Chapter 2: My Name is Kaoru
Nakauwi ako sa apartment bago mag-alas sais ng hapon. Gumagayak ako para sa kauna-unahang gig ko sa Kanto Bar mamayang alas dyes. And yes, ako ay isang magandang dilag na nangangarap na bumuo ng pangalan sa larangan ng pagkanta.
Matagal na akong naghihintay para sa moment na ito. Sunud-sunod ang swerte ko ngayong araw. Magtuluy-tuloy na sana.
Wala ang mga kasama ko sa bahay kaya naman tahimik at mapayapa ang pag-eensayo ko ng kanta. Tatlumpung minuto ang ibibigay na oras sa akin para tumugtog at tumanggap ng mga request song.
Black loose crop top, light blue denim pants, at black flat sandals ang outfit ko. Ang mahaba ko namang buhok ay naka-messy bun. Lumayas na ako bitbit ang aking brown guitar bago mag-alas nwebe at sumakay ng tricycle papunta sa bar.
"Thank you po talaga, Sir Bogz!"
Nasa backstage ako kasama ang manager ng bar na kinausap ko about a month ago para makakanta rito. Tuwing sabado ang sinabi ko na available ako dahil dayoff ko tuwing linggo. Si Sir Bogz ay medyo mataba saka matangkad na tao. Mid-40s na ang edad niya at approachable talaga.
"Susubukan pa kita kaya thirty minutes lang muna ang oras mo. Okay na ba sa 'yo iyon?" Medyo nakayuko siya habang nagsasalita at nakatingala naman ako sa kanya dahil sa laki ng agwat ng height namin.
"Yes! Matagal na po 'yon!" masigla kong sagot.
"Huwag mong masyadong pagurin ang boses mo. Sige ka, baka pumiyok ka," biro niya sabay tawa. "Oh sige. Maiwan na kita. Pupunta na ako sa loob. Ayos ka na ba rito? Makipagkilala ka sa kanila," tukoy niya sa mga kasama naming acts dito sa backstage.
"Ah sige po. Salamat po ulit."
Naglakad na palabas si Sir Bogz. Isa-isa ko namang pinasadahan ng tingin ang mga kasama. Karamihan sa narito ay mga lalaki. Hindi ko naman yata sila magagawang makausap dahil busy sila sa pakikipagchikahan sa kanya-kanyang mga kabanda at kapares.
Dalawang grupo ng banda at isang duo ang nandito. Sa corner ng room ay may nakita akong lalaking solo singer na nakaupo sa monobloc chair. Pero nakasuot siya ng headset at mukhang ayaw din namang magpaistorbo. Naglakad na lang ako at sinilip ang malawak na entablado sa harap.
Dalawang lalaki ang naroon. Keyboard ang instrumentong ginagamit ng isa at gitara naman ang sa isa pa.
Nasa mid-30s ang mga ito at pareho silang kumakanta. Maganda ang kanilang boses at tinutugtog na pop rock song. Hindi ko tuloy maiwasang mapatango at sumabay sa musika. Sampung minuto pa ang tinagal nila sa stage at nang matapos ang oras nila ay ako na ang sumunod.
"Magandang gabi po sa inyong lahat. My name is Kaoru."
Sinakop ng aking boses ang buong bar. May ilang tao ang pumansin sa akin habang ang iba ay patuloy lang sa pag-inom ng alak.
Inilibot ko ang paningin sa malamlam na paligid. Nakaupo sa unan na may mabababang lamesa ang mga tao na malapit sa entablado. Sa malayo naman ay mayroong mga bangko at matataas na lamesa.
"Please jam with me." Lumayo ako ng bahagya sa mikropono. Sandali kong ibinaling sa gilid ang ulo para magbuga ng hangin at makabawi ng hininga. Marahan ko nang ipinikit ang mga mata at sinimulan nang kapain ang aking gitara.
Dalawang daan yung nakuha kong talent fee kay Sir Bogz. Ito ang hourly rate nila sa open mic performers tulad ko at minimum na ibinibigay kahit pa mas maikli sa isang oras ang gig time. May natanggap din akong fifty pesos na tip mula sa nagrequest ng kanta kanina.
Napangiti ako habang tinititigan ang mga salapi na nasa aking palad. Ayos na ang halagang ito para sa kalahating oras lang na pagtugtog.
"Maganda ang boses mo, sa totoo lang. Hayaan mo, kapag dumami ang nagrerequest ng kanta sa iyo ay baka maging isang oras na ang gig mo."
"Naks naman! Salamat, Sir!" Sinuntok ko ng mahina ang braso niya. Ang sarap sa pakiramdam kapag may taong nakaka-appreciate sa talento ko. "Teka. Nasaan na po yung mga tao rito?"
Wala na kasi yung mga banda at duo na nandito kanina sa backstage. Kaming dalawa na lang ni Sir Bogz ang nandito.
"Nandoon sila sa loob. Birthday ni Anthony kaya nagpainom siya. Tara! Ipapakilala kita sa kanila."
Nagpunta kami sa isang mahabang lamesa na nasa corner ng bar. Trese silang nagsasalo-salo sa mga alak at pulutan. Napagtanto ko na dalawang banda, dalawang duo, at dalawang solo singers ang tumutugtog ngayong gabi. Kasalukuyang nasa entablado ang emo na nakita ko sa backstage.
"Guys! I-welcome nyo naman si Kaoru. Siya ang bagong member ng Kanto & Friends." Nakatayo lang kami sa harap nila habang ipinapakilala ako ni Sir Bogz. Isa-isa ko silang tiningnan. Hindi ko na mawari ang itsura ng iba. Mga lasing na yata sila.
"Hi, Kaoru!" masigla nilang pagbati.
"H-Hello. Nice meeting you all," nahihiya kong tugon sabay kaway sa kanila.
"Welcome to Kanto Ti---" Isang lalaki ang bigla na lang sumigaw at mabilis namang natakpan ng katabi niya ang kanyang bunganga.
Tumawa silang lahat at binatukan nila ito dahil wala na sa huwisyo. Sinuway naman ni Sir Bogz ang banda at duo na hindi pa nakakatugtog sa pag-inom ng maraming beer.
Itinuro na rin niya sa akin kung sino si Anthony na may birthday ngayon. Siya pala yung isa sa duo na pinanood ko kanina. Alas sais ng hapon hanggang alas kwatro pa ng madaling araw bukas ang Kanto Bar. Mukhang pare-pareho silang babagsak mamaya dahil sa sobrang kalasingan.
"Halika! Saluhan mo kami!" pag-aya sa akin ni Kuya Anthony.
"Uhh..." Nag-aalangan kong tiningnan si Sir Bogz. Sa totoo lang ay hindi pa ako nakakatikim ng alak kahit kailan. Natatakot din ako sa ideya ng mawala sa katinuan dahil sa pagkalango.
"Sige lang. Mababait ang mga 'yan." Tumango siya ng bahagya.
Wala na akong nagawa kundi sumalo sa kanila. Umalis na si Sir Bogz para atupagin ang trabaho. Sagot naman itong lahat ni Kuya Anthony at gusto ko rin silang maka-close.
Katabi ko si Macy, ang babaeng vocalist ng bandang Dreamers. Apat kaming mga babae rito at napag-alaman ko na 2-3 hours na sila kung tumugtog. Ang duo naman ay 1-2 hours.
Sila Kuya Anthony at Kuya Edward ang magkapares. Magkapatid sila at pareho nang may pamilya. Fan ako ng tambalan nila dahil nagustuhan ko talaga ang tugtugan nila kanina.
"Try mo lang ang isang shot para hindi ka naman inosente." Inabot sa akin ni Macy ang baso na may lamang alak.
Lahat sila ay nakatingin sa akin na unang beses iinom. Inabutan din nila ako ng tubig kung sakaling hindi ko makayanan ang lasa.
Baby Kaoru na ang tawag nila sa akin dahil parang bata raw ako na nagsisimula pa lang mag-explore at makaranas ng mga bagay-bagay. Dahan-dahan ko nang hinawakan ang malamig na baso ng gin at pasimple pang inamoy bago inumin.
Napapikit na lang ako at napaubo ng maraming beses. Hindi ko rin napigilang mangisay.
Mabilis kong ininom ang tubig at pagkatapos ay humawak sa dibdib na parang nasusunog. Todo cheer naman sila at sinubukan akong painumin ng isa pang beses na agad kong tinanggihan. Ew, hindi masarap!
"So proud of you, Baby Kaoru! Tara! Shot pa!" sigaw ni Macy sabay alog sa balikat ko.
Nag-pass muna ako. Pinuno ko ng nachos ang bibig para mapalitan ang pait sa panlasa.
Bote ng GSM Blue Mojito ang sunod nilang ibinigay sa akin. Parang nag-play tuloy bigla sa isip ko ang kumakantang boses ni Sue Ramirez. Kinaya ko na ang lasa nito. Hindi na kasi gaanong mapait dahil sa flavor.
* * *
Hindi ko na halos maaninag pa ang itsura ng mga kainuman. Nanlalabo na ang mga mata ko at hindi ko na mabasa pa ang mensahe ng nag-text sa 'kin ngayon lang. Tinungga ko ng tuwid ang natitirang laman ng lata ng Colt 45 na hindi ko akalaing makakaya ko ang lasa.
"Hey. Saan ka pupunta?" Nilingon ko si Macy na humawak sa pulso ko.
"Sa banyo lang."
Tumango na lang siya kaya nagpatuloy na ako sa pagtayo. Para akong isang taong gulang na bata kung maglakad. Mabuti na lang dahil wala akong nakakabangga. Hindi ko na matandaan kung ilang bote ang nainom ko kanina. Ang mahalaga ay tanda ko pa rin kung sino ako. Ako si Anne Curtis.
"Let's go, let's go, let's make it easy, GSM Blue Mojito. No need to mix, just chill and enjoy, I choose, I choose Mojito."
Pagkarating sa restroom ay nagbawas ako ng napakaraming tubig. Sinubukan kong magbilang pero katakot-takot na benteng mga daliri ang nabilang ko.
"A-Aaah... J-Jacob..."
Napatakip ako ng bunganga nang pagkalabas ko ay nakakita ako ng dalawang haliparot na gumagawa na ng milagro sa sulok sa gilid ng banyo. Humakbang ako palapit sa kanila para mas makita kung paano yapusin ng lalaki ang dibdib ng babae. Ay, sana all!
Ilang minuto akong nakabantay sa ginagawa nilang live show hanggang sa mapansin na nila ang presensya ko at lumingon sa akin. Dali-dali akong tumalikod at naglakad pabalik sa table nang may malawak na ngiti. Tuloy pa rin sa pag-inom ang mga kasama ko habang ang iba ay dinapo na ng antok.
"Ey! Uuwi ka na, Baby Kaoru?" tanong ni Macy nang makitang dinadampot ang mga gamit ko. Kagat-labi naman akong tumango. "May sundo ka ba? Ihahatid ka na namin." Nakasuksok sa leeg niya ang mukha ng kabanda at boyfriend na si Diego. Ang kamay nito ay naglalaro sa hita niya.
"Hindi na. Susunduin ako ng Baby King ko," biro ko. Napansin niya yata ang kilig sa tono ko kaya tinukso-tukso niya ako. Todo suporta pa ang gaga. "Ninang ka ah."
Nagmadali na akong lumabas ng bar at naghanap ng mauupuan doon. Kahit hindi makakita ng malinaw ay sinubukan kong hanapin ang numero ni Jhas.
Balak kong sa bahay nila makitulog ngayon. Alam kong masasabunutan niya ako sa oras na makita ang kalagayan ko, pero mas gugustuhin ko na iyon kaysa sina Kate at Missy ang makakita sa akin.
"Hello?"
Napaayos ako ng upo nang marinig na lalaki ang sumagot imbes na si Jhas. Inalis ko sandali sa tapat ng tainga ang cellphone at mabilis na umakyat ang init sa mukha ko. Napasabunot pa ako sa sarili. s**t! Si Sir King ang natawagan ko!
Hindi ko maaninag ang pangalan sa screen pero sigurado ako na si Sir ang kausap ko ngayon. Siya lang naman ang kilala ko na may ganito kagwapong tinig kahit medyo iba kumpara sa boses niya sa personal.
"H-Hi." Kinagat ko ang hintuturo. Sumobrang landi yata ang pagkakasabi ko. "Pwede mo ba akong sunduin?" Ilang segundo siyang natahimik.
"B-Bakit? Where are you?"
"Sa Kan..." Nagtakip ako ng bibig dahil sa naisip kong salita. Er! Huwag kang maharot. "Sa Kanto Bar, Baby."
"W-What? I think you called a wrong number, miss."
"Ako lang ito! Si Kaoru na mahal na mahal ka." Narinig ko ang biglang pag-ubo niya mula sa kabilang linya. Gulat na gulat lang, Sir King? Buti nga ako ang unang nag-confess dahil sa katorpehan mo.
"Lasing ka ba? Who's with you?"
Luminga ako sa paligid at natanaw ang grupo ng mga lalaki na kalalabas lang sa bar. Ang isa ay pumito pa nang makita ako.
"May kasama akong apat na m******s, Baby." Natahimik ulit siya at rinig ko ang pagbusina ng sasakyan. May mga mahinang busina rin ng mga sasakyan sa background. Mukhang nasa kalsada siya.
"D-Don't leave where you are, miss. Pupuntahan kita."
"Bilisan mo ah. Naiinip na ako." Pinatay ko na kaagad ang tawag at impit na tumili habang pumapadyak.
Sumandal ako sa upuan at tumingala sa langit. Hindi mawala-wala ang ngiti ko. Ano kaya ang pakiramdam na mapunta roon?
Kinilig na naman ako sa naiisip. Tatlong buwan na rin kaming naglilihim ng nararamdaman para sa isa't isa ni Sir King. Panahon na siguro para ibigay sa hari ang aking korona.
Mayamaya ay bumibigat na ang mga mata ko sa grabeng antok. Pinipilit kong gisingin ang sarili sa kabila ng paulit-ulit na paghikab pero hindi ako nagtagumpay. Nagising na lang ako dahil sa pagtawag sa akin ng isang boses.
Kumapit ako sa braso niya habang kinukusot ang mga mata. Kumurap-kurap ako ng maraming beses hanggang sa magbalik ang linaw ng paningin.
"You're wasted."
Umangat ang tingin ko sa pagtataka nang marinig ang hindi ko kilalang boses. Nagsalubong ang mga kilay ko nang ang inaasahan kong Sir King na susundo sa akin ay ibang lalaki ngayon na nakatayo sa harapan ko. Si Mr. Tahimik.