39

1136 Words
ELLYZA Magdadalawang isip pa ba ako kung dapat kong tanggapin ang bouquet of sunflower na binili ni Jeremiah para sa akin? Syempre, aba hindi na! Agad kong kinuha iyon mula sa kanya at hindi ko na maitago ang labis na tuwa ko, na kulang na lang ay tumalon-talon na ako dahil sa sobrang pagkatuwa. Napaka-fresh pa ng mga iyon at halatang bagong-bago lang, ang ayos din ng pagkakatali niya at talagang hindi iyon masisira sa isang maling hawak lang. Tumingin ako sa lalaking nagbigay sa akin nito, kung matagal ko na sana siyang kilala ay walang pag-aalinlangan ko na sana siyang tinalon upang yakapin para lang makapagpasalamat, kaso hindi eh. Kaya binigyan ko na lang siya ng isang sobrang lapad na ngiti habang nakaharap din sa kanya ang mga bulaklak na hawak ko. “Thank you rito, Gem! Paborito ko pa naman ang mga ‘to… Grabe, nag-abala ka pang bumili para sa akin,” sambit ko tsaka ako humakbang palapit sa kanya para mas marinig namin ang isa’t isa. “Actually…” bitin niyang sabi kasabay ng pagkamot niya sa kanyang batok. “Para kasi talaga ‘yan sa Mama ko,” aniya na siyang nakapagpaawang sa aking labi. Agad kong ibinalik sa kanya ang mga bulaklak pero sa halip na tanggapin niya iyon ay tinawanan lang niya ako. “Para ‘yan sa future na magiging Mama ng mga anak natin, Ellyza,” natatawang sambit niya sa akin. Isa lamang palang biro ang nauna niyang sinabi, masyado kong sineryoso kasi malay ko ba kung para talaga iyon sa akin. Ako lang naman ‘tong nangunang kumuha sa kanya niyon dahil sinabi niya rin na para iyon sa future girl niya, at ayaw ko man aminin sa sarili ko ay mataas ang tingin ko sa aking sarili na ako ang tinutukoy niyang future girl. “Kasabwat mo ba si Reona?” usisa ko sa kanya sa paniniwalang hindi naman ako sasagutin ng tapat ni Reona patungkol sa bagay na ito. Sinagot niya ako sa pamamagitan ng isang maikling pagtango kaya napasulyap ako kay Reona na nasa likuran ko. Naka-peace sign na agad siya sa akin habang nakalabas din ang kaunting parte ng kanyang dila na para bang nanghihingi siya ng tawad. Hindi naman malaking kasalanan sa akin ang ganitong klaseng bagay kaya tumawa na lang ako sa kanya at tsaka ako tumabi kay Reona. “Ano ba kayong dalawa? Pwede niyo naman ako bilhan ng bulaklak kahit kasama niyo pa ako para makapasyal din ako kasama si Gem. Pero ayos na rin ‘to, nabawi naman ang ilang minutong pagkakahiwalay ko sa kanya,” masiglang sambit ko tsaka ako tumalikod, ngunit, agad din akong bumalik nang mayroon akong maalala. “Sina Mama pala, bilhan ko rin sila ng bulaklak kahit ilang piraso lang. Baka mainggit sa akin at magtanong-tanong pa kung kanino ‘to galing,” sabi ko at narinig naman iyon nilang dalawa kaya sinamahan na nila ako sa aking pamimili. Kung ano na lang ang pinakamalapit ay iyon na lang ang dinampot ko, maganda naman din iyon kaya medyo may pagkamahal ang presyo pero balewala naman iyon sa akin kasi binigyan din naman ako nina mama at papa ng panggastos sa kahit anong bilhin ko. Dumiretso na kami sa cashier at inabot ko na ang mga bulaklak na iyon, inayos naman nila iyon sa isang lalagyan nang sabihin kong para iyon sa aking mga magulang. Pagkatapos kong magbayad ay tsaka ko sila inaya na lumabas na sa garden. “Saan na tayo sunod na pupunta?” tanong sa akin ni Reona, hindi ko siya agad nasagot dahil mayroon din tinanong si Jeremiah na mas napagtuunan ko ng pansin. “Ayaw mo bang malaman ng mga magulang mo na mayroon kayong nakasamang lalaki habang naglilibot sa mall?” tanong naman ni Jeremiah sa akin, napansin ko ang bahagyang pagkatamlay sa kanyang boses kaya medyo nakaramdam din ako ng pagsisisi nang marinig ko ang tanong niyang iyon. “Ako kasi, wala namang problema sa akin kung hindi mo pa ako kayang ipakilala sa mga magulang mo kasi hindi pa naman din kita opisyal na nililigawan dahil hindi ko pa nahihingi ang permiso mo. Pero, ‘yung tipong ang mismong existence ko sa mga oras na magkasama tayong tatlo, tapos hindi mo iyon sasabihin sa kanila? Parang ang sakit naman niyon sa parte ko, na para bang balewala lang ako. Na parang ipaparating mo sa kanila na si Reona ang bumili ng mga sunflowers na binili ko para sa ‘yo,” mahabang paliwanag niya sa kanyang side. “May punto nga naman si Jeremiah,” pagsang-ayon naman ni Reona mula sa tabi. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin o gawin. “Ano kasi… magagalit silang dalawa, lalo na si Papa kapag nalaman nilang may lalaking nagbigay nito sa akin, tapos dito ko lang din sa mall nakilala sa araw na ‘to. Sinabihan din kasi kami kanina na huwag makikipag-usap sa kahit na sino lalo na kung hindi naman namin kilala…” matamlay kong pahayag. Halos mabitawan ko na rin ang mga bulaklak na bigay niya sa akin, mabuti na lang ay nagawa ko pa rin iyon kapitan ng matindi. “Pero hayaan mo na. Hindi naman magiging masaya ang araw namin ni Reona at lalo na ang araw ko kundi mo kami pinansin, sinagot at sinamahan mismo sa arcade at hanggang ngayon. Kaya lalakasan ko na lang din ang loob ko para sabihin sa mga magulang ko ang totoo, nangako na rin kasi ako sa kanilang walang-wala na akong itatago pa na kahit ano sa kanila, tsaka isa pa, maiintindihan din naman siguro nila ang sitwasyon natin,” saad ko tsaka ako muling ngumiti upang gumaan na rin ang pakiramdam ni Jeremiah, ayaw kong maging rason ng kanyang kalungkutan at hindi ko matatanggap iyon kung sakaling mapalungkot ko siya ng tuluyan pagkatapos niyang pasiyahin ang araw namin. “Gusto mo bang ako na lang ang magpaliwanag kina Tita at Tito, Ellyza?” pagboboluntaryo ni Reona na agad ko rin naman tinanggihan sa pamamagitan ng pag-iling ko ng dalawang beses. “Hindi naman na kailangan, ako na ang bahala,” sagot ko kay Reona tsaka ako tumingin kay Jeremiah. “Gem, kaya mo pa bang sumama sa amin hanggang sa parking lot? Ipapakilala lang kita sa mga magulang ko.” Napansin ko ang bahagyang pagkalunok ni Jeremiah na marahil ay dulot ng kaba. Kahit naman sino ay kakabahan kung bigla na lang silang aayain na makipagkilala sa magulang ng isang tao. Lalo pa ngayong wala pa siyang oras para makapaghanda man lang at magmukhang presentable. Pero, mas okay na rin siguro ‘to, na normal lang ang kanyang pananamit at hindi na ‘yung maporma pa katulad ng ibang mga lalaking nakakasalamuha ko sa daan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD