ELLYZA Gulong-g**o ako sa nakikita kong ekspresyon ngayon ni Jeremiah, bigla na lang kasi nagbago ang timpla ng kanyang mukha nang nakaalis na si Kris sa aming paningin, what I mean is ‘yung kotse niya. Ang tanging pumapasok lang sa isipan ko na dahilan kung bakti ganito siya ngayon ay maaaring sa kadahilanang itinatago lang niya ang tunay niyang nararamdaman sa harapan ni Kris, at ngayong hindi naman na niya kami kasama ay nailalabas na niya ito dahil ako na lang naman ang kaharap niya. “Anong nangyari sa ‘yo? Galit ka pa rin ba kay Kris kaya ka ganyan?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Ngunit hindi naman niya ako kinibo at para bang hangin lamang ako sa kanya. “Hello, Gem? Ano na ang nangyayari sa ‘yo?” Paulit-ulit akong kumakaway sa mismong tapat ng kanyang mukha para lang mapansin niya

