CHAPTER 37 FERSON POV Hindi ‘yung katahimikang nakakabingi, kundi ‘yung uri na mararamdaman mo sa dibdib parang humihinga ang paligid kasabay mo. Nakaupo kami sa tabi ng lawa, at kahit hindi ko nakikita ang tubig na kumikislap sa dapithapon, alam kong nandoon iyon. Ramdam ko sa lamig ng hangin, sa amoy ng damo, sa paraan ng pagdampi ng simoy sa pisngi ko. At higit sa lahat, ramdam ko siya. Si Syviel. “My Starlight,” bulong ko, halos para sa sarili ko lang. Naramdaman kong gumalaw siya sa tabi ko. Umayos ng upo. Bahagyang ngumiti alam ko kahit hindi ko nakikita, dahil nag-iba ang hininga niya. May ngiting may kasamang kiliti, may kasamang hiya. “Yes, love?” sagot niya. Love. Ngayon pa lang, parang natural na sa dila ko ang tawaging gano’n ang sarili ko. Hindi na Señorito, hindi na

