medyo nagpapakipot ako ngayon.
“Sige na, hindi naman din magiging romantic ang ganap n’yo kahapon kung kasama n’yo ‘ko no.” Upo niya ng maayos at siya naman ang nagtataray pero alam kong acting lang din yun dahil pag pumayag na akong ikwekwento ko bigla na lang yan lalapit at makikinig.
“Oo na, ikwekwento ko na para sa ‘yo.” Tingin ko sa kanya at nilapag ko ng maayos ang dalawa kong kamay sa desk para makwento ng maayos.
Nanlaki ang mata niya at lumapit ang mukha na parang batang nanghihingi ng matamis na makakain, sabi ko na eh. “Nakikinig ako,” ani niya habang madyo nilalayo ko ang mukha ko dahil nga lumalapit ang mukha niya ng sobra kahit pa umaatras na ako.
“Pero pwede ka muna atang umatras?” Hawak ko sa balikat niya sabay unat ng braso ko para mailayo ng kaunti ang mukha niya sa mukha ko.
Nawala naman na ang nanlalaki niyang mata nung nilayo ko siya ng kaunti sa mukha ko. “Sorry, sorry,” ani niya pero nakatingin pa rin sa akin at nag aantay na makinig sa sasabihin ko.
Dahil kaibigan ko siya at wala naman din kami ginagawa pa hanggang dumating ang teacher namin at i-announce ang mga score namin sa exam, counting pa rin ata sila sa teachers office eh. Katulad nga ng sabi ko ikwekwento ko naman sa kanya, kaya kwenento ko ang lahat ng nangyari kahapon sa ‘min ni Jeremiah hanggang makauwi ako.
“Nakakakilig,” hindi niya mapakaling upo sa upuan.
Natawa ako syempre dahil para siyang tanga. “Umayos ka nga.” Utos ko, kaya tumigil naman siya pero ng tumingin sa akin, Nag seryoso pa nga ng mukha eh pero habang nakatingin sa akin ay tinaas niya ng kaunti ang kamay niya at pinagdikit niya ang dulo ng mga daliri niya, kaya nag porma ito na parang labi sabay dikit sa pisnge niya at muling kinilig. Natawa ulit ako dahil kinikilig siya tapos naging seryoso kaagad pero maya-maya pa ay biglang kinilig ulit. Ang bilis niyang napalitan ang emosyon niya kahit pa pang asar talaga sa akin yun pero hindi naman talaga ako naasar pag siya ang gumagawa, imbis kasi na maasar ako natatawa ako sa kanya.
Kinalaunan ay huminto na rin naman ang kilig niya. “Alam mo buti na lang talaga umalis ako nun dahil kung kasama niyo ko non baka nasa gitna niyo ‘ko at hindi mangyayari ‘yon.” Turo niya sa akin ng ilang beses gamit ang daliri niya sabay kuha ng tubig sa bag niya at diretso inom.
“So sinasabi mo na dapat mag pasalamat ako sayo?” tanong ko sa kanya at kinuha ko rin ang dala kong tubigan sa bag dahil nauhaw ako sa pag kwento sa kanya.
“Mhm,” ani niya dahil hindi pa makapag salita ng mabuti, may tubig kasi sa bibig. “Kasi diba mailang kayo non pag andoon ako,” sunod niyang sabi matapos niyang malunok na ang tubig kanyang bibig. “Baka nga hindi na kayo magkatinginan non dahil parehas kayong mahihiya ng sobra pag may kasama kayong iba.” Sarado niya sa tubigan. “Pero pag wala ako konti lang ang mararamdaman niyong hiya dahil nga kayo lang dalawa.” Balik niya ng tubigan sa loob ng bag sabay tingin sa akin.
Tapos na rin akong uminom ng tubig kaya sinara ko at binalik ko rin sa bag ko habang napapaisip sa sinabi ni Reona na may punto naman kasi kung kasama talaga namin siya baka nga ganun lang ang mangyari pero habang napapaisip ako dumating na ang teacher namin kaya umayos na kaagad kaming lahat sa pag upo.
Pumwesto siya sa harapan ng classroom at tumingin muna sa paligid bago mag salita. “Magandang umaga sa inyo,” bati niya sa amin at nilapag na sa lamesa ang mga exam paper na hawak niya kanina pagkapasok ng room.
Sabay-sabay kaming lahat na tumayo’t bumati rin sa kanya. “Magandang umaga rin po sa inyo,” at sabay-sabay rin kaming umupo.
“Salamat sa maayos na pagbati at ngayon magsisimula na tayong mag announce ng mga score niyo sa sinagutan ninyong exam.” Lapag niya ng kamay niya sa ibabaw ng exam paper habang nakatingin sa amin. “Pero bago yun,” pahabol niyang sabi sa amin kaya nag expect pa kami ng gagawin bago namin malaman ang score namin sa exam. “Magsusulat ako ng isa hanggang lima na numero sa blackboard at gagawin n’yo rin ‘yan by group sa isang pilas ng papel,” paliwanag niya. “Dahil anim na linya ang upuan n’yo ide-devide natin yan sa dalawa, kaya tatlong group leader lang ang makikita ko sa harapan mamaya pag tapos mag sagot.” Nag lakad siya papunta sa harapan ng lamesa niya at tinuro ang bawat grupo. “Unang grupo kayo.” Turo niya sa unang linya at pangalawang linya na nasa kaliwa namin. “Kayo naman ang pangalawang grupo.” Turo niya naman sa upuan kung saan kami nakaupo ni Reona. “At kayo ang pangatlo at huling grupo.” Turo niya sa panglima at pang anime na linya sa kanan namin. “Ngayon naman pumili na kayo ng group leader niyo para sa ngayong araw.” Bumalik siya sa likod ng lamesa niya at umupong muli. “Pag nakapili na kayo tumayo na lang ang napili n’yo,” ani niya.
Nag usap kami ni Reona pati na ng iba pa naming ka klase hanggang sa na pag pasyahan namin na ako na lang ang maging group leader. Naghihintay na lang kami ng ibang grupo na mag pasya kung sinong napili nilang mamuno sa grupo nila. Natapos din naman agad ang pamimili ng group leader, kaya tumayo na ako pati ng dalawa pang group leader sa magkabilang grupo.
“Ngayon naman ay kumuha na kayo ng isang pilas na papel at gayahin n’yo ang susulatin ko sa blackboard.” Tumayo ang teacher namin at kumuha ng tsok habang kami naman ng iba pang grupo ay kumuha na ng papel. Nagsulat siya ng malaking isa hanggang limang numero kaya ginaya namin kaagad ito. “Ang gagawin niyo sa limang numero na sinulat n’yo sa papel ay mag guguess kayo kung sino ang pinakamataas at pinakamababa na exam score ngayon dito sa mga exam paper niyo.” Pinadapa niya ang mga exam paper para hindi namin makita ang na sa unahan. “Sa una at pangalawang numero ay isusulat n’yo kung sinong ang pinakamataas at pumangalawa sa pinakamataas.” Tumayo siya ng maayos at nilinyahan niya ng tsok ang gitna ng pangalawa at pangatlong numero sa blackboard. “Habang ang pangatlo hanggang lima naman na numero ay isusulat niyo ang pumangatlo sa pinakamamabang iskor hanggang sa pinakamababang iskor talaga sa mga kaklase niyo.” Tuldok niya sa blackboard ng malakas.
Nag taka kami dahil bakit pa namin kailangan hulaan ang bagay na yun kung pwede naman niya i-announce na sa amin para malaman namin, kaya nag taas ako ng kamay. “Bakit pa po namin kailangan hulaan ang bagay na ‘yan kung na sa harapan ninyo naman na po ang mga exam paper namin?” tanong ko at sana hindi siya ma-offend.
“Hindi ko ba nasabi sa inyo na pag naging tama ang hula niyo dadagdagan ko ng plus 10 ang mga iskor ng grupong makahula sa sinabi ko.” Baba niya sa hawak niyang tsok sa lamesa. “Dahil may kailangan din kayong marinig sa ‘kin pagkatapos ninyong mahulaan ang mga pangalan nila sa mga numerong ‘to.” Turo niya sa blackboard kung saan nakasulat ang isa hanggang limang numero.
Nag taas ng kamay ang leader ng pangatlong grupo para mag tanong kaya tinuro ng teacher namin at hinayaan na mag salita. “Iskor po ba namin sa exam ang madadagdagan o sa iba po mapupunta ang plus 10 na sinasabi n’yo?” tanong nito sa teacher namin, kaya nabalik ang tingin namin sa harapan matapos mag tanong ng pangatlong leader.
“Oo, dahil mababa ang mga naging iskor ng iba sa inyo,” diretsong sagot ng teacher namin para maging totoo lang sa amin. “Hindi ko kasi pwedeng ipasa ng ganun ang iskor n’yo kaya kailangan kong gumawa ng paraan at ito ang paraan ko dahil ayaw ko naman ipaulit ang exam sa tatlong mababang ‘yon ang exam dahil maaring bumaba pa ang iskor nila at lalong mas hindi maipasa.” Tingin niya sa amin ng seryoso kaya sobrang tahimik namin habang nakatayo siya sa likod ng lamesa’t nagsasalita ng maayos sa amin. “Ipapaliwanag ko sa inyo ang iba pero pagkatapos n’yo pang malagyan ng pangalan ang isa hanggang limang numero na ‘to.” Turo niya ulit sa blackboard. “Pwede na kayong maupo mga leader at pag usapan kung sino ang ilalagay n’yo diyan sa isang pilas niyong papel.” Upo niya ulit sa upuan. “Tumayo na lang kayo pag natapos n’yo nang sagutan ang una hanggang limang numero sa hawak niyong papel at pag nakita kong tatlo na kayong nakatayo sa upuan niyo papuntahin ko na kayo sa harapan para isulat sa blackboard ang mga na sulat n’yo sa papel.” Nagsuot siya ng salamin at binuksan niya ang dala niyang libro para magbasa habang kami namang tatlong grupo ay nagsimula na rin mag pasya kung sino ang mga tamang isusulat sa mga numero ‘to.
Matapos lang ang dalawang minuto tumayo na ako pero ang leader ng unang grupo at pangatlong grupo ay inabot pa ng sampung minuto bago tumayo.
“Pumunta na kayo dito sa harapan.” Utos sa aming tatlo. Pagpunta namin sa harapan sumenyas ang teacher namin na humarap sa mga kaklase at ginawa naman din namin. “Reona.” Tawag niya kay Reona habang sumesenyan sa kamay na pumunta rin siya sa harapan at agad naman din siyang pumunta. “Hawakan mo ang papel na hawak ni Ellyza at Ellyza dito ka.” Palapit sa akin ng teacher namin sa lamesa niya. “Kuhain mo tong tsok at isulat mo sa blackboard ang pangalan ng ibibigay ko sayong exam paper.” Kinuha ko ang tsok katulad ng sinabi niya at pumwesto ako malapit sa mga numero habang ang teacher naman namin ay pumesto na sa harapan ng lamesa niya at sumandal.
Walang magawang magsalita sa amin dahil napakaseryoso ng vibe ng aming teacher ngayon at nadadala kami dito. “Magsimula na tayo,” ani niya at habang nasa harapan siya ng lamesa ay kinuha niya ang tatlong magkasunod sa ibabaw pero nakataob kasi to kaya hindi namin makita kung sino. “Magsimula tayo sa mga mababang iskor.” Hindi niya pa rin tinataas ang papel nakababa lang ito sa kamay niya. “Kuhain mo Ellyza.” Inabot sa akin ng teacher namin ang unang papel pero nakataob ito para hindi agad makita ng mga leader ng grupo na nakatayo rin sa harapan pero magkakalayo. Kinuha ko ang unang papel na binigay niya at hinarap ko ito sa akin tsaka ko isinulat sa papel ang pangalan ang iskor niya ay below 30.
“Clarissa Tolentino.” Ang pumapangatlo sa mababa ang iskor at ka-row namin din namin siya. Sa pagkakatanda ko siya rin nilagay namin sa pangatlong numero. Hindi na nag salita pa ang teacher namin at binigay niya na lang kaagad ang pangalawang papel na, nakataob pa rin ito at sa tuwing sinusulat ko na ang pangalan ng binibigay niyang exam paper eh tinitignan niya ang mga reaction namin. “Lorenzo Wade.” Ang pumapangalawa sa mababa ang iskor at isa rin siyang ka row namin, meron rin siyang below 30 na iskor. Hindi ako makapaniwala pero siya rin ang sinulat namin sa pang apat na numero sa papel namin, totoo ba to?
“Tumayo ‘yung dalawang nasulat sa blackboard.” Utos ng teacher namin bago niya ibigay ang last na papel sa mga mababa ang iskor.
Pagkatayo ng dalawa sa row namin binigay na ng teacher namin ang last na papel sa kamay niya at hinarap ko rin kaagad sa akin ang papel para malaman kung tama rin ba ang nilagay namin sa pang limang numero pero bago ko pa makita umingay ang upuan, kaya napabaling ang tingin ko sa harapan para makita kung sino ang gumawa ng ingay na ‘yon. “Chris Young?” nakatayo siya at nakayuko. Akala ko may kung ano lang na masakit sa kanya, kaya binalik ko ang tingin sa papel na hawak ko para isulat na sana ang pangalan ng may ari ng exam paper na hawak ko kaso lang ng makita ko ang pangalan sa exam paper na hawak ko ay nagulat ako dahil pangalan ni Chris ang nakasulat sa itaas ng papel na may saktong iskor na bente, kaya imbis na magsulat ako sa blackboard napatingin pa ako ulit sa kanya habang nakatayo pero tinawag ako ng teacher namin kaya nabaling ang atensyon ko sa teacher namin.
“Ellyza,” tawag niya sa akin. “Isusulat mo ba?” turo niya sa blackboard pero kalmado lang.
Sinulat ko na kaagad ang buong pangalan ni Chris dahil siya naman talaga ang nagmamay ari ng exam paper na may pinaka mababang iskor. Hindi ko alam ang iisipin ko pero ng pinag desisyonan namin kung sino ang isusulat na pangalan ng mga mababang iskor ay hindi na ako nakisama dahil hindi naman ako judgemental at hindi ko rin alam talaga kung sino ang mababa ang iskor sa mga kaklase ko, kaya binigay ko na sa kanila ang papel nun para sila ang magsulat at tinignan ko na lang at tinandaan kung sino ang mga ‘yon pagkatapos nilang isulat, kaya rin hindi ko inaasahan na tatama yun.
Natuwa si Reona at tinaas niya ang kamay niya. “Binggo!” sigaw niya habang tahimik kaming lahat kaya nabaling ang atensyon namin sa kanya pati na ang atensyon ng teacher namin. “Sorry po.” Nagtago siya ng mukha at unti-unti ng kinakahiya ang sarili.
“Patingin.” Utos ng teacher namin kay Reona kaya agad niyang inabot sa nakalahat na palad ng teacher namin. Tinignan niya ang isang pilas ng papel namin at napapatango hanggang sa iabot ito ulit ito kay Reona pero ng kukuhain naman na ni Reona ang papel hindi ito pinahawak ng teacher namin. “Hindi ikaw Reona, si Ellyza.” Tingin sa akin ni Reona pati na ng teacher namin kaya kinuha ko na lang kaagad sa kamay ng teacher namin at tinignan siya. “Isulat mo ‘yan, iyan ang tamang sagot.” Utos sa akin kaya ginawa ko pero parang hindi ako natutuwa si Reona lang kasi magkakaplus 10 siya, ewan ko kung bakit.
Matapos kong isulat ang mga pangalan sa isa hanggang limang numero ay tumingin ang teacher namin sa natirang dalawang leader na nakatayo. “Ganyan din ba ang sagot n’yo walang mali?” tanong ng teacher namin sa kanilang dalawa at umiling sila which means nagkamali sila sa isa man o sa lahat. “Sige, pwede na kayong maupo.” Utos niya sa dalawang leader pero kami hindi pa pinaupo. “Sabihin n’yo ngang tatlo diyan sa akin ang totoo kung paano n’yo na pag desisyonan ng ganun kabilis ang ganung hula-hulaan para sa plus 10 na iskor?” masinsinan na tanong ng teacher namin.
“Ganito po-”
“Hindi ikaw ang tinatanong Ellyza, silang tatlo.” Tigil niya sa sagot ko habang nakaturo ang daliri sa tatlong nakatayo sa row namin. Akala ko pwede rin kaming sumagot dahil kasama ko sila sa grupo.
Hinawakan ko ang bibig ko dahil sa sinabi niyang ‘yun sa akin, nakakatakot.
Binalik niya ang tingin niya kala Chris, Lorenzo at si Clarissa. “Sagutin n’yo ko kung paano.” Hindi naman mataray ang teacher namin pag nagsasalita seryoso lang siya ng masyado kaya medyo nakakaba.
“Sinadya po naming ilagay,” sagot ni Clarissa at napayuko na rin siya pa rin siya kasabay ni Lorenzo.
“Bakit?” napatayo ang teacher namin ng maayos kaya hindi na siya nakasandal sa lamesa niya.
“Dahil po alam namin na kami ‘yun,” sagot naman ni Lorenzo.
“Bakit n’yo alam?” tanong ulit ng teacher namin, kaya nag taka na ako kung ano ba talaga ang gusto niyang palabasin at makuhang sagot kala Clarissa.
“Dahil hindi po kami nag aral at hinulaan lang namin,” sagot naman ni Chris na kinagulat ko pati na ang iba ko pang kaklase, kasama na dun si Reona na kanina lang ay masaya dahil sa plus 10.
Humarap naman sa aming dalawa ni Reona ang teacher namin. “Kayo paano n’yo nalaman na kayong dalawa ang nasa unang numero at pangalawang numero?” tanong sa amin habang naglalakad siya papalapit sa amin.
“Halata naman po na si Ellyza ang makakuha ng pinakamataas na iskor at ako naman ang sumunod sa kanya,” sagot ni Reona.
Sa akin naman tumingin ang teacher namin. “Ikaw Ellyza paano?” tanong niya sa akin sabay tabi sa akin at kuha ng tsok sa kamay ko.
“Dahil po alam nilang ako at si Reona ‘yun, kaya na pag desisyonan naming lahat na ‘yun.” Tumango ang teacher namin habang nakatingin sa akin pero inilipat din sa mga kaklase namin.
Naglakad ulit siya papuntang harapan ng lamesa niya. “Narinig n’yo ba sagot nila?” tanong nito sa lahat ng kaklase namin at sabay-sabay namang nag opo. “Kung ganon alam n’yo rin ang pinagkaiba?” tanong ulit nito at sabay-sabay pa rin silang sumagot ng opo. “Sige, sabihin mo ngayon sa ‘kin kung anong pinagkaiba nila.” Patayo niya sa kaklase naming nasa harapan dahil nasa harapan lang din siya nagsasalita.
“Yung sa kanila pong tatlo sila lang ang nag isip pero ‘yung kala Ellyza lahat kami ‘yon ang inisip at pinag desisyonan kasi alam naming sila talagang dalawa ‘yon,” sagot nito at pinaupo rin kaagad matapos marinig ng teacher namin ang sinabi niya.
“Tama kasi sila lang rin ang nag lagay nun sa papel, bakit kaya?” tanong niya uli sa mga kaklase namin at wala ng sumagot dahil hindi rin nila alam. “Dahil-”
Naputol ang dapat na sasabihin ng teacher namin dahil biglang nag salita si Chris. “Dahil ng marinig namin na may plus 10 ang grupong makakahula ng tamang sagot sa isa hanggang limang numero na ‘yun kanina ay kinuha na namin ang pagkakataon para madagdagan ang iskor namin at makapasa dahil nga alam namin na kami ang tatlong ‘yon,” dire-diretsong paliwanag ni Chris.
Nagulat kaming lahat dahil ngayon nag ma-make sense na ang lahat ng pinagawa sa amin ng teacher namin at nang tingnan ko naman ang mukha ng aming teacher dahil naka-side view siya ay parang nabibilib siya sa sinabi ni Chris pero maya-maya pa ay humarap siya sa desk para kunin ang dalawang exam paper, sa pagkakatanda ko kay Clarissa at Lorenzo ‘yun dahil hawak ko pa ang kay Chris. “Kayong tatlo sumama kayo sa ‘kin sa office.” Utos niya sa tatlo pero hindi pagalit, mahinhin pa nga eh. “Ellyza,” tawag niya sa akin sabay kuha ng exam paper ni Chris sa kamay ko. “I-dismiss mo ang klase ko pagkatapos mong i-announce ang mga iskor n’yo pwede mo na ring i-distribute sa kanila ang mga exam paper nila para mauwi nila dahil naka-record naman na ang lahat ng ‘yan sa laptop ko, aasikasuhin ko lang ang mga ‘to.” Tumango lang ako at nagmamadali naman siyang lumabas habang nakasunod sila Chris sa kanya.
Nag aalala ako kung anong gagawin ng teacher namin sa tatlong kaklase naming ‘yon pero wala naman ako magawa, kaya pinabayaan ko na lang at kinuha ko na ang mga exam papel sa lamesa para i-announce sa kanila ang mga iskor nila at dahil nakatayo na si Reona sa harapan tumabi na lang sa akin. Sinamahan niya akong mag announce dahil wala naman kaming teacher narinig niya rin ang sinabi ng teacher namin na ako ang mag di-dismiss pag tapos kong i-announce at i-distribute ang mga exam paper sa kanila kaya ginawa ko na para makauwi na rin kami kaagad.