CHAPTER 41 THIRD PERSON POV Dumating na ang araw na matagal nang hinihintay ni Ferson ang araw ng kanyang eye operation. Ang ospital ay puno ng katahimikan sa loob ng silid ng operasyon, habang ang mga doktor at nurses ay abala sa huling paghahanda. Si Ferson, naka-blindfold at nakakabit sa iba't ibang monitoring machines, ay tahimik ngunit ramdam ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya alam na may lihim na plano si Syviel na magbibigay ng corneas niya isang regalo na hindi niya inaasahan, lalo na sa kaarawan niya. Samantala, sa kabilang silid, si Syviel ay tahimik na nakaupo sa tabi ng kanyang bestfriend, si Lina. Ang kaba ay halos humihiwalay sa kanyang puso, ngunit ramdam niya ang init ng pagmamahal at sakripisyo na pumapalibot sa kanya. “Lina… handa na ba ako?” tanong ni Syviel, haba

