56

3407 Words
ELLYZA Nag-ayos na ako ng gamit ko matapos kong magpasa ng exam paper sa teacher namin kasabay nun ay kinuha ko na rin ang cellphone ko sa basket kung saan nakalagay ang mga ibang cellphone nilang lahat. “Natapos din,” nakahinga ako ng maluwag habang papabalik sa upuan ko pero bigla akong tinawag ng teacher namin habang nakatalikod at binubuksan ang cellphone ko dahil ite-text ko pa si Jeremiah para sabihin na tapos na ako at itanong na rin kung ano bang ginagawa niya. “Ellyza?” Napatigil ako sa gitna ng room dahil bigla nga akong tinawag ng teacher namin ng walang pang sinasabing dahilan. Humarap ako at tinago ang dalawa kong kamay sa likod habang hawak hawak ang cellphone. “Po?” magalang kong sabi sa teacher namin habang nagsasagot pa ang iba. “Goodjob.” Naka ngiting sabi niya habang nakatingin sa akin at sa exam paper ko. Ngayon ko lang na realize na ako palang pala ang nagpapasa ng exam paper dahil tumingin ako muli sa table at wala pang exam paper kundi ‘yong sa akin lang na hawak niya mismo sa kamay niya. Habang umiinom sa thumbler, tumango siya sa akin at sinenyasan niya akong bumalik na sa kinaupuan ko tsaka niya sinuring muli ang exam paper ko. “Salamat po.” Iniyuko naman kaagad ang ulo ko matapos kong magpasalamat sa sinabi niya at mabilis ring bumalik sa kinaupuan ko. Ibinaba ko ang cellphone ko sa table at umupo ng maayos bago tumingin sa paligid. Ako nga talaga ang naunang matapos mag sagot sa kanila. Kinalabit ko si Reona at bumulong ako sa kanya. “Patapos ka na ba?” Tumango lang siya habang nakatingin sa exam paper hindi ko na ginulo pa dahil naka focus siya ng todo at baka mapagalitan ako eh kaka bati lang sa akin ng teacher namin. Dahil sabay naman kaming uuwi ni Reona inantay ko pa siya matapos kahit pwede na ako umuwi dahil 20 minuto na ang nakalipas matapos kong mag pasa ng exam paper. Maraming rin nag pasa kaya sinabing pwede na umuwi ang natapos na kaso kasabay ko kasi umuwi si Reona kaya inantay ko pa siya. Matapos ang 10 pang minuto natapos rin siya kaya halos isang oras siya natapos sa pag sagot habang ako naman eh natapos kanina ng 30 minuto matapos pag simulain kaming mag sagot, hindi ko rin inaasahan yun dahil nakafocus ako masyado sa tanong at sagot kaya wala ako pakialam sa paligid ko. “Sorry ngayon lang natapos.” Kuha niya sa bag niya na parang nag mamadali kaya kinuha ko na rin ang bag ko para diretso na uwi pag pasa ng exam paper sa teacher. Marami pang hindi nakatapos at nagsasagot pa pero may mga nag uwian na rin matapos nilang mag pasa. “Tara na?” pag aaya niya sa akin matapos niyang ipasa sa kamay ng teacher namin ang exam paper niya pero agad rin siyang pinigil. “Reona.” Harap namin sa teacher habang nakatingin kay Reona pati na sa exam paper niya. “Pangalan mo nakalimutan mo.” Balik ng teacher namin sa kamay ni Reona. Agad namang binunot ni Reona ang ballpen niya sa bag at nilagyan ng pangalan niya ang exam paper na inabot sa kanya. “Sorry po,” ani Reona at kinuha naman kaagad ng teacher namin ang exam paper na may pangalan na ni Reona. Wala nang sinabi pa ang teacher namin nun kaya tumalikod na kami at lumabas na ng room. “Bat mo nga pala ako kinakalabit kanina?” tanong niya sa akin at napangiti na lang ako bigla, kaya nagtatakang napangiti na lang rin siya sa akin. “Bat ka tumatawa?” tanong niya sa akin kaya sinagot ko rin kaagad habang pababa kami ng hagdan. “Tinanong kita nun kung patapos ka na tapos tumango ka lang kaya akala ko na matatapos ka na talaga.” Nag ayos siya ng bag bigla habang nagsasalita ako tungkol sa kinalibit ko siya kaninang exam kaya na patanong ako kung ano hinahanap niya. “Ano hinahanap mo?” Nag patuloy lang siyang nag hanap sa bag hanggang ilabas niya ang sarili niyang pera. “Pera?” pagtataka kong sabi. “Oo, pambili ng pagkain mamaya.” Nakangiti siya habang nakatingin sa hindi naman gaano kalaking pera pero pwede nang pambili ng pagkain. Gusto ko sanang ilibre siya mamaya pero hindi naman ako galing sa mayaman na hindi iindahin ang gastos matapos mong manlibre sa kaibigan mo. “Wala ka bang wallet?” tanong ko sa kanya habang nakatingin rin sa hawak niyang pera pati na sa bag niya kung saan bigla na lang niyang kinuha pero ibinabalik niya rin kaagad sa ayos ang pagkasabit ng bag sa balikat niya. “Ito ilalagay ko na.” Mabilis na bunot niya sa pitaka niya at lagay kaagad ng pera sa loob. Sakto namang nakababa na kami sa first floor at papalabas na kami ng school ng tanungin ko siya tungkol dun sa ginawa niya sa pera. “Bakit mo nilagay sa pinaka ilalim ng bag ‘yung pera mo tapos ilalagay mo rin sa wallet mo?” tingin ko sa kanya. Bago niya sagutin ang tanong ko binalik niya muna sa bulsa ang pitaka niya. “May pera na ako sa wallet ko bago ko pa ilagay yung isa ko pang pera sa pinaka ilalim ng bag ko.” Nakalabas na kami ng school ng ituloy niya ang usapan. “Ipon ko ‘yong nasa ilalim ng bag ko.” Inilabas niya uli ang pitaka niya sa bulsa ng makita niyang hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin at mas ipinaliwanag niya kung bakit ganun siya sa pera niya habang pinapakita niya sa akin ang pitaka niya. “Lahat ng pera ko ‘to galing rin sa pitaka ko, iniilalim ko lang ang kalahati dahil alam ko na pwede kong magastos sa kung ano ang lahat ng pera ko.” Labas niya ng kalahating pera sa pitaka. “Kaya kalahati sa pinaka ilalim ng bag para hindi ko magastos lahat pera ko dahil hindi ganun kadali para sa akin na tandaan kung nasa bag ba ang pera ko.” Balik niya ng pera sa pitaka pero tuloy pa rin sa pagpapaliwanag. “Alam mo kasi kadalasan wala tayong time na mag check kung anong nasa pinaka ilalim ng bag natin.” Bulsa niya ulit sa pitaka. “Kaya dun ko inilalagay sa akin kasi hindi ko kaagad na papansin na may pera pa pala ako.” Turo niya sa bag niya habang naka sabit sa isang braso niya. “Nakakatipid ako minsan, minsan naman hindi ko na namamalayan may pera ako na nakatago kaya na iipon hanggang sa maalala ko’t ibabalik ko sa pitaka para gastusin.” Diretso niyang tingin sa kalsada. Napaisip ako sa sinabi niyang ‘yon dahil kadalasan nga tao hindi na nila chinechek ang ilalim sa loob ng parte ng bag nila pag uwi o habang nasa trabaho, maalala na lang ng nila na may pera pa sila pagka na gutom na sila at wala na talagang pera ang pitaka nila. Nakakatulong rin ito para mabudget mo sa nakikita mong pera mo sa wallet kung ano ang dapat mong gastusin, ang tao kasi as long as may pera gagastusin nila ng buong pera nila sa isang buong araw kaya kinabukasan wala na silang pera. At least pag ganun na wala kang pera sa wallet mo maalala mo na may na itabi ka pa palang pera sa bag mo at magagastos mo na ito sa tama pero kung hindi mo naman maalala uuwi ka na lang at dun kakain kaya makakatipid ka. Napatango na lang ako sa kanya habang naka ngiti dahil agree ako paraan niya. “Bakit kaya ‘di ko na isip ‘yon,” ani ko habang dire diretso lang kami sa daan patungo sa bahay. “Baka kasi hindi applicable sayo ‘yon?” tanong niya habang nakatingin sa akin. “Depende kasi talaga ‘yon sa tao kung saan hindi napapansin agad ang perang itinabi niya at hindi magastos.” Paliwanag niya habang tinuturo ang mga taong kumakain at gumagastos ng pera sa daan kaya napapatingin na rin ako taong tinuro niya. Inayos ko ang pag kasabit ng bag ko sa balikat ko habang napapaisip sa sinabi ni Reona. “Baka nga.” Tingin ko sa kanya pero binalik ko rin ang tingin ko sa daan. “Eh ikaw paano naging applicable sayo ‘yung ganung pagtitipid sa pera?” tanong ko sa kanya at ako naman ang nakatingin sa kanya pero tumingin rin siya sa akin. “Simple,” confident niya pang sabi. “Hindi ko kasi nililinis ang loob ng bag ko after isang linggo tapos pag nilinis ko na makikita ko na lang na may mga basura pala akong nailagay, so bakit hindi ko gawin sa pera.” Natawa siya sa paliwanag niya at ganun rin ako kaya ngayon alam ko na kung bakit hindi applicable sa akin ang ganung gawain. “Tara na nga’t umuwi.” Pag aaya ko habang nag tatawanan kami sa daan dahil sa nalaman ko sa kanya. Hindi applicable sa akin ‘yon dahil kailangan kong maging malinis lagi, sa gamit ko man o sa katawan ko. Nakauwi na kami ng bahay at nakatanggap ako ng text mula kay Jeremiah na nasa bahay na siya, kanina pa. Inaantay niya na lang kami na makauwi para makapag paalam na sa mga magulang ko. Pagpasok namin sa sala nakita ko siya kaagad kaya tumayo sila at niyakap ko siya pero mabilis rin naman kaming bumitaw dahil kailangan ko pa muna mag bihis bago kami umalis. “Magpapalit lang ako, okay?” at tsaka lumapit kay mama’t papa. “Hello po ma, pa.” Niyakap ko rin sila pero bumitaw rin ako kaagad. “Saan nga pala kayo pupunta?” tanong ni papa kay Jeremiah tsaka sila bumalik sa pag kaupo nila kanina at ako naman dumiretso na sa kwarto ko kasabay si Reona dahil may dala rin siyang damit pang palit. Iniwan muna namin si Jeremiah kay mama’t papa para mag usap dahil sinabi niya rin kasi sa akin na siya ang bahala sa pag papaalam na lalabas kaming tatlo para kumain ng lunch. Mga 30 minutes rin naming na iwan si Jeremiah kay mama’t papa dahil nag ayos pa kami ni Reona sa kwarto. Paglabas namin nakita namin silang nagtatawanan, kaya napangiti ako. “Tara na?” Tingin ko kay Jeremiah pati na kala mama’t papa. Tumayo si Jeremiah ganun din sila mama’t papa. “Maraming salamat po sa pag payag.” Kinamayan ni Jeremiah sila mama’t papa habang nakangiti. kaya ganun din ang ginawa ni mama’t papa sa kanya. Lumapit siya sa amin ni Reona at nginitian ako pero agad rin ibinalik niya ang tingin kay mama’t papa. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya ng ilang segundo kaya naging awkward pa, mabuti na lang at binangga agad ako ni Reona ng balikat niya para magising sa pag daydream kay Jeremiah. “Sorry,” ani ko at tsaka ako lumapit kay mama para yakap silang sabay at magpasalamat sa pag payag nila. “Salamat ma, pa.” Tinapik naman nila ng sabay ang likod ko habang magkayakap kaya napanatag ako kahit papaano. Bumitaw na kami sa yakap at bumalik ako sa pwesto nila Jeremiah at Reona. “Wag pa rin mag papalate ng uwi.” Bilin ni papa kaya tumango kaming tatlo ng sabay. “Mag-ingat kayo,” ani naman ni mama kaya ngumiti kami sa kanya. “Teka lang, may ibibigay ako sayo Gem bago tayo umalis.” Madali kung kinuha ang isang keychain na dragon sa maliit kong shoulder bag na dala. Lumapit si mama’t papa dahil naalala nila kung saan ko nakuha ang keychain na ‘to. “Iyan ba ‘yung una mong pinabili sa ‘min nung bata ka pa?” tanong ni papa tsaka nila hinawakan ng sabay ang keychain dahil hindi pa naman tinatanggap ni Jeremiah. “Na itabi mo pa pala ‘yan.” Sabay din nilang bitaw sa keychain kaya kinuha na ni Jeremiah. “Totoo ba?” tingin niya sa akin at tumango lang ako ng nakangiti sa kanya. “Isa yan sa mga na itabi ko nung bata ako kaya mahalaga sa ‘kin yan.” Tinitigan niya lang ang keychain na bigay ko sa kamay niya habang naka ngiti. “Dahil ito,” ani niya. “Lagi na akong swe swertehin.” Tawa niya ng kaunti at sabay tingin sa akin. “Mauna na po kami tito, tita.” Palam ni Jaremiah kay mama’t papa. Hinatid kami ni mama’t papa hanggang labas lang ng pinto kaya muli ko silang niyakap ng sabay para mag pasalamat. “Salamat po uli ma, pa.” Bago pa sila pumasok uli sa loob. Hindi na namin sinayang pa ang ilang oras ng pagsasama namin, kaya agad na kaming pumunta sa mall para kumain. “Gusto niyo muna bang kumain o mamasyal?” tanong ni Jeremiah sa aming dalawa habang papasok kami sa loob ng mall. Binuksan ko ang bag ko para sa guard dahil kailangan niyang makita kung anong nasa loob ng bag ko, ganun din si Reona na nasa harapan ko at may dala rin na bag. Si Jeremiah lang ata ang walang dala na bag sa aming tatlo kaya kinapa lang sa bulsa. “Mama-” Putol kong sabi matapos naming makalagpas sa guard Sasabihin ko sana na mamasyal muna pero ng makalagpas na kami sa guard hinawakan ako ni Reona sa braso. “Nagugutom na ako, kumain na muna tayo.” Pagmamakaawa ni Reona. “Please.” Nakalagpas na rin si Jeremiah sa guard, kaya sinabi ko na sa kanya kung ano ang unang gagawin. “Gem, nagugutom na daw si Reona, kaya mabuti pang kumain na talaga muna tayo.” Harap ko kay Jeremiah habang nakatayo pa rin kami sa tapat ng entrance. “Kung ganun saan niyo naman gusto kumain?” Patuloy namin sa paglalakad. “Uy sa McDo, sa McDo,” sabi ni Reona kaya naglakad pa kami ng kaunti dahil nasa first floor lang naman ang McDo pero hindi malapit sa entrance ng mall. Naunang umupo si Reona sa upuan at pinigilan niya kaming umupo. “Kayong dalawa na ang umorder ng pagkain natin.” Harang niya ng kamay sa dapat na upuan namin. “Sige na, okay lang ako dito.” Pilit niya. “Para makapag usap rin kayo habang naka pila.” Tinalikod niya kami’t tinulak ng mahina papalayo sa table 10 kung saan kami kakain. Hindi naman na kami nakapag salita pa ni Jeremiah kasi wala rin kami magagawa kailangan ng dalawang tao para magbuhat ng order dahil isa sa drinks at isa naman pagkain. Magkatabi kaming nakapila sa cashier pero isang tao pa ang nasa harapan namin bago kami maka-order, kaya kinamusta ko na siya sa araw niya. “Kumusta sa school niyo?” tanong ko kaya napatingin siya habang nakahawak sa bulsa niya, sa likod ng maong na shorts. Binaba niya ang kamay niya sa pagkakahawak sa bulsa at pinakita rin kaagad sa ‘kin. Puro paltos na at halatang puspos sa pagba-basketball, tinaas ko rin ang kamay ko at ipinantay sa kamay niya. Unti-unti kong hindi mapigilang mailapit sa malapad niyang kamay ang maliit kong kamay hanggang mag dampi na nga ang kaliwa niyang kamay sa kanan kong kamay. Hindi ko alam pero parang magnet na nag dikit na lang bigla hanggang sa magkahawak na talaga kami ng kamay. Tumagal ang pag kahawak namin ng kamay habang magkatitigan hanggang sa tawagin na kami ng cahier mismo. “Ano po ang order niyo?” Bigla na lang napabitaw ang kamay namin at humarap sa cashier. Tumalikod siya habang ako naman eh nag hanap agad ng pwedeng maorder, kaya tumingala ‘ko kaagad sa menu. “Dalawa nga po non, tsaka pa dagdag din po ng isang ‘yon.” Turo ko sa ‘di ko naman gusto talagang bilhin, nag turo na lang kasi ako ng kung ano, mabuti na lang at nakuha ng babaeng nagtatrabaho ang tinuro ko. Para ‘di mahalata ni Jeremiah na naging awkward ang nangyari kanina humarap ako bigla sa kanya. “Ikaw anong gusto mo?” tanong ko kaagad sa kanya na parang walang nangyari habang nakapatong ang siko sa cashier table at nakahawi pa ang buhok. Humarap siya sa akin at unti-unti na natatawa habang ako naman eh sinisigurado ko na ‘di ko maipakita sa kanya na kinilig ako sa biglang paghawak namin ng kamay kanina. Lumapit siya sa akin at dumikit sa katawan ko kaya napaayos ako nang tayo. “Ikaw.” Bulong niya sa tenga ko kaya nanigas ang buong katawan ko pero siya humarap lang agad sa cashier, nag turo’t nag sabi kakainin niya. “Chicken nuggets po at rice.” Binayaran na rin kaagad ni Jeremiah ang order niya pati na ‘yung sa ‘min ni Reona. “Ano pong drinks?” Hindi ko pa rin magawang makagalaw hanggang sa kalabitin na mismo ako ni Jeremiah kaya natauhan ako. “Ano daw ‘yung drinks?” “Ahm,” ani ko hanggang sa una akong mapatingin sa coke. “Coke po,” natataranta kong sabi at agad rin akong nag labas ng pera sa wallet ko pero nang iabot ko na ang pera hindi niya tinanggap. “Bayad na po,” ang sabi ng babaeng nagtatrabaho. Napaharap ako kay Jeremiah. “Binayaran ko na.” Tingin niya akin habang nakangiti pero kinuha niya kaagad ang resibo at bumalik sa table 10 kung saan nag iintay si Reona habang ako naman eh nasa cashier pa rin, pinapanood siyang maglakad. Nakagalaw na lang ako nang nag salita ang babaeng nagtatrabaho. “Dadalhin na lang po sa table niyo ang inorder niyo, next.” Kaya sumunod na kaagad ako kay Jeremiah pabalik sa table 10. Bumalik kami sa table ng sabay ni Jeremiah dahil hinabol ko siya. “Ano nangyari sayo Ellyza?” pagtataka niya dahil ata sa kilos ko. Naunang umupo si Jeremiah sa single chair habang ako katabi ko naman si Reona sa kanan ko. “Wala, nagulat lang ako kanina binayaran niya kasi kaagad ‘yung pagkain natin ngayon.” Pagtatangi ko sa tanong niya. “Ay, talaga ba?” gulat na sabi ni Reona. “Hindi ko na pala kailangan gumastos, salamat.” Tapik niya sa balikat ni Jeremiah nag intay na lang kaming dumating ang inorder namin. 10 minutes ang nakalipas ng dumating sa table namin ang pagkain, inayos namin ang lamesa para maayos ang pagkain namin. Mabilis rin namang naubos ang pagkain namin lalo na ang pagkain ni Reona pero na busog naman kami kahit papaano, kaya hindi pa kami kaagad tumayo sa upuan. Binunot ni Reona ang cellphone niya at nagtext pero pagpapanggap pala ‘yon dahil sa notes siya nag type at alam niyang nakikita ko ang tina-type niya. “Hindi ko na kayo sasamahan kung saan kayo pupunta sa susunod dahil ayaw ko maging third wheel niyo.” Una niyang type at nagsulat pa uli sa ibaba nito. “Sorry Ellyza at goodluck rin, ba-bye.” Hindi ko alam pero hindi ako makapag salita nun dahil tumayo siya bigla habang umiinom pa kami ng natirang softdrinks namin. “Salamat sa pagkain Jeremiah ah.” Inayos niya ang bag niya at sinabit niya rin ito sa balikat. “Aalis ka na?” nag tatakang tanong ni Jeremiah at napaayos naman ng upo kasabay ng paglapag ng iniinom na coke sa table. “Oo, nagtext sa ‘kin si mama kailangan niya daw tulong ko.” Nagmamadaling pag alis sa table namin. “Ako naman ang mang lilibre sa susunod wag kayong mag alala.” Hanggang sa makalabas na nga siya ng McDo at hindi na namin siya napigilan kahit pa sinubukan naming salita para pigilan siya. Walang nag salita sa aming dalawa ng ilang minuto, ang tangi ko lang naririnig ay ang pag slurp ko ng coke sa baso kasabay ng mga kwentuhan ng iba pang tao na kumakain sa loob. “Ano na ang gagawin natin?” bigla niyang tanong pero hindi ako sumagot, kaya tuloy pa rin ako sa pag higop sa straw ng coke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD