55

1223 Words
ELLYZA Dali-dali akong nakaramdam ng kaba, hindi naman ako kinakabahan kung magkamali ako kasi mas gusto ko ngang maranasan iyon para matuto ako sa susunod. Pero, hindi ko naman gustong magkaroon ng mali na sinasadya ko lang. Kinakabahan ako sa kadahilanang ‘di pa ako masyadong nakakapaghanda at halos hindi pa nga namin natapos ang lahat ng kailangan namin i-review kagabi. Baka mayroon pa akong hindi naaaral dahil hindi rin naman gaanong kompleto ang notes ni Reona, hindi naman sa sinisisi ko siya, pero sadyang mas marami lang akong sinusulat sa mga notebook ko at nilalagyan ko pa iyon ng mga ilang mga nare-research ko sa internet para sa karagdagang kaalaman. Napalingon naman ako sa kaibigan ko na nakaupo sa aking tabi para malaman ang kanyang reaksyon sa nalaman niyang biglaang pag-anunsyo ng examination, na dapat ay next week pa gaganapin sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw. Hindi naman na ako nagtaka pa dahil naabutan ko pa ang kanyang paglunok na mukhang maski siya ay ganoon din ang pagkabigla. “Reona,” tawag ko sa kanya tsaka ko siya hinawakan sa kanyang kaliwang braso na nakapatong sa ibabaw ng kanyang table. “Okay ka lang ba?” casual na tanong ko sa kanya at agad naman siyang umiling upang iparating sa akin na hindi niya gusto ang mangyayari. “Kaya mo ‘yan, Reona. Naniniwala ako sa ‘yo tsaka isa pa, nakapag-aral naman tayo kagabi at tinuruan din tayo ni Gem. Kung nakinig ka naman ng mabuti sa amin at nagseryoso ka, sigurado naman akong may tyansa ka rin na maging kaparehas mo ako ng score. Kung hindi man parehas eh mas okay naman nang hindi bagsak. Ang mahalaga naman ay gawin mo ang best mo hangga’t makakaya mo, ‘di ba?” wika ko sa kanya at pinatong naman niya ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko tsaka gumuhit ang isang malapad na ngiti sa kanyang labi. “Salamat, Ellyza. Pero sa tingin ko, hinding-hindi ko pa mari-reach ang talas ng utak mo,” natatawang tugon niya sa akin. Umihip ng malakas na hangin si Reona tsaka siya umayos ng kanyang pagkakaupo, inalis na rin niya ang kamay ko sa pagkakakapit ko sa kanya tsaka siya humarap sa teacher namin. “I’ll strive hard for the sake of my future,” desididong sambit niya. “Shh, makinig muna kayo sa akin. May kailangan pa akong ipaliwanag na importante sa inyo.” Wala na kaming ibang napag-usapan pa dahil pinatahimik na kami ng aming guro. Agad naman kaming tumahimik kaya nakapagpatuloy na siya ng kanyang nais sabihin sa amin. “Bibigyan ko lang kayo ng ilang minuto para magbalik-tanaw sa lahat ng lesson sa bawat subject ninyo. Pagkatapos ng ilang minuto ay magsisimula na agad tayo, gustuhin man ninyo o hindi. Lahat ng gamit ninyo ay iiwan ninyo sa likuran ng classroom natin, habang ang mga dala-dala niyo namang cellphone o kahit na anong klaseng gadget pa iyan ay ikukumpiska ko muna. ‘Wag kayong mag-alala dahil ibabalik ko rin naman iyon sa oras na malaman kong nakatapos na kayo sa lahat ng kailangan niyong sagutan,” paliwanag niya sa amin at sabay-sabay naman kaming tumango. Karamihan sa amin ay mabilis na dinampot ang kani-kanilang mga notebook habang ang iba naman ay libro na lang ang kanilang ginamit. Kami nga lang ni Reona ang naiiba dahil kahit na biglaan ang exam ngayong araw ay hindi man lang kami nagmamadali katulad nila. Mabuti na lang talaga ay naisipan na naming mag-review kagabi kaya heto kami ngayon, medyo nakahanda na ang utak para magsagot. Hindi naman din ako sanay na nagbabasa ng mga lecture notes ko bago magsagot dahil mas lalo lang nalilito ang utak ko sa ganoong pamamaraan. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa aking bulsa. Kinuha ko naman iyon agad dahil pwede naman namin iyon gamitin hangga’t hindi pa kami nakakapagsimula sa aming exam. Pagkabukas ko niyon ay bumungad agad ang salitang future sa notifications ko kaya alam kong isang mensahe iyon mula kay Jeremiah. In-open ko ang kanyang message at habang binabasa ko iyon ay hindi ko namalayang bigla na lang akong napangiti kaya maya-maya lang ay siniko na ako ni Reona. “Ano ‘yan ha? Si future man mo ‘yan ‘no?” pang-aasar niya sa akin. Itinago ko ang cellphone sa ibabaw ng aking hita gamit ang magkabila kong kamay tsaka ako humarap kay Reona. “H-Hindi ah!” pagtatanggi ko kahit pa alam ko namang halatang-halata ngayon sa mukha ko na siya talaga iyon. “B-Bakit naman ako makakatanggap ng text sa kanya eh nasa klase rin siya ngayon…” bulong ko pa at mas lalo lang ako hindi tinigilan ni Reona sa paniniko niya sa akin. “Wala naman ako sinabing may natanggap kang text sa kanya ah? Binanggit ko lang naman kung si future man mo ‘yan. Wala naman ako sinabing chat ba, text ba, o call ba,” nakangisi niyang saad sa akin na siyang nakapagpalaki ng aking mga mata. “Masyado ka namang napaghahalataan, Ellyza. Ang daling basahin ng ekspresyon mo promise,” komento pa niya at sa puntong iyon ay sumuko na lang ako tsaka ko pinabasa ang sinabi ni Jeremiah sa akin. “G-Good luck sa exams?” nagtatakang aniya. “Oh, ‘di ba hindi mo rin ma-gets kung bakit ganyan ‘yung text niya sa akin?” tanong ko sa kanya tsaka siya tumango. “Sa tingin mo kaya… Sa school din na ito siya nag-aaral?” panghihingi ko ng opinyon sa kanya. Alam kong walang sense iyon kung ang simpleng mensaheng iyon lang ang aking pagbabasehan, pero wala rin naman akong ibang maisip na dahilan kung bakit ganoon ang kanyang sinabi. Maiintindihan ko pa sana kung sinabihan na lang niya ako na mag-ingat ako sa pag-uwi ko dahil ganoon naman siya parati, minu-minuto niya akong pinapaalalahanan, kaso hindi eh, nag-good luck ba naman sa exam. “Wala namang sense ‘yan, Ellyza. Kung ako sa ‘yo, tanungin mo na lang siya mamaya kapag nagkita na kayo, I mean tayong tatlo. Wala ka naman kasing makukuhang sagot kung manghuhula ka lang, para rin mas malinaw at mas mapanatag ang loob mo kasi sa kanya mismo manggagaling ang sagot,” sabi ni Reona at katulad kanina ay hindi na kami nakapag-usap pa dahil sa pagpapatahimik sa amin ng aming guro. “Mag-start na tayo, class. Para medyo mahaba-haba pa ang oras niyo para sumagot,” pag-aaya ng teacher namin kasabay ng kanyang pagpalakpak. Hindi naman na kami naghintay pa na sabihan kaming ilagay ang aming mga gamit sa likuran dahil sinabihan na niya kami kanina. Nilapag na muna naming lahat ang mga bag namin at pati na ang aming mga cellphone na ipinatong naman namin sa ibabaw ng lamesa. Hindi naman siguro kami magkakapalitan dahil kilala naman namin ang aming mga cellphone. Maliban na lang siguro kung mayroong parehas ang brand at pati na rin ang case, pero magkakaalaman na lang sa passcode o password. Kinakabahan man ako kanina sa magiging resulta ng aking surprise exams, medyo ginanahan naman na ako dahil sa panggu-goodluck ni Jeremiah sa akin. Sisiguruhin kong pati siya ay matutuwa sa kalalabasan nito at isa siya sa mga unang makakaalam ng aking scores, kaya pagbubutihin ko talaga. Fighting, Ellyza Clementine!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD