3

1098 Words
ELLYZA Nagliwanag ang paligid nang marinig ko ang sinabi ni mama. Paborito ko kasing ulamin ‘yun sa kanin, lalo na ‘yung sisiw. Kulang na nga lang ay kainin ko na pati ‘yung bato, kaso sabi ni mama hindi raw ‘yun natutunaw. Pinapanood ko lang si mama lumakad papalayo sa akin pero… Bakit parang ang bilis naman ng t***k ng puso ko? Para bang may mangyayaring hindi ko magugustuhan. Sa pag-aalala ko, sinundan ko na lang si mama, ngunit sa isang iglap… Humarurot sa harapan ko ang isang malaking puting truck. Napatulala ako sa kawalan. Para bang nag slow motion ang pagdaan ng truck sa paningin ko. Ang mga tao sa paligid ko ay natataranta na, mga nagsisigawan na nanghihingi ng saklolo. Ano ba ang nangyari..? “Pambihira! Hindi man lang nag-abalang tumulong yung driver,” bigkas ng isang babae. “Tumawag na po kayo ng ambulansya! Bilisan niyo at baka maubusan pa po siya ng dugo, kawawa naman po nangangayayat na nga po oh,” sabi ng isa pang babaeng mukhang bata pa. Hindi ko makuhang gumalaw sa kinatatayuan ko. May tumakbong lalaki na nagmamadaling lumapit sa duguang katawan ni mama. “Excuse me, ate. Doktor ako, pwede bang matignan ko ang lagay niya?” Anunsyo nito kasabay ng pagpapakita niya ng kanyang I.D na nagpapatunay sa kanyang sinabi. Dali-dali namang nagbigay daan yung bata at dumistansya. May mangilan-ngilan dinadaanan lang ang eksena dahil sa ayaw nilang madamay o maabala. Nilagay niya yung dalawang daliri niya malapit sa ilong ni mama para malaman kung humihinga pa ba siya. Nang hindi siya makaramdam ng hangin palabas doon, binuka niya ang bunganga ni mama. Sinubukan nung lalaki bigyan si mama ng hangin, nakatatlong ulit siya sa paggawa no’n. Nang wala pa ring pagbabago ay inilagay niya ang pareho niyang mga kamay sa ibabaw ng dibdib ni mama. Diniinan niya ito at ibinuhos ang lahat ng kanyang lakas doon, mabilis ang kanyang paggalaw kada segundong lumilipas. Ilang beses niyang inulit ang proseso na iyon hanggang sa bumalik na ang paghinga ni mama, kahit pa mahina lang ito ay sapat na para malamang buhay pa siya. Pinunit nung lalaki yung suot ni mama na itim na leggings tsaka niya diniinan yung binti ni mama, kung saan patuloy na umaagos yung dugo niya. “Pakitulungan naman ako sa pag-apply ng pressure rito. Kailangan ko pang maagapan yung pagdurugo ng ulo niya,” sabi niya habang nakatingin sa’kin. Hindi ko alam kung kilala niya kami o nagkataon lang na ako ang una niyang nakita. Doon lang ako nakakilos at mabilis na pinalitan ang pwesto nung doktor. Ako na ngayon ang nakadiin sa binti ni mama, habang siya ay kumukuha ng sterilize gauze sa kanyang first aid kit. Humatak siya ng isang piraso sa kahon na iyon tsaka maingat na inilagay sa ulo ni mama. Sinamahan niya na rin ‘yon ng medical tape para hindi matanggal. “Excuse me saglit, lagyan ko lang siya ng tourniquet para hindi na masyado dumugo binti niya.” Pinagmasdan ko lang siya kung paano niya gawin ‘yon. Nakakamangha lang na mayroon pa rin talagang mabubuting loob sa probinsyang ‘to. “Tara Ly, buhatin na natin siya,” bulong nung lalaki. Ly? Kilala niya ako? Hindi ko nalang binigyang pansin pa ang inisip ko, dahil ang kalagayan ni mama ang mahalaga sa’kin ngayon. Hindi kung sinong tao o kung anong bagay. Si mama lang ang kailangan ko, syempre kasama na rin si papa. Nag-iinit nanaman ang mga mata ko, hindi ko matatanggap kung mas lumala pa sa sitwasyon ngayon ang mangyayari. Kasalanan ko ‘to. Kung hindi ako naghangad ng isang pirasong balut na makakain ko sa hapunan, hindi sana naging ganito ang lahat. Nasa bahay na sana kami ngayon ni mama, masayang nagsasalo-salo ng hapunan kasama si papa, kahit tahimik lang kami kumain. Binuhat na namin si mama nang makarating ang isang ambulansya, dahan-dahan namin siyang ipinatong sa stretcher na nilabas nung mga paramedic. Agad nilang ipinasok ‘yun sa ambulansya at pagkatapos ay sumunod kami nung lalaki sa loob. May kung anu-ano silang ikinabit kay mama, nilagyan na rin siya nung suporta sa paghinga niya na kung tawagin ay bag valve mask. Hanggang sa makarating na kami sa ospital ay hindi nila inalis ang atensyon nila kay mama, lalo na sa pag babantay sa vitals niya. Ilang minuto lang ang nakalipas ay narating na agad namin ang pinakamalapit na ospital dito. Inilabas agad nila si mama at sumunod na rin ako. “1, 2, 3!” Nilipat si mama sa isang kama sa emergency room. “Hanggang dito lang kayo, ma’am. Maghintay nalang po kayo roon sa waiting area natin.” Sabi ng isang nurse sa’kin. “Her vitals dropped, BP 140/80 with a heart rate of 114. Too much blood was lost from her, we need an immediate blood transfusion of type AB,” sabi nung kasama naming paramedic kanina. Jusko, Lord ‘wag niyo pong pababayaan si mama. Siya at si papa na lang ang bukod tanging pinagkukunan ko ng lakas. Umalis na ako sa E.R. Hindi ko na kayang tingnan pa ang mga pinaggagawa nila kay mama. Ang sakit lang para sa’kin, ang bata ko pa para maranasan ang mga ganitong bagay. Wala naman akong ginawang kasalanan, bakit ko nararanasan lahat ng ‘to? Paikot-ikot lang ako rito sa harap ng mga upuan, hindi ako mapakali. Hindi ko magawang kumalma sa mga oras na ‘to. Maski si papa, siguradong nag-aalala na ‘yun samin ni mama. Ayaw ko pang ipaalam sa kanya ang nangyari, baka makatanggap lang ako ng sermon. Alam kong sisisihin ako ni papa kapag nawala si mama. Mag mamadaling-araw na, nandito parin ako sa ospital. Wala pa akong nababalitaan tungkol sa kalagayan ni mama. “Ly, hindi ka pa nagpapahinga?” Bungad nung lalaking doktor. Inabutan niya ako ng malamig na inuming tubig, tinungga ko ‘yon hanggang sa maubos ko ang isang bote. “Salamat po, doc.” “Hindi mo na ba ako naaalala, Ly?” Usisa nito sa’kin. Maya-maya pa ay biglang lumapit ang isang nurse. “Ma’am? Kaano-ano po kayo nung pasyente?” Tanong niya. “Anak po niya ako, kumusta po si mama? Ayos na po ba siya? Napagaling niyo naman po siya, ‘di ba po? Pwede ko na po ba siya mapuntahan?” Sunod-sunod na tanong ko. Malungkot ang mata nung nurse. Bakas sa mukha niya na mayroon siyang dalang masamang balita. “Sorry, ma’am…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD