40

1090 Words
ELLYZA Mas pinili kong tumabi na lang kay Jeremiah habang si Reona na lang ang pinauna namin sa paglalakad. Alam naman din kasi niya ang daan pabalik sa parking lot kaya hindi na magiging problema pa kung sakaling magdesisyon si Jeremiah bigla na kailangan na niyang mauna umuwi kaysa sa amin. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi niya kami dinadala sa daan papunta ng escalator, parang ang layo ng direksyong tinatahak ni Reona pero hindi ko na lang siya tinanong, kasi baka mayroon pa siyang gustong puntahan na hindi lang niya sinasabi sa amin. Nag-aalala siguro siya sa oras dahil kaunting minuto na lang bago dumating ang oras na kung kailan kami inaasahan ng aking mga magulang na matagpuan sa parking lot. Ngunit, hindi naman kami parehas ng takbo ng utak ni Jeremiah kaya bahagya siyang naglakad ng mabilis para mahabol si Reona tsaka niya hinatak ang braso nito mula sa likod, hindi naman malakas ang pwersa niyon para hindi niya masaktan ang kaibigan ko. “Reona, saan ka pupunta? ‘Di ba kailangan niyo na umuwi?” nagtatakang tanong ni Jeremiah sa babae. “Huh? Papunta na nga tayo sa parking lot, gusto ko lang sa elevator tayo sumakay since mataas naman din ‘tong floor na ‘to, para na rin ma-experience ni Ellyza ang makasakay sa elevator na kasama tayong dalawa,” sinserong sagot ni Reona sa tanong ni Jeremiah, at maski ako ay nalinawan na rin kung saan ba siya papunta. Hindi na kami nagsalita pa kaya nagpatuloy na lang kaming tatlo sa paglalakad papunta sa elevator at kahit pa malayo pa iyon ay natatanaw ko na agad iyon. Nang marating na namin ang elevator ay wala pa masyadong tao kaya mabuti na lang ay medyo nagmadali rin kami sa aming paglalakad. May pinindot si Reona na button sa gilid na hindi ko alam kung para saan at halos isang minuto rin ang nakalipas bago bumukas ang pinto niyon. Lumabas mula sa elevator ang ilang mga tao at binigyan naman namin sila ng daan para kami naman ang makapasok sa elevator. Sinundan lang namin si Reona at dahil tatlo lang naman kami sa loob ay malaki pa ang space. Muli ay mayroon siyang pinindot na mga buttons sa gilid hanggang sa sumara na ang elevator door, wala naman nang humabol pa para makasingit sa amin. Nilibot ko ang aking paningin at namangha ako kasi transparent siya, nakikita ko ang mga tao mula rito at para bang mga langgam sila na nagkukumpulan sa iisang lugar patungo sa panibagong destinasyon. Idinikit ko ang mga palad ko sa gilid at halos pati ang mukha ko ay idikit ko na rin doon para lang mas mapagmasdan ko pa ang mga natatanaw ko ng mabuti. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaranas na makasakay sa elevator dahil madalas ay puro lang kami escalator, wala kasing tiwala sina mama at papa sa elevator, ang iniisip kasi nila ay mai-i-stuck kami sa loob hanggang sa tuluyan na kaming hindi makalabas doon at hindi na muling mailigtas pa. “Yzza,” rinig kong tawag sa akin ni Jeremiah kasabay ng pagbukas ng pinto. Dumarami na ang tao sa loob kaya bago pa man ako makalingon kay Jeremiah ay naramdaman ko na lang ang pagkapit niya sa aking braso para hilahin niya ako palapit sa kanya. “Huwag kang masyadong matulala riyan. Hindi mo ba alam na kada floor na binababaan natin eh mayroong papasok sa elevator na mga tao?” tanong niya sa akin at agad naman akong umiling, dahil sa katotohanan ay hindi ko talaga alam ang patungkol sa bagay na iyon. Ang akala ko ay kaming tatlo lang ang pwedeng maging sakay ng elevator na ‘to mula sa itaas hanggang sa marating na namin ang pinakaunang palapag, o kung saan man pinili ni Reona na bumaba kami. “Mukhang hindi kita pwedeng iwanan mag-isa sa elevator, Yzza. Kahit na maganda ang tanawin dito, kailangan mo pa rin mag-ingat. Hindi mo alam kung gaano kapanganib na ang mundo ngayon at kahit pa nasa loob ka lang ng elevator ay hindi mo pa rin matitiyak kung lahat ba ng makakasama mo sa loob ay walang masamang intensyon sa ‘yo. Lalo na’t babae ka pa naman at pati na rin ang kasama mo,” bilin niya sa akin. Saktong pagkatapos naman niyang magsalita ay mayroong tumunog na parang buzzer na nagsasabing narating na namin ang first floor. Inaya na kami ni Reona na lumabas at hindi ko naman inaasahang hahawakan ni Jeremiah ang aking kamay habang ang isang kamay ko naman ay okupado pa rin dahil sa mga bulaklak na binigay niya sa akin at pati na rin ang para kina mama at papa. “A-Anong ginagawa mo?” nahihiyang tanong ko sa kanya. Umalis na muna kami sa loob ng elevator kasi nakakaharang kami sa mga taong gustong lumabas o pumasok doon. Kahit pa nahihiya ako sa ginawang paghawak ni Jeremiah sa kamay ko ay hindi ko naman inalis iyon at mas lalo ko pang dinama ang nanlalamig niyang mga kamay na tila ba’y naghahanap ng mahahawakang mainit at ako nga ang nagbibigay niyon. Subalit, pagkalipas lang ng ilang minuto ay binitawan na rin niya ang kamay ko tsaka siya tumawa. “Gusto mo naman eh,” biro ni Jeremiah sa akin kaya marahan ko siyang hinampas sa kanyang balikat. “H-Hindi ‘no! B-Bakit ko naman gugustuhin ‘yun…” pagsisinungaling ko. “Hay naku, gusto niyo bang maiwan talaga? Hindi niyo ba nakitang ang layo na ng narating ko, tapos kayo rito eh naghaharutan pa rin?” panenermon sa amin ni Reona mula sa unahan, nilapitan pa niya kami para lang sabihin iyon kahit pa halos naroon na nga siya sa exit. “Tara na, baka nandoon na sina Tita at Tito. Gusto ko na rin makita kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila tayong may kasamang lalaki, and worse, katabi mo pa Ellyza,” nakangising saad niya na para bang mas lalo lang niya ako tinatakot at tinitingnan din niya kung aatras ba ako at pipiliin kong pauwiin na lang si Jeremiah. Hindi naman ako nagpatinag sa kanya. Mas gusto kong makilala ng mga magulang ko si Jeremiah, matanggap man nila siya o hindi. Para mas maging malaki ang aming tyansa na muling magkatagpo at magkasama, at higit sa lahat ay magkausap ng mas marami pang araw hanggang sa umabot pa ng taon. Jeremiah is a precious gem of mine that I would never choose to let go.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD