13

1139 Words
ELLYZA Patuloy ako sa aking pag-atras palayo sa T.V kung saan nagpe-play roon ang isang eksena mula sa naganap sa aking buhay kanina habang tinatakpan ko ang bibig ko gamit ang aking magkabilang kamay. Pailing-iling pa ako, pinagpapalit-palit ko ang tingin ko sa screen niyon at sa doktor na nasa gilid nun. Mas lalo lang akong hindi makapaniwala kasi sobra ang pagkakahawig nila at alam kong iisang tao lang naman iyon, pero hindi ko maintindihan kung bakit iba ang nakita ko kaninang nilapitan niya ako at pati na ngayon, para bang sinadya lang niyang ibahin ang itsura niya sa ipinapakita niya sa akin. “I-I-Ikaw ba talaga ‘yan?” nauutal na tanong ko kay Doc. Kalix tsaka ko itinuro ang screen at ang kanyang mukha, na para bang punong-puno ako ng pagdududa sa aking isipan. “K-Kung nagbibiro ka lang ngayon, pwede mo na sabihin sa akin na niloloko mo lang ako sa pinapakita mo sa akin. Hindi mo naman ako kailangang pakitaan ng mga ganitong bagay para lang makumbinsi mo akong makinig sa ‘yo eh, nakahanda naman akong makinig sa ‘yo basta malaman ko ang mga kasagutan sa lahat ng tanong ko,” mahabang sambit ko pagkababa ko ng aking kamay. “Lalo na kung anong klaseng lugar ito at kung paano mo ako nadala rito ng wala man lang natitirang tao sa paligid natin, maski sina Mama at Papa ay nawala na rin bigla na parang isang bula,” dugtong ko pa para ibahagi sa kanya ang isa sa mga importanteng tanong na gusto ko masagot niya, o kung hindi man niya masagot ay mabigyan man lang sana niya ako kahit na kapiranggot na ideya kung ano ang nangyayari. Pinatay na ni Doc. Kalix ‘yung nagpe-play sa T.V tsaka siya umayos ng kanyang pagkakatayo tsaka siya tumingin ng diretso sa aking mga mata. “Bago ko sagutin ang mga itatanong mo sa akin, Ly… May gusto muna akong malaman sa ‘yo, nakadepende sa sasabihin mo sa akin kung sasagutin ko ba ang mga bagay na nakakapagpagulo sa isipan mo o hindi,” naglapag ang doktor ng isang kondisyon na mukhang madali ko lang namang masusunod, kaya walang pag-aalinlangan akong tumango sa kanya at naghintay sa susunod niyang sasabihin. “Gusto ko lang sanang itanong sa ‘yo Ly, kung may nararamdaman ka pa bang sakit ngayon pagkatapos mong mapanood muli ang nangyaring aksidente sa Mama mo,” usisa niya sa akin na mas lalong nakapagpagulo sa isipan ko, hindi ko na nga maintindihan ang nangyayari tapos ganitong klaseng tanong pa ang gusto niyang iparating. Hindi ko siya kinibo kasi sinusubukan ko pang alalahanin ang nangyari nung mga oras na iyon, pero habang patagal nang patagal ko iyong inaalala ay para bang unti-unti rin iyon naglalaho mula sa aking isipan. “Ly, huwag mong kalimutan ang nangyari. Sa lahat ng bagay na pwede mong gawin dito ay ‘yan lang ang i***********l ko sa ‘yo. Kahit na anong mangyari ay huwag na huwag mong kalilimutan ang aksidente ng Mama mo, ang mga nagawa at nasabi mo nun hanggang sa dumating na ako sa pwesto niyo at tinulungan ko kayo,” sabi pa niya na tila ba’y nahihimigan ko ang tono ng pagbabanta mula sa kanyang pananalita. Pinilit ko nang pinilit na alalahanin ang lahat ng nangyari kanina at hindi naman ako nabigo ng aking utak, tandang-tanda ko pa kung paano gumulong ang malaking sasakyan sa mama ko. Ngunit, kahit natatandaan ko pa iyon at muli kong binabalik sa isip ko ang nangyari ay para bang hindi naman na ako nakararamdam ng sakit kagaya ng unang beses ko iyon makita, na labis ang aking paghahagulgol. Ngayon ay tila ba’y nawala na lang basta ang nadarama ko at hindi man lang nag-iinit ang mga mata ko. Hindi naman ako madalas na nauubusan ng luha, hanggang sa nasasaktan pa ako sa pangyayari ay bigla na lang bubuhos ang mga luha ko. Pero ngayon ay iba, kakaiba. Kahit paulit-ulit pang nasasagasaan si mama sa isipan ko ay parang wala lang iyon sa akin, walang epekto ang aksidente sa akin ngayon. “Anong ginawa mo sa akin? Ginawa mo ba akong manhid para lang hindi mo ako nakikitang umiiyak?” naiinis na tanong ko sa doktor, hindi kasi ako sigurado kung paano iyon nangyari sa akin, parang hindi ko na nakikilala ang sarili ko ngayon sa mga inaakto ko. “Tsaka isa pa, bakit mo naman natanong kung nasaktan pa ba ako pagkatapos kong panoorin ‘yun? Parang alam mo kung ano ang magiging epekto sa akin niyon eh, parang pinagplanuhan mo ‘to lahat,” sambit ko. Nagsisimula na akong pagbuntunan siya ng galit, wala naman ako ibang kasama rito na pwede kong i-share ang nilalaman ng puso’t isipan ko ngayon. “Sinabi ko naman na sa ‘yo, Doc. Paige… Kung pinaglololoko mo ako ngayon, tigilan mo na ‘yan. Kailangan ko na bumalik kina Mama at Papa, sigurado akong hinahanap na nila ako sa ward kasi bigla na lang din akong nawala pagkatapos mo akong hatakin palayo roon.” Tumalikod na ako sa kanya at akmang maglalakad na ako pabalik kina mama pero roon ko lang din naalala na hindi ko nga pala alam kung paano ako makakabalik sa kanila, at kung mayroon pa nga ba akong babalikan. Paano kung nagsimula na pala ang operasyon at naiwan na si papa mag-isa sa waiting area? Hindi pwedeng siya lang mag-isa ang nandoon kasi anak nila ako, kailangan ko rin silang samahan kahit na anong klaseng sitwasyon ang mangyari sa aming buhay, maganda man o hindi. “Kailangan mong maisip kung paano ka makakabalik, Ly,” biglang nagsalita si Doc. Kalix pero hindi ko naman na siya narinig pang sumunod sa aking paglalakad. Ang akala ko ay hindi talaga niya ako sinundan, hindi lang pala siya humahakbang gamit ang kanyang mga paa. Nagulat na lang ako nang lumitaw siya bigla sa harapan ko na para bang nag-teleport siya papunta rito sa aking tapat. “Sorry pero hindi ko talaga pwedeng sabihin sa ‘yo kung nasaan ka pero… Nasubukan mo na bang paganahin ang utak mo kahit minsan? Baka sakaling maisip mo kung anong klaseng lugar itong kinatatayuan mo ngayon,” aniya, hindi ko alam pero parang naiinsulto na ako sa mga sinasabi niya sa akin. “Pero, kung gusto mo naman makulong dito sa lugar na ito ng habang buhay, okay lang naman din. Sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan ka at ano ang nangyayari sa paligid mo kung okay lang din sa ‘yo na ganun ang mangyari na makukulong ka rito,” dagdag pa niya. Dapat ba akong matuwa kasi sasabihin niya na sa akin ang ganap dito? O dapat ba akong mangamba kasi ang kapalit niyon ay ang pang-habangbuhay kong pagkakulong dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD