ELLYZA
Tila ba’y napakalapit na talaga ng loob ko para kay Gem kahit pa ilang minuto pa lang kaming nagkakasama, pero kahit na ganun pa man, hindi ko pa rin maiwasan na hindi mahiya sa kanya. Sobra kasi siya kung mag-ingat sa akin, lahat ng mga dumaraan sa tabi namin ay sinisiguro niyang hindi ako mababangga, marami kasi 'yung mga tipo ng tao na kapag sobrang excited ay hindi na ma-control pa ang sarili. Hinahayaan na lang niya ang sarili niya na siya na lang ang mabangga sa tuwing ganoon ang nagaganap. Kasalukuyan na kaming naghihintay na matapos ang set na nasa harapan namin na siyang naglalaro ng basketball. Ano ba dapat ang itawag dito, shoot the ball? Hindi kasi siya 'yung literal na basketball na kaya mong gumalaw kung saan-saan. Eto kasi 'yung nag-aabang ka lang na dumami 'yung bola na nasa harapan mo tapos kailangan mo lang siyang i-shoot sa ring para makapuntos ka. Biglang may sumagi sa aking isipan habang ako ay nanonood sa mga lalaki sa harapan namin na todo pakitang gilas, palibhasa ay maraminh nakatingin na mga kababaihan sa kanilang paligid. Ang hindi lang nila alam eh mga pare-parehas lang naman kaming nag-aabang, hindi naman kami narito para panoorin sila mismo o kung ano pa man na may kinalaman sa kanila. So ayun na nga, habang hindi pa naman sila natatapos sa kanilang turn ay sinulyapan ko ang lalaki na nasa kaliwa ko, si Reona kasi ang nasa kanan. "Gem," malakas na tawag ko sa kanya, napakaingay kasi sa aming paligid, baka hindi niya ako marinig kung hihinaan ko pa ang boses ko. Nilingon agad ako ni Jeremiah tsaka niya ako nginitian at binigyan ng isang nagtatanong na mga mata. "Marunong ka bang mag basketball?" interesadong usisa ko sa kanya. Sa katotohanan kasi, mahilig na mahilig ako sa mga lalaki na magaling maglaro ng kahit anong klaseng sports, additional points kaagad sa akin kapag ganoon.
"Syempre naman, sino ba naman ang hindi marunong mag basketball?" tugon ni Jeremiah, bigla na lang siyang naging hyped.
Natuwa naman ako pero in the same time, agad din akong nalungkot sa huli niyang sinabi. "Ah…" umiwas ako ng tingin sa kanya at nagkunwari na lang na busy sa panonood ng mga nasa harapan namin. Subalit, ang bilis na napansin ni Jeremiah ang pag-iiwas ko na iyon. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay bigla na lang niya pinisil ang pisngi ko, hindi naman niya iyon masyadong diniriinan kaso hinihila-hila niya iyon na akala mo naman eh stretchable ang pisngi ko. "A-Ano b-ba, Gem?" Binitawan na niya ang pisngi ko at pagkatapos niyang gawin iyon ay pinaulanan naman niya ako ng sandamakmak na halakhak. Nag-init ang ulo ko kaya napakunot ang noo ko kaya sigurado akong sa mga oras na 'to ay nakatingin na ako ng masama sa kanya. "Anong sa tingin mo ang ginagawa mo sa pisngi ko? Anong tingin mo sa akin, favorite plushie mo?" naiiritang tanong ko sa kanya habang nakakuyom ang magkabila kong kamao, na nakahanda nang kahit anumang oras ngayon para tumama sa gitna ng kanyang mukha.
"Hindi ka marunong mag basketball 'no?" natatawang usisa niya sa akin.
Naglaho ang kunot sa noo ko at naramdaman ko na naman ang matinding init sa aking buong mukha kaya agad kong inilihis ang ulo ko sa kanya. Tinuro ko na lang ang lalaki sa harapan ko. "Turn na natin," mahinang saad ko, bahala siya sa buhay niya kung marinig man niya 'yun o hindi. Lumingon naman ako sa kaibigan ko sa aking kanan at sinabing, "Tara na Reona, iwan na natin ang isang 'to," pagmamadali ko sa kanya, hinawakan ko ang kanyang braso tsaka ko siya hinila palayo hanggang sa marating na nga namin ang mismong tapat nung shoot the ball. Napalunok naman ako sa dami ng bolang nasa harapan ko, binilang ko pa iyon isa-isa at tsaka ko lang napagtanto na halos dose piraso ang naroroon. Akala ko ay iiwanan na kami ni Jeremiah kagaya ng pag-iiwan namin sa kanya, pero nagulat na lang ako nang makita ko na lang siya sa gilid ng aking mga mata na nakatitig sa akin. Damang-dama ko ang mga bulaklak sa kanyang aura na para bang wala siyang tigil sa kakangiti habang nakatingin sa akin. Nag-swipe na ako ng arcade card na binili ko kanina at ganoon na rin ang ginawa ko para sa mga machine na gagamitin nina Jeremiah at Reona. Sinulyapan ko isa-isa tsaka ako huminga ng malalim habang nakahawak ako sa aking dibdib. "Ready na kayo?" tanong ko sa kanila nang magsimula na ang countdown mula isang minuto.
"Aye aye, captain Ellyza," tugon ni Reona kasabay ng pagsaludo niya sa akin.
Hindi ko narinig na sumagot si Jeremiah kaya napatingin ako sa kanya. "Gusto mong magpalakihan tayo ng makakamit na puntos sa pag-shoot ng mga bola? Hindi mahalaga kung ilang bola ang na-shoot mo dahil hindi naman iyon ang bibilangin dito," pag-aaya ni Jeremiah sa akin.
Hindi patas para sa akin ang ganoong klaseng bet, dahil una sa lahat ay nabanggit niya na kaninang magaling siyang mag basketball. Paano ko ba naman matatalo ang isang taong hasa na sa paglalaro nito? Ayaw ko naman aminin sa kanya na hindi ako marunong mag basketball, kahit pa magkakilala na kami ay nakakahiya pa rin iyon lalo na nung iparating niya sa akin na lahat ng tao ay marunong niyon. Pero ayaw ko rin naman magsinungaling sa kanya.
Nako, bahala na nga sa magiging resulta.
Binigyan ko si Jeremiah ng thumbs up kasama ng aking pagtango bilang isang tugon na pumapayag ako sa kanyang challenge sa akin. "Kung sino ang matalo sa atin tatlo, 'yung pinakamababang score ah, manlilibre ng pagkain natin pagkatapos natin sa arcade ah. Kahit hindi ngayon, kahit sa susunod na lang uli nating pagkikita kasi alam ko naman na pare-parehas tayong hindi handa," anunsyo ko sa kanilang tatlo, wala namang tumutol sa sinabi kong iyon kaya alam kong game sila lahat.
Ewan ko ba kung bakit ko pa iyon sinabi, eh ako naman 'tong nanganganib na matalo dahil hindi nga ako marunong mag-shoot ng bola. Baka pagtawanan lang nila akong dalawa kapag nakita nilang ganoon. Bigla tumunog ang buzzer ng machine namin at kasabay naman niyon ay ang paggulong ng mga bola sa aming harapan. Bago pa man ako makakuha ng isang bola ay narinig ko na lang ang boses ni Jeremiah mula sa aking tabi kaya ako napalingon sa kanya. Nakita ko ang napakagandang postura niya sa paghawak ng bola, nag-shoot siya at direkta naman iyon sa ring, walang palya. Bigla niya akong tiningnan na siyang nakapagpatalon sa aking puso, iba talaga ang dala sa akin ng mga magaling sa sports.
"So sinasabi mong gusto mo 'ko uli makasama, manalo ka man o matalo, 'di ba?"