38

1177 Words
ELLYZA Sa lahat ng mga garden na napuntahan namin nina mama at papa ay ito pa lang siguro ang siyang maganda sa kanilang lahat. Napakagaan sa pakiramdam na para bang kahit ilang oras ako maiwan dito ay walang problema, ang sarap lang pagmasdan ‘yung mga halaaman at lalo na ‘yung mga makukulay na bulaklak sa paligid. Para bang lumulutang ako, mabuti na lang ay nagagawa ko pa rin huwag humiwalay kina Reona at Jeremiah dahil baka kung saan-saan ako makarating kapag hinayaan ko ang sarili ko na gumalaw mag-isa. “Ganda talaga,” bulong ko sa aking sarili at hindi ko naman inaasahang maririnig ako ni Jeremiah, napalingon kasi siya sa akin kahit pa marami namang tao ang nag-iingay sa tabi namin. Siguro ay talagang parati lang siyang nakatingin sa akin at nag-oobserba sa bawat kilos at lalabas sa aking bibig. “Sorry, ayaw niyo ba pumunta sa ganitong klase ng lugar?” nahihiyang tanong ko sa kanila at sa puntong ito ay maski si Reona ay napatingin na rin sa akin. “Hindi naman sa ganun, wala lang sa isip ko na maiisip mong pumunta rito. Akala ko kasi ay puro mga arcade o mga mapagkakainan ang gugustuhin mong mapuntahan,” diretsong sagot sa akin ni Reona tsaka niya hinawakan ang aking braso. “Tara? Libutin natin ‘tong garden, mukhang may gusto rin akong bilhin dito,” pag-aaya niya sa akin tsaka siya nag-umpisang maglakad kaya nakaladkad na niya ako papunta sa kung saan man siya pumupunta. “T-Teka lang Reona,” pagpipigil ko sa kanya kaya huminto siya sa kayang paglalakad. “Si Gem… Iiwanan mo ba si Gem mag-isa?” usisa ko sa kaibigan ko kasi hangga’t maaari ay ayaw ko pa naman mahiwalay sa kanya, hindi pa naman kami nakakapunta sa parking area kaya hindi pa naman kami uuwi. Sumulyap si Reona sa lalaking nasa likuran namin na hindi naman gumalaw sa kanyang kinatatayuan. Nang tumingin ako sa kanilang dalawa ay nahuli ko si Reona na kumindat kay Jeremiah habang si Jeremiah naman ay tumango lang kay Reona. “Hayaan mo siya, hindi naman tayo iiwan niyan nang hindi pa niya nasisigurong nakakauwi na tayo,” aniya. Tama naman siya dahil iyon din naman ang sinabi ni Jeremiah sa amin kanina, na kahit ano ang mangyari ay hindi niya muna kami lulubayan hangga’t hindi pa nga kami tuluyang nakakaalis sa mall na ito. “Tara na,” muling pag-aaya niya sa akin, pinabayaan ko na lang kung anuman ang ibig sabihin ng kindat na iyon ni Reona dahil sa tingin ko ay hindi naman niya ako aagawan ng lalaki. Teka, anong aagawan ng lalaki ang pinagsasabi mo riyan, Ellyza Clementine? Sunod-sunod na pag-iling na lang ang nagawa ko dahil sa aking naiisip Hindi naman na ako nagmatigas pa, sumunod na ako kay Reona sa kung saan man niya ako dalhin. Nilibot ko ang paningin ko nang makalayo na kami at katulad nga ng inaasahan ko ay hindi ko na nakita pa si Jeremiah mula sa aming distansyang ‘to. “Reona, ano ba ‘yung sinasabi mong gusto mong bilhin?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Kumuha ako ng isang nalagas na petal na nakalagay sa shelf tsaka ko iyon kiniskis sa ang mga daliri, napakalambot niyon at kahit pa gustuhin kong amuyin iyon ay hindi ko na ginawa, sa kadahilanang nahihiya akong makita ni Reona na ginagawa iyon kung pwede namang ang buong bulaklak na lang ang amuyin ko. “A-Ah, h-hindi ko pa alam eh, hindi ko mahanap ‘yung gusto kong bilhin. Hindi ko kasi alam kung ano ang tawag dun, nakikita ko lang din kasi ‘yun sa garden namn at mukhang kailangan na namin mapalitan iyon, kaya habang narito naman na rin ako ay ako na lang muna ang bibili,” tugon niya sa akin. Ewan ko ba kung bakit parang hindi naman iyon ang tunay niyang dahilan, kasi tila ba’y nautal siya sa nauna niyang sinabi. Feeling ko eh mayroon siyang tinatago sa akin at hindi ko naman magawang tanungin dahil nirerespeto ko naman din siya at baka kailangan din niya ng privacy. Ilang minuto lang kaming nag-ikot dahil hindi naman din mahirap maglibot, kaunti lang naman ang mga tao rito, sadyang malalakas lang ang kani-kanilang boses kapag nag-uusap sila na akala mo ay napakalayo nila at kulang na lang ay magsigawan sila. Ang ending naman eh walang nabili si Reona at ang sinabi na lang niya sa akin ay hindi niya mahanap ang kung anuman iyon. Kahit naman tanungin ko siya kung ano ba iyon ay hindi niya magawang sabihin kasi kesyo hindi raw niya alam kung ano ang tawag doon, kapag naman tinatanong ko siya kung ano ang itsura niyon, para kahit description lang ay matulungan ko siyang maghanap kasi marami-rami naman akong alam tungkol sa mga ganitong bagay na may kinalaman sa garden, kaso nga lang kahit pagde-describe ay hindi niya magawa. Naisip ko na lang na wala talaga siyang gustong bilhin at pilit lang niya akong nilalayo kay Jeremiah para siguro hindi niya maramdaman ang pagiging third wheel at para na rin kaming dalawa lang ang magkasama. Kung mayroon naman din sigurong pang-apat na tao na kasama namin ay hindi naman niya kailangan gawin ito, tsaka wala naman akong pipiliin sa kanilang dalawa kung sino ba ang mas gusto kong kasama. Kasi, parehas naman silang gusto kong nasa tabi ko at sabay kaming maglibot kahit pa sa buong mall na ‘to. “Reona, nasaan na si Gem? Sabi sa ‘yo mahihiwalay tayo sa kanya eh,” sabi ko habang palingon-lingon ako sa aming paligid para matagpuan ang lalaking hinahanap ko. Hindi sumasagot sa akin si Reona at nagkukunwaring mayroon siyang pinagkakaabalahan kahit pa wala naman talaga, sadyang hindi lang niya ako kinikibo na para bang mayroon talaga siyang hindi gusto sabihin sa akin. “Reona, ano ba? Kanina ka pa hindi nagsasalita riyan ah. Nalulungkot ka ba dahil hindi mo nabili ‘yung gusto mong bilhin?” magkasunod na tanong ko tsaka ko siya hinawakan sa kanyang magkabilang balikat para mapaharap siya sa akin. “Sabi ko naman kasi sa ‘yo, i-describe mo ‘yung hinahanap mo para mabili na natin eh,” ani ko kasabay ng aking pagbuntong-hininga. Walang bakas ng pagsisisi sa kanyang mukha at kabaliktaran pa nga ang nangyari. Napakalawak ng kanyang ngiti habang sa sa bandang likod ko siya nakatingin, nagsimula na rin siyang ngumuso-nguso na para bang mayroon siyang tinuturo sa akin. Kaya, dahil sa labis na pagtataka ko ay lumingon na ako sa aking likuran. Napatakip na agad ako sa aking bibig dahil sa kahihiyan nang makita ko si Jeremiah na papalapit sa akin habang mayroon siyang dala-dalang isang bouquet ng sunflower. Hindi ko mabilang kung ilang piraso iyon basta sama-sama ang mga bulaklak doon. “Flowers for my future girl,” sambit ni Jeremiah gamit ang napakaganda niyang boses at tuluyan na nga akong nakalapit sa kanya, kaya heto kami ngayon, magkaharap sa isa’t isa at nakatitig sa aming mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD