12

1151 Words
ELLYZA Tanging si Doc. Kalix na lang ang nasisilayan ko at mukhang kami na lang din ang tao rito. Nagsimula nang magbago ang kapaligiran at naging kulay puti na lang ang mga gilid-gilid. Hindi ko sigurado kung pader pa rin ba ang mga iyon, o kung mayroon pa nga bang pader. Basta ang alam ko ay purong puti na lang ang lugar na ito, maski ang tinatapakan ko ngayon. Magkaharap kami ni Doc. Kalix at habang patagal nang patagal ay kakaiba na ang nararamdaman ko sa mga tingin niya sa akin. Hindi naman sa masamang paraan, para bang nangungusap ang kanyang mga mata sa mga oras na ito. Nangibabaw ang kaba na nadarama ko sa kaganapan sa paligid ko kaysa sa pangyayaring naganap kay mama. Hindi ko alam kung paano pero para bang nakalimutan ko na lang basta ang aksidenteng naganap kay mama at para bang hindi naman iyon naganap kahit kailan, na para bang isang imahinasyon ko lamang iyon. Hindi gumagalaw ang paligid ko o sadyang puti lang kasi lahat ng nakikita ko kaya kahit pa gumalaw iyon ay hindi ko mapapansin. Tinitigan ko ng maigi si Doc. Kalix pero walang pagbabago sa kanyang itsura, napakaseryoso ng kanyang mukha at tila ba’y naghihintay sa akin para kausapin ko siya. “Doc. Paige, ano ba ang nangyayari?” mahinahong tanong ko sa kanya, hangga’t maaari ay ayaw kong masira ang kanyang mood at ayaw ko rin naman na basta na lang siyang iwanan dito. Mamaya ay maligaw pa ako at umabot ako sa kung saang lugar na hindi ko naman alam, tsaka mukhang siya at ako na lang din naman talaga ang natira rito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko na para bang ang payapa ng aking isipan. Hindi ko magawang mag-panic o mataranta hindi kagaya dati, na maiwanan lang ako nina mama o papa ay bigla na lang ako nagsisimulang tumakbo kung saan-saan. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid bago ko tiningnan muli si Doc. Kalix, para siyang na-estatwa roon katulad ni papa at mama kanina. “Doc. Paige?” tawag ko sa kanyang pangalan. Nagsimula akong humakbang palapit sa kanya at nang makalapit na ako ay huminto ako sa mismong tapat niya. Napalunok pa ako kasi susubukan kong hawakan ang kanyang braso kagaya ng ginawa ko kay papa. “Doc. Paige, ‘wag ka naman magbiro ng ganito,” kinakabahan kong sabi habang nasa tapat niya ako. Maya-maya pa ay inangat ko na ang kamay ko para mahawakan ko ang braso niya pero hindi naman iyon lumusot kagaya ng nangyari kay papa kanina. “Sorry,” sabi niya sa akin habang nakatawa pa. “Ayaw mo naman makinig sa akin at mukhang hindi ka naman interesadong makinig pa,” dugtong pa niya. “Doc. Paige, ano nga ang nangyayari rito? Bakit ganito ngayon ang paligid natin na kanina ay isang ospital lamang? Bakit tayo na lang ang tao rito? Bakit nahahawakan ko ang braso mo, pero ‘yung kay papa kanina ay lumusot lang ang kamay ko na para bang multo ang sinubukan kong hawakan?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya pero mukhang wala naman siyang balak na sagutin ang kahit na isa roon, mukhang hindi niya masyadong naproseso sa isipan niya dahil napakabilis kong magsalita. “Hindi ko pwedeng sabihin sa ‘yo ng direkta kung ano ang nangyari, kung masabi ko sa iyo iyon o malaman mo ang nangyayari ngayon mula sa akin ay hindi ka na makakalabas dito. Habang buhay ka nang makukulong sa puting silid na ito, hindi ko nga rin alam kung silid ba talaga ito kasi mukhang wala namang mga pader sa paligid natin, parang kahit tumakbo ka ng napakatulin at napakalayo ay wala kang ibang lugar na matatakbuhan. Hindi natin sigurado kung narito pa rin ba ako sa paglipas ng oras, kaya mas mabuting ikaw ang makatuklas ng totoong nangyayari ngayon sa ‘yo,” mahabang paliwanag niya sa akin. Napailing ako sa kanya kaya hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. “Ly, sorry pero kailangan mo masolusyunan mag-isa, hindi kita pwedeng tulungan ngayon at alam kong ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo. Pero, para naman hindi mo isiping wala akong kwenta ay ito lang ang maibibigay kong tulong sa iyo,” aniya tsaka niya ako kinaladkad palapit sa isang lugar na may parang T.V. “Panoorin mo,” sabi niya at bigla na lang lumitaw roon ang pangyayari noong araw na iyon. Nagliwanag ang paligid nang marinig ko ang sinabi ni mama. Paborito ko kasing ulamin ‘yun sa kanin, lalo na ‘yung sisiw. Kulang na nga lang ay kainin ko na pati ‘yung bato, kaso sabi ni mama hindi raw ‘yun natutunaw. Pinapanood ko lang si mama lumakad papalayo sa akin pero… Bakit parang ang bilis naman ng t***k ng puso ko? Para bang may mangyayaring hindi ko magugustuhan. Sa pag-aalala ko, sinundan ko na lang si mama, ngunit sa isang iglap… Humarurot sa harapan ko ang isang malaking puting truck. Napatulala ako sa kawalan. Para bang nag slow motion ang pagdaan ng truck sa paningin ko. Ang mga tao sa paligid ko ay natataranta na, mga nagsisigawan na nanghihingi ng saklolo. Ano ba ang nangyari..? “Pambihira! Hindi man lang nag-abalang tumulong yung driver,” bigkas ng isang babae. “Tumawag na po kayo ng ambulansya! Bilisan niyo at baka maubusan pa po siya ng dugo, kawawa naman po nangangayayat na nga po oh,” sabi ng isa pang babaeng mukhang bata pa. Hindi ko makuhang gumalaw sa kinatatayuan ko. May tumakbong lalaki na nagmamadaling lumapit sa duguang katawan ni mama. “Excuse me, ate. Doktor ako, pwede bang matignan ko ang lagay niya?” Anunsyo nito kasabay ng pagpapakita niya ng kanyang I.D na nagpapatunay sa kanyang sinabi. Dali-dali namang nagbigay daan yung bata at dumistansya. May mangilan-ngilan dinadaanan lang ang eksena dahil sa ayaw nilang madamaymangyayar. mangyayari “Wait,” biglang sabi ko habang naka-play iyon sa T.V. “Gusto ko sanang itanong kung paano mo ‘to nakuha? Pati mga iniisip ko at mga nangyari eh kuhang-kuha mo, lalo na ‘yung mismong pangyayari…” nalulungkot na saad ko, hindi ko kasi matanggap na nakita ko na naman ang nangyari sa aksidente ni mama. “Akala ko naman ay napansin mo na,” blankong ekspresyon na sabi ng lalaki. “Hindi mo ba napapansin iyon?” tanong niya habang nakaturo sa T.V, pero masyadong malaki iyon para malaman ko kung saan siya mismo nakaturo kaya umiling ako para sabihing wala akong napapansin na kung anumang gusto niyang mapansin ko. “Tingnan mo maigi ang mukha ko, Ly… Ayaw ko mang takutin kita, pero ayan talaga ang itsura ko nung tinulungan kita nung araw na iyon,” wika niya kaya lumapit ako ng husto sa mismong tapat ng T.V. Hinanap ko kung nasaan siya at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD