14

1057 Words
ELLYZA Nang akmang bubuksan na ni Doc. Kalix ang bibig niya para magsalita ay agad ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng pag-cross ng aking mga braso sa kanyang harapan, isang hudyat para huwag niyang ituloy ang kanyang binabalak na gawin. Nakuha naman niya ang ibig sabihin ng ginawa kong iyon kaya tinikom na lang niya ang bibig niya, ibinaba ko na rin ang mga braso ko tsaka ako nag-isip nang mabuti. Ang unang pumasok sa isipan ko ay kung paano ko muling makikita sina mama at papa. Feeling ko ay nasa malapit na lugar lang sila at si Doc. Kalix lang ang may kasalanan kung bakit ako nalayo sa kanila. 'Yung tipong abot kamay ko lang sila, ngunit hindi ko nga sila makita kaya hindi ko magawa. Pangalawang naisip ko ay kung paano na-play ng doktor na ito sa isang T.V ang halos buong kwento sa nangyaring aksidente kay mama. I mean, hindi ko naman talaga siya kilala ng lubusan at hindi rin ako sigurado kung totoo bang kakilala siya ni mama o kahit ni papa, kaya medyo mayroon pa rin akong pagdududa sa kanya. Kahit pa sinunod ko naman din ang gusto niyang gawin ko-- ang mag-isip kung paano ako napadpad dito. Ang huling bagay naman na tumatak sa utak ko ay ang katotohanang lumusot lang ang kamay ko sa braso ni papa nung sinubukan kong kumapit sa kanya. Hindi pa naman nawawalan ng buhay si papa o kahit pa ako, kaya wala pa rin akong ideya kung paano iyon nangyari. Subalit, sa gitna ng aking pag-iisip ay bigla ko na lang narinig ang boses ni mama, hindi iyon gaanong malinaw kaya binalewala ko kasi baka sa isipan ko lang iyon nanggagaling, kasi nga sila ni papa ang iniisip ko ngayon. “Yzza!” muling tawag ni mama sa akin, hindi ko siya mahanap kahit pa saan ako lumingon nang lumingon. Sa pangalawang beses na narinig ko ang boses ni mama ay nakasiguro na akong siya nga talaga iyon, tinatawag niya ako. Tinatawag na niya ako. “Ma?” bigkas ko habang inililibot ko ang aking paningin sa aking paligid, ngunit, nakakailang ikot na ako ay tanging ang maputing paligid at si Doc. Kalix lang ang nakikita ko, wala ng iba. Maski ang malaking T.V kanina ay nawala na rin sa aking paningin ng hindi ko alam kung paano nangyari. “Ma?” pag-uulit ko sa aking pagtawag kay mama nang hindi ako makatanggap ng sagot sa kanya, pero kahit na inulit ko na iyon ay para bang hindi niya ako naririnig. Tila ba’y siya lang ang may kakayahan para magsalita sa akin at wala akong kakayahan para ibalik sa kanya iyon. Para bang nasa ibang mundo ako. Ganun ang pakiramdam ng nagaganap sa akin ngayon at sa puntong maisip ko ang posibilidad na iyon ay kusa na lang akong napasulyap kay Doc. Kalix. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko ang mukha niyang katulad ng nakita ko roon sa pinakita niya sa akin sa T.V. Punong-puno ng dugo ang kanyang mukha, kulang na lang ay hindi na mapansin doon ang kanyang mga mata, ilong at bibig dahil sa labis na kapal ng mapulang dugo na humaharang doon. Hindi ko na binalak pang subukang hawakan iyon kasi mukhang makatotohanan iyong dugo na nasa mukha niya kasi tumutulo pa iyon sa kanyang leeg na umaabot pa sa lapag. Napalunok na lang ako sa kaba at pinabayaan na lang ang sarili kong takot sa itsura niya ngayon. “Doc. Paige…” mahinang sambit ko sa kanyang pangalan, hindi na ako naghintay pa ng kung anong sasabihin niya, ako na agad ang nagsalita. “Sabihin mo nga sa akin… Dinala mo ba ako sa ibang mundo ng hindi ko alam?” seryosong tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Doc. Kalix na mukhang hindi inaasahang ang katanungan kong iyon. Bumalik na sa normal ang kanyang itsura kaya nakahinga na ako ng maluwag at nagawa ko na rin lumapit sa kanya. “Malapit mo na malaman ang sagot, Ly. Kaunting pag-iisip na lang at makakaalis ka na rito,” nakangiting sabi niya sa akin at medyo naganahan na ako roon. Buong akala ko ay walang kwenta na ang utak ko sa mga ganitong klaseng bagay, consistent honor ako sa school namin kaya hindi pwedeng hindi ko masolusyunan ang simpleng pangyayaring ito. Mas mahirap pang hanapan ng solusyon ang mga math problems! Pero, kahit pa sabihin ko iyon sa sarili ko ay umaasa pa rin akong ipaalam na lang sa akin ng doktor na ito ang buong katotohanan para hindi na ako tumagal pa rito. Hinihintay na ako ni mama, tinatawag na niya ako kanina. Hindi pwedeng tumagal ako rito at baka hindi na niya ako hanapin pa. “Ly, may tanong ako sa ‘yo. Magsisilbing clue rin ‘to sa ‘yo at sigurado akong mapapakinabangan mo itong tanong ko, lalo na kung masasagot mo,” wika ni Doc, Kalix. “Ano ‘yun?” interesadong ani ko. “Sa tuwing natutulog ka, umaga man o gabi, sa kahit na anong oras… Saan ka napupunta?” diretsong usisa sa akin ni Doc. Kalix. “Sa panagi…” napaawang ang aking bibig kaya tinakpan ko ito gamit ang kamay ko. Sa mga oras na iyon ay na-realize ko na ang lahat. “Kaya pala ganito…” putol ko sa sarili kong sagot, gusto ko munang makakuha ng iba pang impormasyon kung paano niya ako nagagawang kausapin ng ganito katino sa ganitong lugar, at kung sino ba talaga siya sa buhay ko. “‘Di ba makakaalis lang naman ako rito kapag sinabi ko na ang tamang sagot kung nasaan ako?” Tinanguan lang ako ng doktor kaya nagpatuloy na ako sa aking itatanong. “Paano mo ako nagagawang kausapin ng direkta? ‘Di ba, kadalasan sa ano eh malabo ang pangyayari? So, ibig bang sabihin nito eh sa oras na makabalik na ako sa pinanggalingan ko eh hindi ko na maaalala ang nangyari rito? Sino ka ba talaga?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya, itinambak ko na lahat ng tanong na nasa isipan ko bago ko pa ito makalimutan. Pero, parang mawawalan lang din naman ng sense ang mga sagot na sasabihin niya sa akin kung hindi ko nga rin naman iyon matatandaan sa oras na magising na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD