CHAPTER 35 THIRD PERSON POV Maagang gumising ang buong hacienda hindi dahil sa sigaw ng tandang o huni ng ibon, kundi dahil sa sigaw ni Syviel. “SEÑIORITOOOOO! NASAAN NA NAMAN PO ‘YUNG TSINELAS KO?!” Napaupo si Ferson sa kama, hawak ang sentido. Kahit hindi niya nakikita, kabisado na niya ang eksena. Araw-araw na lang, parang may live concert sa umaga at si Syviel ang main vocalist. “Syviel,” kalmado pero may babalang tono ni Ferson mula sa loob ng kwarto, “kung sisigaw ka pa, ipapahanap ko ‘yan sa mga kabayo.” “HOY! HUWAG! HINDI NA PO AKO UULIT!” sagot ni Syviel, sabay bawi, “pero seryoso po, nawawala talaga!” Mula sa sala, humagalpak ng tawa sina Zarah at Jhonalyn na sabay pang nag-high five. “Classic,” sabi ni Zarah. “Morning chaos courtesy of Ate Syviel,” dagdag ni Jhonalyn.

