Pag-asang Makikita Muli

1856 Words

CHAPTER 38 SYVIEL POV Kung alam ko lang na magiging ganito kaingay ang mundo pagkatapos ng pinaka-tahimik at pinaka-romantikong sandali ng buhay ko, sana nagdala na ako ng earplugs. Magkahawak pa rin ang kamay namin ni Ferson habang naglalakad pabalik galing sa lawa. Simple lang walang engrandeng eksena, walang background music pero grabe, pakiramdam ko lumulutang ako. Hindi dahil hawak niya ang kamay ko… kundi dahil ako ang hawak niya. Buo. Walang pag-aalinlangan. “My Starlight,” bulong niya ulit, parang kinakapa ang mundo gamit ang boses ko. Napangiti ako. “Ano na naman ‘yan?” “Wala,” sagot niya. “Trip ko lang sabihin.” “Ang corny mo.” “Pero mahal mo.” “…Oo.” Ayun. Amin na. Official na. Girlfriend na ako ng pinaka-supladong, pinaka-maarte, pinaka-epal, at pinaka-sweet na amo sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD