ELLYZA
Umalis na kami sa mall at pumunta naman kami sa katabi nitong theme park para subukan ang mga rides. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay naririnig na namin ang iba’t ibang klase ng sigaw ng tao.
“Aaaaaa!!!”
“Waaaa!!!”
Medyo natakot ako pero mabuti na lang eh nakaramdam si Jeremiah at hinawakan niya ang kamay ko, kaya na baling ang atensyon ko sa kanya. “Saan mo gusto mag simula?” tanong niya sa akin.
“Pwede bang doon muna?” Turo ko sa bumper cars dahil ayaw ko muna subukan ang malalaking rides.
Hintak niya na ako papunta sa entrance ng bumper cars at pumila. Saglit lang naman kaming nag antay sa mga na unang gumamit ng bumper cars. Inabot ni Jeremiah ang amusement card niyang dala para bayaran ang rides namin ngayon pero hindi kinuha ng lalake. “Dalawa po,” ang sabi niya. Pumindot ang lalake sa machine na hawak niya at tsaka siya pinaswipe, kaya pala hindi tinanggap kasi mismong nag bayad na ang mag swipe.
Tinanggal ang harang sa harapan namin at pinapasok na kaming lahat na nag bayad para sa limang minuto. Binulsa muna ni Jeremiah ang card niya at sumakay na kami sa tig-isang bumper cars. Inantay pa namin na mag simula ang timer pero habang hindi pa nag sisimula ang timer nagkatitigan muna kami ni Jeremiah hanggang sa hindi ko na namalayan na nag start na pala at nagsimula na kaming magkabungguan ni Jeremiah, pati na ng mga ibang tao na nakasakay rin sa ibang bumper cars.
Masayang nagtatawanan ang mga kasama namin sa bumper cars at kasama na kami ni Jeremiah don hanggang sa matapos ang limang minuto. Tumayo kami sa bumper cars at lumabas sa exit pero hinawakan kaagad ako ni Jeremiah sa kamay at pumila ulit sa bumper cars. “Subukan natin ulit,” masaya niyang sabi. “Ng magkatabi.”
Binayaran uli ni Jeremiah pero sinabi niya sa lalake na isa na lang dahil gusto niyang masubukan na magkatabi kami, gusto ko rin naman kaya nga labis ang tuwa ko ng sinabi niyang subukan namin uli ng magkatabi. Hinayaan ko na siya ang mag maneho dahil gusto ko lang naman makita kung paano siya matuwa ng sobra, kaya halos nakatingin lang ako habang nag dra-drive siya hanggang sa matapos ang another limang minuto.
Pagkalabas namin sa exit sa pangalawang pagkakataon ay hinatak niya uli ako papunta sa pila. “Ikaw naman ang mag drive, bili,” excited niyang sabi habang hawak niya ang kamay ko at nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Muli niyang binayaran ang isang bumper car pero katulad ng sabi niya ako naman daw ang mag-drive kaya umupo na ako sa driver seat at siya naman sa passenger seat. Nag simula uli ang limang minuto hanggang sa maubos, kahit pa 3 beses namin sinubukan ang bumper cars na ride mag kakaiba naman ang feeling na binigay sa amin nito dahil sa paraan na ginawa namin.
Sobrang saya naming dalawa na lumabas sa exit. “Saan mo pa gusto?” tanong niya sa akin pero inalala ko muna ang amusement card niya.
“Teka lang,” ani ko at binunot ko ang pera sa bag ko para ibigay sa kanya, pambayad sa mga susunod na rides na susubukan namin. “Hindi naman pwedeng ikaw lang gagastos sa araw na ‘to.” Tinitigan niya lang ang pera sa kamay ko at hindi niya tinatanggap.
Binunot niya sa bulsa niya ang amusement card niya at tinapat sa akin. “Tignan mo ‘to.” Pakita niya akin. “1 year card to kaya pwede tayong mag unli rides hanggang sa mag sawa tayo, kaya itabi mo na ‘yang pera mo.” Bulsa niya ulit ng amusement card niya at sinara ang kamay ko na may hawak na pera, kaya binalik ko na lang sa bag ko tulad ng sabi niya. Ako na lang siguro ang bibili ng pagkain namin mamaya pag nagutom para makabawi. “Ngayon, saan na tayo susunod na sasakay?” tanong niya habang nakatingin sa mga taong nasa roller coaster.
“Aaaaaaaa!!!”
“Wag lang diyan,” ani ko dahil bigla na naman akong nakaramdam ng takot.
“Yup.” Napalunok siya. “Wag lang diyan,” nakaramdam rin siya ng takot.
Hinawakan niya uli ang kamay ko at dumiretso na kami sa ibang rides na alam naming kaya ng puso namin. “Ayun.” Turo ni Jeremia sa ride na ang pangalan ay Pirate ship. Tumingin siya sa akin ng nakangiti, kaya nginitian ko rin siya tsaka kami nag madaling pumila bago pa humaba.
“Uulit din ba tayo diyan Gem?” Natatawa kong sabi habang nakapila kami.
“Hindi na, kaunti lang ang oras natin.” Tingin niya sa relo niya dahil hindi ako pwede mag pag gabi na as in gabing gabi na. “Gusto kong masubukan ang lahat ng rides dito ng kasama ka bago tayo umuwi,” matapang niyang sabi kahit pa lumunok siya kanina ng marinig niya at makita namin ang pag sigaw ng mga tao sa roller coaster kanina.
“Kahit doon?” Turo ko sa roller coaster.
“Syempre naman,” sagot niya pero napalunok pa rin.
“Bat parang natatakot ka Gem?” biro ko at medyo natatawa pa dahil kahit pa nagmamatapang siya nakikita pa rin ang takot niya.
“Sinong natatakot?” tanggi niya.
“Hindi ba ikaw?” asar ko.
“Bat ako matatakot eh may lucky charm ako,” matapang niya pang sabi habang may binubunot sa bulsa at inilabas niya nga ang binigay kong dragon keychain.
“Nga pala,” ani ko. “Nasaan na ‘yung isa pang ganyan na binigay ko rin?” tanong ko dahil bigla ko naalala na parang hindi niya dala.
“Nasa locker ko sa gym court, mabuti nga at binigyan mo pa ako ng isa eh dahil dinikit ko yung una mong binigay dun sa locker ko kaya hindi ko minsan nadadala sa ibang lugar katulad dito.” Bulsa niya na sa keychain na bigay ko. “Gusto ko kasi na pag tuwing mag training ako eh makikita ko yun dun sa locker,” paliwanag niya at napangiti naman ako sa sinabi niya dahil napaka sweet ng sinabi nyang yun.
Natapos na ang mga unang sumakay sa pirate ship kaya sumunod na kami, kaya nag-swipe uli si Jeremiah ng card niya para bayaran ang card namin. Sa pinaka dulo ng pirate ship kami pumwesto ni Jeremiah dahil akala namin na hindi naman nakakatakot pero nung nag umpisa ng mag duyan ang pirate ship at nag sigawan na ang mga tao, hiniling ko na lang na sana sa gitna kami pumwesto para hindi ganun kataas ang pwesto namin sa oras na mag duyan papalikod ang pirate ship.
“AaaaaaaAaaaaaaa!!!”
Mahigit 5 minuto rin kaming dinuyan ng pirate ship at medyo nanginig pa ang paa ko, bakit kasi sa dulo pumwesto.
“Okay ka lang ba?” tanong niya sa akin habang inaalayan ako sa paglalakad dahil palabas na kami sa pirate ship.
“Hindi ko a-” hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang akong naduwal at parang masusuka pa.
Tinulungan ako ni Jeremiah makalayo sa pirate ship at umupo muna sa bakanteng upuan para sa mga gustong mag pahinga.
“Sorry, nag aya pa ako.” Hawak niya sa likod ko habang nakayuko ako’t pinipigilang masuka. “Hmm ka.” Utos niya sa akin kaya ginawa ko kahit pa hindi ko alam para saan yun.
Nag hmm ako ng ilang minuto hanggang sa maramdaman kong hindi na pala ako nasusuka kaya nag taka ako bakit bigla na lang nawala kaya tumingin ako sa kanya.
“Nawala na?” tanong niya.
“Oo,” sagot ko naman.
“Effective nga.” Natawa siya at tinanggal na ang kamay niya sa likod ko.
“Huh?” pagtataka ko naman.
“Napanood ko lang ‘yun pag nasusuka mag hmm ka lang mawawala rin pero hindi ko pa na susubukan kasi hindi pa ako nasusuka,” paliwanag niya sa akin at sumandal na muna siya sa upuan habang tumatango ako sa sinabi niya dahil ngayon ko lang rin nalaman yun. “Mag pahinga muna tayo dito.” Tingin niya sa paligid.
Matapos ang ilang minutong pag upo namin sa upuan na isipan ko ng tumayo at yayain siya uli dahil sayang naman ang pinunta namin dito. “Mabuti pa dun muna tayo sa mga games and prizes.” Ako naman ang humawak sa kamay niya at hinatak siya papunta sa mga games and prizes ng amusement park.
Katulad ng mga napapanood ko inuna namin ang game of skills kung saan shooting game ito, hindi ng bola sa basket kundi b***l sa lata. Naunang mag try si Jeremiah at naka walo siya sa sampong lata. Pumalakpak ako para sa kanya habang nakangiti dahil ang galing niya pala bumaril pero na alala ko athlete pala siya kaya may skills siya sa mga ganto.
“Ikaw naman.” Bigay niya ng b***l kay kuya na naglalagay ng bala.
Matapos lagyan ni kuya ng sapat na bala ang b***l binigay niya rin kaagad sa akin at tinutok ko ng maayos sa lata. Unang b***l ko tumama hanggang sa mag sunod-sunod ang pag b***l ko at makasampung tumba ako ng lata, naka-perfect score ako. Pinaikot ko ng ilang beses ang b***l sa daliri ko pero agad ko rin itong tinigil at hinipan ang nguso ng b***l na parang isang cowboy. Natawa ako ng makita ko ang itsura ni Jeremiah na nagulat sa ginawa ko pero maya-maya pa pumalakpak rin siya para sa akin.
“Future ko!” Sigaw niya kaya nagtinginan ang mga tao. “Ang galing mo!” sigaw niya ulit at niyakap ng mahigpit habang hawak ko pa ang b***l.
Bumitaw rin siya sa pag yakap niya dahil kailangan ko ibalik ang b***l kay kuya at kuhain rin ang napanalunan ko. “Pumili ka na lang po Ma’am,” Binigyan ako ng chance ng kuya na mamili sa ice cream, stuff toy at toy.
Kinuha ko ang ice cream dahil kung gusto ko man ng stuff toy gusto ko ‘yung galing kay Jeremiah katulad ng dragon stuff toy na bigay niya sa akin noon. “Saan naman tayo?” excited niyang tanong. “Gusto ko rin manalo,” masaya naman niyang sabi habang nakangiti ako at binubuksan ang ice cream na napanalunan ko.
Sinunod namin ang larong skee ball na katapat lang ng una naming nilaro na game of skill. Binigyan kami ng tatlong bola kung saan susubukan naming ipasok ito sa bilog na naka-slant. Ang points nito ay pataas pero paliit ng paliit ang butas, 0 points sa malaki, 20 points sa medium, 30 points sa small at 50 points sa extra small na butas. Pinauna ako ni Jeremiah. “Ikaw muna, nanalo ka kanina eh,” agad kong inubos ang ice cream na napanalunan ko kanina at tinapon din kaagad sa basurahan na nasa tabi lang ng skee ball bago ko mag simula.
“Na brain freeze pa ata ako,” ani ko kay Jeremiah habang nakahawak ang kanang kamay ko sa ulo ko at hawak naman ng kaliwa kong kamay ang tatlong bola na binigay sa ‘min kanina.
“Ako na lang kaya ang mauna?” pagpapakumbaba ni Jeremiah sa nakita niyang pagsakit ng ulo ko.
“Hindi ako na, kaya ko naman.” Pwesto ko sa harapan at humanda na ipasok ang bola sa maliit na butas dahil gusto ko kaagad maka-50 pero pumasok lang ito sa 20 points ng tinira ko. Ang sunod na bola naman eh na tinira ko ay napunta sa 0 points. Alam mo ‘yun kahit na medyo malapit na ang pagpapasukan ng bola eh hindi pa rin pumapasok sa gusto ko, kaya nag proceed kaagad ako sa pangatlong bola na hawak ko at binato ito ng pagkahina. Pumasok ang pangatlong bola sa small na butas which is 30 points kaya 50 points lahat.
Pumalakpak pa rin si Jeremiah para sa akin kaya napatingin ako sa kanya at lumapit naman siya sa harapan katabi ko dahil siya na ang susunod. “Ang galing mo pa rin para sa ‘kin.” Bulong na sabi niya pagkalapit, kaya napangiti ako. “Ilan ang nasa palagay mo na makukuha kong points?” tanong niya sa akin.
“Mababa sa 50 points,” biro ko sa kanya kaya natawa lang siya sa akin at umatras muna ako ng kaunti para panoorin siya.
Naghanda siya at kinapa-kapa pa ang bola bago niya ito ibato ng mahina pero sakto sa butas. Sakto ang bola sa 50 points kaya napatingin siya sa akin at humiyaw. “Nakita mo yun?” Napalaki na lang ako ng mata ko sa nagawa niya. Bakit ba napaka galing siya pag shootan ang laro?
“Andaya mo,” ani ko habang hindi pa rin makapaniwala na naka-50 points siya sa unang tira pero hindi niya naman masyado pinansin at pumwesto siya uli sa harapan para tumira.
Ganun ulit ang ginawa niya kinapa niya ang bola at binitawan niya ng parang wala lang pero muling pumasok sa 50 points, kaya napahiyaw na naman siya’t napatingin sa akin. “Ang swerte ko dahil dito.” Labas niya ng binigay kong dragon na keychain, kaya bigla akong kinilig at napatahimik pero nakangiti. Bumalik ulit siya sa harapan at muling ginawa ang ganung klaseng tira, kaya as usual pumasok na naman sa 50 points sa pangatlong pagkakataon. Tuwang-tuwa naman siya habang ako gulat na gulat pa rin kung paano niya nagawa yun ng walang kahirap hirap. “Whooo!!!” sigaw niya habang nakatingin sa akin pero agad rin siyang tinawag para mamili sa prize na napanalunan niya. “Pwede po ba yung malaking yun?” Turo niya sa isang malaking teddy bear, hindi naman life size dahil kalahati lang ng katawan ko ang inabot niya pero napaka-fluffy.
“Ang galing mo Gem,” natutuwa kong sabi sa kanya dahil totoo namang napakagaling ng pinakita niyang yun hindi nga rin makapaniwala si kuya na nagbibigay ng bola pati na ang iba pang tao na nanonood samin dahil inaantay nila kaming matapos.
“Para sayo.” Nakangiti niyang binigay sa akin ang napanalunan niya, hawak niya ng dalawang kamay ang teddy bear at tinanggap ko rin ito ng dalawang kamay pero diretso yakap ako sa kanya. Hinigpitan ko pa ang yakap ko hanggang mapisa ang teddy bear sa gitna namin pati na siya. “Hindi ako makahinga, teka,” nahihirapan niyang sabi.
Bitaw ko sa pagkakayap pero kinuha ko ang teddy bear. “Sorry,” nahihiya ko namang sabi sa kanya habang inaayos ko ang buhok ko dahil medyo hindi ko na-control ang emosyon ko, kaya nayakap ko bigla.
“Ano ng next?” tanong niya at inilibot ang mata sa paligid habang nag uunat dahil nayakap ko nga siya ng mahigpit kanina hanggang sa magturo na siya ng sunod na lalaruin namin. “Whac-A-Mole!” Tumakbo siya papunta sa nakita niyang laro pero ng maalala niya na kasama niya pala ako eh napatigil siya kaagad sa pagtakbo at bumalik kung saan kami nakatayo kanina dahil hindi naman ako umalis, medyo mabigat din kasi ang teddy bear na napanalunan niya kahit pa hindi to life size. Kinuha niya ang teddy bear sa kamay ko at hinawakan niya ang kamay ko sabay hatak papunta sa whac-a-mole tinutukoy niya.
Isang slot lang ginamit namin dahil dalawa naman ang hummer sa bawat isang slot. Dahil machine ito hindi na kailangan na may pindutin pa bago swipe ang amusement card ni Jeremiah. Pagka-swipe niya ng card bumilang ng ilang segundo para maihanda namin ang hummer sa mga lalabas na kung ano sa bawat butas. Medyo malaki ang machine kaya sakto talaga ito sa dalawa at may sampo itong hole na paglalabasan ng mga kung anong papaluin namin.
Tumunog ang malakas na bell at nagsimulang mag labasan ang mga kamukha ni diglett sa pokemon, kaya palo lang ako ng palo sa limang butas na nasa tapat ko dahil si Jeremiah naman ang bahala sa lima pang butas sa tapat niya. Hindi namin pinapansin ang score basta palo lang kami ng palo sa mga lumalabas hanggang matapos ang isang set na tumagal ng isa’t kalahating minuto pero pabilis ng pabilis. Pagkatingin namin sa score naka-143 kami, kaya napa-up here kami.
“Ang galing natin,” ani ko habang abot ang ngiti naming parehas sa tenge in the same time hinihingal dahil sa taranta at syempre sa kaba na rin, kung saan saan ba naman lumabas ang kamukha ni diglett.
Marami pa kaming nilaro na game dito sa amusement park bago kami makapag pasiya na isang laro na lang at sasakay na kami sa last ride namin which is ang ferris wheel. Pagkatapos nun kakain na kami at diretso uwi na dahil gabi na rin, kaya gumada na rin ang bawat rides at pailaw dito sa amusement park. Water g*n game ang huli naming laro, kailangan nito mapuno ang isang bote. May linya ito kung saan makikita mo kung anong inabot ng inilagay mong tubig mas marami mas malaki ang ibibigay sayong prize.
Magkatabi kami sa upuan at nakahanda ng i-shoot ang tubig sa butas. “Galingan mo future ko,” ani niya at syempre napangiti ako, kaya hindi ko namalayan na sumensyas na si kuya na pwede na mag simula. Nauna siya mag lagay ng tubig sa butas habang ako isang segundo lang siguro akong nahuli dahil sa sinabi niya. Naka-focus ako sa pagtantsa ng tubig sa butas dahil maabot ko na ang unang linya para mag ka prize ng biglang may sumirit na tubig sa mukha ko galing sa gilid kaya napatingin ako at nakita ko si Jeremiah.
Nagulat ako pero hindi ko muna pinansin yun at inabot ko muna ang isang linya para may prize ako, kaya ng inabot ko ngumiti ako ng masama at tinutok ko sa kanya ang gamit kong water g*n bilang ganti sa ginawa niya. Pinabayaan naman kami ni kuya na nag babantay dahil kami naman ang nagbayad nung tubig na gamit namin at wala naman ng taong na abala dahil walang nag lalaro ng water g*n game kundi kami lang.
Naubos ang tubig sa water g*n namin at parehas unang linya lang ang naabot namin, akala ko nga wala siyang naabot eh. Inuna niya rin palang makaabot ng unang linya bago niya ako binasa. “Andaya mo,” naiinis kong sabi pero okay lang naman dahil nakakatuwa rin na may ganto kaming ginawa.
“Sorry,” paawa niyang sabi pero tumingin din kami kaagad kay kuya na nag babantay dahil tinawag niya kami.
“Mamili na lang po kayo dito.” Inabot niya sa amin ang isang box ng kwintas na hindi naman gaano kamamahalin dahil syempre hindi naman ito jewelry store pero may nagustuhan na agad ako kaya kinuha ko na kaagad pero hindi ko pinakita sa kanya dahil gusto kong ibigay ‘to mamaya sa ferris wheel pagkanasa tutok na kami.
Kumuha rin siya kaagad at hindi niya rin pinakita sa akin kaya hindi ko rin alam kung ano ‘yun. Sinekreto naming parehas ang kinuha naming kwintas tinago ko sa bag ang akin habang siya naman ay sa kamay niya lang pero nakasara ito kaya hindi ko rin makita kahit na ipilit ko. “Gusto mo bang ibigay ‘yan at ito sa tamang lugar?” tanong sa akin habang nakatingin sa akin sabay lipat sa ferris wheel pero binalik rin naman kaagad ang tingin sa akin, kaya tumango ako at ngumiti ng pagkakilig dahil mukhang magiging romantic ang susunod na magaganap bago kami kumain ng dinner at umuwi sa bahay.