6

1093 Words
ELLYZA Walang pumapasok sa aking utak kundi ang kagustuhan kong sabihin na agad kay papa ang tungkol sa aksidenteng naganap kay mama. Ngunit, ayaw ko rin naman suwayin si mama sa kanyang gustong mangyari. Masyado akong naiipit sa sitwasyon na ‘to at hindi ko na alam kung ano ba ang tamang gawin sa mali. Dapat ko ba talagang prinoproblema ito? Hindi ba naging isa na sa kasunduan naming pamilya na walang magtataguan na kahit anong bagay? Na kapag hindi iyon nasunod ay mayroong nakasaad na parusa sa bawat isa sa amin, hindi lang sa taong sumira sa aming kasunduan? “Ly, gusto mo bang samahan na muna kita pauwi?” pag-aalok sa akin ni Doc. Kalix. “Hindi natin nasisiguro ang kaligtasan mo sa labas, lalo na kung ganyang okupado pa ang iyong isipan,” dagdag pa niya upang mapilit niya akong pumayag sa kanyang alok. Subalit, kahit na anong sabihin ng lalaking doktor na iyon o kahit pa sino ang magmagandang loob na samahan ako pauwi sa amin, uulit-ulitin ko lang ang aking sagot… na ayaw kong iwanan si mama mag-isa rito. “Salamat na lang sa alok, Doc. Paige,” pagtatanggi ko tsaka ko hinawakan ang braso ni mama na malapit sa akin. “Gusto kong manatili sa tabi ni mama hanggang sa maging maayos na ang pakiramdam niya,” dagdag ko pa habang nakatingin ako sa mga mata ni mama, na para bang maski siya ay nagmamakaawa na sa akin na umuwi na muna at bumalik na lang mamaya. “Yzza,” tawag ni mama sa akin tsaka niya sinubukang i-angat ang kanyang kamay para mahawakan niya ang pisngi ko. Napakalamig niyon, mukhang nanghihina ang kanyang katawan kaya tinatablan siya ng malamig na temperatura ng aircon. “U-Umuwi ka na muna,” bigkas ni mama na may bakas ng pag-aalinlangan, na tila ba’y gusto niya akong samahan pauwi kung mayroon lang siyang kakayahan. “Walang maiiwan sa bahay kung sakaling pumasok si Dad at hindi na niya tayo mahintay na dumating doon,” paliwanag pa niya pero nahihimigan ko sa tono ng kanyang pananalita na hindi iyon ang tunay niyang dahilan. Hinawakan ko gamit ang isa kong kamay ang kamay ni mama na nasa ibabaw ng aking pisngi. Dinama ko iyon kahit pa napakalamig ng kanyang kamay tsaka ko iyon unti-unting hiniwalay sa mukha ko para ibaba iyon pabalik sa kanyang sikmura. “Ma, mayroon tayong cellphone,” tinuro ko ang aking bulsa upang ipahiwatig na nakatago lang doon ang cellphone ko, na pwede kong kuhanin kahit na anong oras kong gusto. “Maaari nating tawagan si Papa kahit na narito tayo sa loob ng ospital. May oportunidad pa tayo para ipaliwanag sa kanya ang nangyari, hindi ‘yung magmumukha siyang ewan na nag-aabang sa ating pagdating. Ayaw kong umasa si Papa sa wala at ayaw ko rin na ma-disappoint natin siya dahil sa pagsira natin sa kasunduan ng pamilyang Clementine,” mahabang pahayag ko at mukhang naiintindihan naman na ni mama ang pinupunto ko. “Sino magbabayad sa bayarin sa ospital? Si Dad? Alam mo namang halos 20,000php lang ang kinikita niya sa isang buwan, wala pa sa kalahati ng sweldo ko, Yzza. May binabayaran pa tayo kada buwan at tsaka isa pa, nag-aaral ka rin,” ani mama na pilit na humahanap ng butas sa aming sitwasyon para hindi ko iparating kay papa ang balita. “Hindi ka namin hahayaan na mahinto sa studies mo, alam namin kung gaano ka ka-pursigidong mag-aral kahit pa hindi mo naman gusto ngayon ang pinapasukan mong school,” paglalahad pa niya. “Kaya ko naman bayaran ang lahat ng magiging hospital bills mo,” masayang saad ni Doc. Kalix na sumingit sa aming usapan. Bigla akong napaharap sa kanya dahil sa hindi kapani-paniwalang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. “Anong sinabi mo?” pag-uulit ko sa kanyang sinabi. “Kaya ko naman bayaran ang lahat ng magiging hospital bills mo,” literal na inulit lang ni Doc. Kalix ang nauna niyang pahayag kaya siya natawa. “Ayaw mo ba nun? May handang tumulong sa inyo na hindi naman nanghihingi ng kahit na anong klaseng kapalit,” usisa niya sa akin habang napapakamot pa sa kanyang batok. “Doc. Paige, with all due respect, nasa oras ba tayo ng pagtawa?” naiiritang tanong ko sa kanya nang balewalain ko ang kanyang pangalawang alok sa akin. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ‘yung mga klase ng tao na may gana pang tumawa sa mga ganitong sitwasyon, lalo na kung natataranta na ako at hindi mapalagay ang aking isipan. Mas lalo lang kasi ako nagugulo ng mga ganoon at mas lalo akong hindi makakapag-isip ng matino. “Sorry, Ly,” sinserong ani Doc. Kalix na sinamahan pa niya ng bahagyang pagyuko niya pero agad din siyang tumingala. “Gusto ko lang naman makatulong sa inyo hangga’t may kakayahan ako, ayaw kong makitang nahihirapan pa ang kahit na sinong pasyente ko kung alam ko namang nasasaktan na sila sa kanilang kaganapan sa buhay,” wika niya na hindi naman din kapani-paniwala. Pakiramdam ko ay ginagawa lang niya ito dahil kakilala niya kami. Feeling ko ay sa oras na ibang pasyente na ang kaharap niya ay hindi na siya mag-aabala pang tumulong kahit pa doktor naman talaga siya. Ewan ko ba, hindi lang siguro talaga tama ang oras ng pagkikita namin kaya ganito na lang ang pakiramdam ko sa kanya, na parang hindi ko siya makakasundo kahit na ano pa ang gawin niyang maganda o sabihin na makakapagpagaan sa aming kalooban. “Yzza, bakit ba ganyan mo tratuhin si Kalix?” tanong ni mama sa akin. Wala akong nasagot kay mama kasi hindi rin naman ako sigurado. Hindi ko pa naman alam kung kaano-ano ba talaga namin siya at kung tunay ba siyang malapit sa aming pamilya. Baka mamaya ay kung sino lang siyang nanggagayuma sa isa sa amin at may balak lang palang masama sa pamilya namin. “Hayaan niyo na, maibabalik din natin ang magandang samahan namin,” nakangiting ani Doc. Kalix tsaka siya naglakad patungo sa sofa na kanina ay ginamit ko para sa aking pagpapahinga. “Alam niyo ba? Hindi ko nga alam kung paano niya ako nagawang kalimutan at kung paanong pati ang pangalan ko ay hindi man lang niya makilala. Wala man lang pumasok sa kanyang alaala na kahit anong tungkol sa aking pagkakakilanlan na para bang hindi niya ako nakasama ng ilang taon noong araw ng kanyang kabataan,” malungkot na kwento pa ng lalaking doktor. Araw ng aking kabataan? Kailan pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD