ELLYZA Hindi muna kami umuwi ni Reona matapos kong i-dismiss ang klase dahil naisip ko na pumunta sa teachers office para sabihan ang teacher namin na nag uwian na kami at syempre para rin malaman kung ano bang nangyari sa tatlong mga kaklase ko kung naparusahan ba sila o hindi dahil sa ginawa nila. “Totoo kaya ang plus 10 natin?” tanong ni Reona habang naglalakad at nag aayos ng bag niya. “Kung gusto mo itanong natin ‘yan kay Ma’am pag nakarating na tayo sa teachers office.” Tuloy namin sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa tapat ng pinto. Binuksan ko ang pinto at nauna akong pumasok kay Reona kaya siya na ang nag sara para sa akin. Pumunta kami sa table ni ma’am para tingnan kung anong ginagawa niya. Nakita namin ang tatlong kaklase namin na nasa table ni Ma’am at may hawa

