ELLYZA Nang makapag-isip ako ng plano ay agad kong tinawag si Toph bago pa man siya makabalik sa kanyang tamang pwesto sa classroom at habang wala pa naman ang aming guro. “Toph, may gagawin ka ba mamayang break time natin?” tanong ko sa kanya. Binigyan ko siya ng kaunting minuto para makapag-isip kung mayroon ba siyang kailangang gawin o tapusin at nang umiling na siya ay tsaka ako nagpatuloy magsalita. “Pwede ka bang sumama sa amin ni Reona sa canteen? May gusto lang sana akong itanong sa inyong dalawa at sa tingin ko ay kayo ang makakatulong sa akin sa ngayon,” pag-aaya ko sa kanya. Tumango si Toph tsaka niya ipinakita ang biceps niya. “Tulong ba kamo? Sino ba nang-aaway sa ‘yo? Ituro mo lang at ako na ang gugulpi para sa ‘yo,” pagbibiro ni Toph at maya-maya lang ay ngumiti na siya sa

