26

1124 Words
ELLYZA Napakabilis ng t***k ng aking puso at hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko, kung tama bang gumaganti ako sa kanila o dapat bang manahimik na lang ako sa gilid katulad ng nakasanayan ko. Pero hindi na kasi iyon pwede dahil nangako na ako sa mga magulang ko, tsaka ayaw ko naman din dalhin sa pagtanda ko ang kahihiyan na nangyari sa buong taon ng pag-aaral ko dito. Huminga ako ng malalim, hindi gumagana ang utak ko ngayon kaya hindi ko alam kung magiging epektibo ba ang kung anuman na lalabas sa bunganga ko sa mga oras na ‘to. Wala naman akong balak na atrasan siya, lalo pa ngayong may nasabi na ako. “Obligasyon ko bang bigyan kayo ng kasiyahan? Ano ako, comedian ng buhay niyo?” pang-iinsulto ko sa kaniang lahat kahit pa sa babae na iyon lang ako nakatingin, dahil siya naman ang nagpasimula nito. “Ohh, Ellyza for the win!” “Go Ellyza!” “Ellyza namin ‘yan eh!” Hindi ko na dinagdagan pa ng kahit ano ang sinabi ko nang marinig ko silang nag-cheer para sa akin, sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit ng pangalan ko. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon, para bang nasa isang panaginip lang ako. Hindi ko maisip kung paano nila nasasabi iyon pagkatapos nilang gawin ang lahat ng pang-aapi nila sa akin. Napatingin ako sa kanila ng isa-isa at halata naman ang pagka-sincere nila roon, na hindi sila basta nagloloko lang. Seryoso sila na para bang sa akin sila kumakampi sa halip na sa babaeng nagpasimula nito. “A-Anong meron?” nagtatakang tanong ko sa kanila, kahit pa hindi ko naman inaasahang sasagutin nila ako. Pero sa loob-loob ko ay umaasa naman ako kahit na kaunti, na mayroong papansin sa tanong ko na iyon, na mayroong papansin sa akin bilang ako at hindi bilang kaklase nilang parating inaapi. Bahagyang lumuwag na ang pagkakuyom ng kamao kong nakatago sa loob ng bulsa ko, hindi ko na rin kinukurot ang palad ko nang gumaan ang pakiramdam ko. Tumayo ang isang lalaki sa likuran kaya naagaw niya ang atensyon ko, akala ko ay aalis siya pero hindi iyon ang nangyari. “Maldita kasi ‘yang si Arisa, palibahasa tiga-ibang bansa, kaya napakataas ng tingin niya sa sarili niya. Matagal na kaming nakokonsensya sa mga ginagawa namin sa ‘yo, kaya ako na ‘tong magmamagandang loob na manghingi ng tawad sa ‘yo, Ellyza,” sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko, maya-maya lang ay bigla na rin siyang yumuko. “Sorry sa lahat ng pangbu-bully na nagawa namin sa ‘yo, sana hindi ka masyadong nasaktan sa mga oras na iyon at sana hindi ka magtanim ng galit sa amin,” aniya tsaka siya tumingala. Sinusubukan kong alalahanin kung ano ang pangalan niya pero kahit na anong pilit ko sa utak ko ay hindi ko talaga maisip kung sino ba siya. Hindi ko naman siya pwedeng tanungin dahil nakakahiya iyon, ilang buwan na kaming magkakasama tapos baka pagtawanan pa talaga nila ako pag nalaman nilang hindi ko sila kilala. “Seryoso ako, kahit itanong mo pa sa lahat dito, na si Arisa lang ang pasimuno sa lahat ng nagaganap na pang-aapi sa buhay mo sa classroom na ‘to. Alam mo ba? Kung hindi ka nga sana pumalag ngayon eh ikaw pa ang pagbibintangan niya, na kesyo sinira mo ang bintilador ng kwarto natin, sinadya niya kasing hindi iyan buksan para mamaya pagdating ng teacher natin eh masumbong ka niya. Syempre, mataas ang posisyon niya rito sa school, kaya kahit na anong sabihin niya ay maniniwala agad ang mga teacher natin. Alam mo na, nasa matataas na posisyon ang siyang may kapangyarihan,” mahabang wika pa niya bago siya nakapagpasya na umupo na muli sa kanyang upuan. Napahakbang ang babaeng nasa harapan ko na tinawag nung lalaki bilang Arisa. Ginantihan niya ako ng sama ng tingin, pinaikot pa niya ang kanyang mga mata para magmukhang mataray tsaka niya ikinunot ang kanyang noo. Hinawi niya ang kanyang buhok bago siya tumalikod sa akin na padabog-dabog pang naglalakad pabalik sa kanyang pwesto. Wala siyang ibang nagawa kundi ang iwanan ako roon, siguro ay totoo nga ang lahat ng sinabi ng lalaki na iyon kaya hindi rin niya magawang itanggi. Dahil alam niya sa sarili niya ang lahat ng mga nagawa niyang kasalanan sa akin at sa oras na magsinungaling siya ay sa akin na kakampi ang mga kaklase namin. “Nice one Ellyza! Ganyan dapat, hindi ka dapat nananahimik sa mga umaapi sa ‘yo para hindi sila namimihasa,” payo sa akin ng katabi ko sa aking pwesto. Bunalik na ako sa aking upuan tsaka ako umayos ng aking pagkakaupo. Nakahinga na rin ako ng maluwag pero hindi pa rin tumitigil ang bilis ng t***k ng puso ko, hindi maproseso ng utak ko ang nangyari ngayon. “I-on niyo na ‘yang bintilador, ang init,” utos pa niya at agad namang sumunod ang mga nasa malapit sa switch at nagsimula na ngang umandar ang bintilador sa kisame. Napansin siguro niya ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga pawis ko mula sa aking noo. Nilingon ko siya tsaka ako nagpasalamat. “Thank you…” bitin na sabi ko dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang itatawag ko sa kanya, naiintindihan naman na niya siguro ang nais kong iparating, dalawang salita lang naman iyon at iisa lang ang ibig sabihin. Bigla na lang niyang hinampas ang balikat ko, hindi niya kasi maabot ang likod ko kaya hanggang dun lang siya. “Ano ka ba? Hindi mo ba ako kilala?” natatawang tanong niya sa akin, hindi naman masama ang loob niya. Nag-aalangan pa akong umiling pero dali-dali ko rin ginalaw ang ulo ko bilang tugon sa kanya. “Para ka namang transferee kung kumilos. I’m Reona Seffine, magkasing-edad lang yata tayo, hindi ko sigurado kasi hindi ka naman masyadong nagsasalita kapag nasa klase ka. Pwede ba tayong maging magkaibigan o gusto mo munang maging kaklase lang ako?” pagpapakilala niya sa kanyang sarili. Sobra-sobra na para sa akin ang lahat ng nangyayari ngayon. Ako, si Ellyza Clementine, magkakaroon na ng kaibigan sa school na ‘to? Ma, Pa... Mukhang magandang desisyon ang nagawa ko sa araw na ito at mukhang hinding-hindi ko ito pagsisisihan balang araw. Sana pala eh dati ko pa naisipang pumalag sa kung sino man ang mang-aapi sa akin, para sana ngayon eh marami na ako naging kaibigan. Pero hindi na rin siguro masama ito, kahit na paunti-unti lang muna, mahirap pa rin naman magtiwala na lang basta-basta kahit pa medyo umayos na ang sitwasyon ko. Unang araw pa lang ito pero hakbang na ito tungo sa pagbabago ng takbo ng aking buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD