ELLYZA
Hindi naman gaanong malayo ang aming tinakbo kaya hindi rin ako masyadong napagod. Akala ko eh tatakbo kami ng sobrang layo tapos hihingal-hingalin pa kaming tatlo. Hindi naman na kailangan pang sumakay pa sa kahit anong sasakyan, motor man o tricycle, dahil nga ilang kanto lang ang layo ng bahay nila Reona mula sa aming bahay. Ngayon ko lang natuklasan kung saan siya nakatira kahit pa matagal na kaming magkaklase, sadyang hindi lang kami nagkakausap dahil sa nagaganap na pangbu-bully sa akin sa school. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng bahay at mukhang nasa kani-kanilang kwarto pa ang mga tao rito dahil walang sumalubong sa amin. Mas malaki ang bahay nila kumpara sa amin at mukhang isa itong mansion. Siguro naman ay hindi nagsisinungaling si Reona nung sinabi niya sa amin na mayroon silang guests room na sasapat sa maraming bilang ng mga bisita nila. “May nakahanda ka na bang mga reviewer, Reona?” usisa ko sa kanya. Wala kasi akong dala-dala na kahit anong makakatulong sa amin para sa aming pag-aaral kaya medyo nakaramdam ako ng kahihiyan. Like, pumunta ako rito para mag-aral sa nalalapit na exam tapos ako pa itong naturingan na mayroong highest grade sa aming paaralan, tapos hindi naman ako nakahanda para sa pagre-review.
“Marami naman akong lecture notes sa mga notebook ko, pero hindi ko alam kung makakatulong ba ‘yun sa atin kasi hindi naman ako ganun katalino,” sagot ni Reona sa akin kasabay ng pagkamot niya sa kanyang batok. "Baka nga pagtawanan mo pa 'yung mga activities na nakasulat sa notebook ko kasi walang perfect. Hindi kagaya mo, lahat ng pinapasagutan perfect ang score mo," dugtong pa niya sa kanyang naunang sagot tsaka siya umiwas ng tingin sa akin. "Sasabihin ko lang sa 'yo 'to, Ellyza, dahil alam kong hindi ako nag-iisang nakakaramdam nito," bulong niya, dahan-dahan siyang lumapit sa akin tsaka siya kumapit sa aking manggas. “Hindi ko alam kung gaano kataas, pero ang laki ng pagka-inggit ko sa ‘yo. Sa pagiging matalino mo lang naman ako naiingit at sigurado akong pati rin ‘yung iba, kaya nga may napapansin ka rin sigurong nakikipagkompitensya sa ‘yo ng ‘di mo alam eh. Pero hindi naman dahil naiinggit ako sa ‘yo eh gagawa na ako ng paraan para malamangan ka. Gusto ko lang matuto kung ano ba ang ginagawa mo para maabot ‘yung tipong kahit anong itanong sa ‘yo ay nasasagutan mo,” mahabang sambit niya bago niya ako binitawan.
I gave out an awkward smile before I shrugged my shoulders. “Sorry Reona, pero mukhang I was just born with this brain na eh. Like, kahit wala naman akong gawin o aralin masyado eh hindi naman mahahatak ang grades ko nun pababa. Unless na lang kung talagang sa ibang bagay na ako magfo-focus at hindi na sa pag-aaral,” tugon ko sa kanya kahit pa wala naman siyang hinihinging kahit anong klaseng advice pa mula sa akin. Siguro ay oobserbahan lang niya ako mamaya kapag nagre-review na kami at baka mayroon siyang makitang ideya kung ano nga ba ang ginagawa kong style ng pag-aaral. “Tara na, naghihintay si Gem sa atin, nakakahiya naman,” ani ko. Sinundan ko na lang si Reona kung saan siya pupunta at tinabihan naman ako ni Jeremiah sa aming paglalakad hanggang sa makaayat na kami sa second floor kung saan naroon din ang kwarto ni Reona. “Ang laki talaga ng bahay niyo ‘no?” komento ko habang nililibot ko ang aking paningin sa paligid. Halos puro pangbata lang ang disenyo sa kanyang kwarto at talagang pangbabae, katulad ko. Mayroon kasi akong napapanood dati na babaeng-babae kung kumilos at tingnan pero ‘yung kwarto naman eh puro pangkalalakihan ang mga gamit. Alam ko namang normal lang ‘yung mga ganoong klaseng tao, pero hindi ko lang mawari kung bakit kailangan pa paabutin sa kwarto.
Sabagay, mayroon naman tayong sari-sariling buhay.
Nilagpasan ako ni Jeremiah at akala ko ay hihiga siya sa kama ni Reona at magpapatalbog-talbog sa ibabaw niyon, pero hindi pala. Kumuha lang siya ng isang mahabang lamesa sa gilid ng silid tsaka niya iyon inilapag sa gitna ng kwarto ni Reona. Wala man upuan ay pwede naman kaming umupo na lang sa lapag, hindi naman siguro maarte si Jeremiah at lalo naman si Reona dahil bahay naman niya ito. Ako naman kasi ay ‘yung tipo ng babae na walang arte sa katawan, pero hindi pa rin ako mahilig sa mga rockstar, ganoon. Ngunit, ‘yung mga ibang hilig naman ng mga kalalakihan ‘tulad ng basketball at iba pang sports, gustong-gusto ko ‘yun kahit pa hindi ako marunong sa sarili ko. Hindi naman binawal ni Reona si Jeremiah na kumuha na lang basta ng lamesang ‘yon dahil kailangan din naman namin gumamit nun, para hindi kami mangalay sa aming pagyuko.
Napatingala ako sa pader at nakita ko ang isang mahabang flat screen T.V. “Buti ka pa may libangan sa kwarto mo,” bulong ko. Napasulyap sa akin sina Reona kaya agad kong ipinaliwanag kung bakit ko iyon nasabi, sa sariling isip ko lang kasi iyon sinabi, hindi ko lang namalayan na lumabas na pala iyon mismo sa aking bibig. Mayroon pa siyang kinukuha sa bag niya at pati sa mga shelves ay mayroon siyang kinakalikot. “Ah, ‘yung kwarto ko kasi sa bahay namin, ‘yung pinanggalingan natin… Wala kaming T.V sa sari-sariling kwarto namin. Hindi sa nagpapaawa ako na bigyan mo ako ng T.V ah, ang sinasabi ko lang, isa lang ang T.V namin at nasa sala lang iyon. Ewan ko kung sadya ni Mama at Papa ‘yun para sabay-sabay lang kami lagi manonood, pero okay naman din,” sabi ko tsaka ako umupo sa kabilang side ng lamesa kung saan ay katapat ko si Jeremiah.
Umupo naman na rin si Reonasa tapat ng gilid na parte ng lamesa tsaka niya inilapat ang lahat ng kanyang mga libro at notebook sa mesa, pagkatapos niyang marinig ang aking sinabi. “Let us now start!” pagdedeklara ni Reona tsaka niya hinampas ang lamesa na siyang nakapagpagulat sa akin. Agad din akong nagseryoso at sabay-sabay naman namin binuklat ang bawat libro at notebook na naroon.