ELLYZA Nang matapos na ang aming klase ay nilapitan agad ako ni Toph. “Tara?” pag-aaya niya sa akin kahit pa alam naman niyang kasama namin si Reona, na dapat ay inaaya niya rin at hindi lang basta ako. Nagmumukha kasing sa akin lang siya may interes na tulungan at ayaw niyang ihatid si Reona pauwi sa kanilang bahay. Ngumuso ako kay Reona kaya nagtama ang kanilang paningin. “Sasama ka rin ‘di ba? Hindi ata tayo kakasya… Mukhang maglalakad tayo hanggang sa makarating na tayo sa bahay ni Reona tapos tsaka na lang tayo bumyahe kapag nakapasok na si Reona sa loob ng kanyang tahanan,” sabi ni Toph sa amin at hindi na kami nagpatagal pa sa loob ng classroom. Magkakasabay kaming bumaba ng hagdan hanggang sa makapunta na kami sa labas ng gate. “Hintayin niyo ako, may kukuhanin lang ako saglit. Ma

