CHAPTER 40 SYVIEL POV Kailangan kong makawala. Iyan lang ang tumatakbo sa isip ko habang pilit kong hinihila ang sarili ko palabas sa lugar na matagal na akong ikinulong. Hindi ko na alam kung ilang oras o araw ang lumipas. Ang alam ko lang, bawat segundo roon ay parang hinihigop ang lakas ko, ang tapang ko, at ang tiwala ko sa mundo. Pero hindi ko pwedeng hayaan na doon na lang magtapos ang lahat. Hindi pa. Sa huling pagkakataon, huminga ako nang malalim, saka tumakbo. Hindi ako tumingin sa likod. Hindi ko inisip kung may hahabol. Ang nasa isip ko lang si Ferson. Ang rancho. Ang buhay na ninakaw sa akin. Nang marating ko ang kalsadang pamilyar, doon ko lang naramdaman ang bigat ng katawan ko. Sugatan ang tuhod ko, nanginginig ang mga kamay ko, at halos wala na akong lakas. Pero kahi

