ELLYZA Agad na hinatak ni Jeremiah ang likod na parte ng suot na jersey nung lalaking nasa harapan ko at maya-maya lang ay halos tumumba na ito sa lapag, mabuti na lang ay nagawa pa rin niyang ibalanse ang kanyang sarili matapos siyang hawakan ni Jeremiah sa kanyang braso. Siguro ay naisip niyang hindi siya pwedeng makipag-away dahil lang sa akin o sa kahit na anong klaseng dahilan pa man ‘yan. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ang sabi ko, siya ang future ko. At kahit kailanman ay walang makakalapit sa kanya para ligawan o bigyan ng kahit na anong form ng motibasyon na mayroon kayong feelings para sa kanya,” malamig na wika ni Jeremiah sa kanilang lahat, pero nakatutok ang atensyon niya sa lalaking pinalayo niya sa akin. “Pasalamat ka dahil may sinusunod tayong patakaran sa school na ‘

