Chapter 3

1163 Words
Esther May "Sure ka ba talaga diyan, Emay? Balita ang kademonyohan ng anak ni Ma’am Sandra," saad ni Loui, may halong pag-aalala sa boses. "Hays, wala akong magagawa. At saka, gusto ko din kasi medyo malaki ang offer ni Ma’am Sandra sa akin," sagot ko nang may pilit na ngiti habang hinihintay ang sasakyan na maghahatid sa akin papuntang Pangasinan. "Ayan na yung driver ni Ma’am Sandra. Basta mag-ingat ka doon. Kung hindi mo na kaya, magsabi ka lang para pakiusapan ko si Ma’am Sandra na kunin ka na niya," sabi ni Loui. "Promise, magsasabi ako pag ayaw ko na doon. At saka, wala pa akong sinusukuang trabaho, alam mo yan," sagot ko habang bahagyang natawa, sabay pasok sa loob ng kotse. "Sige, alis na kami." Kumaway si Loui habang palayo ang sinasakyan ko, bakas sa mukha niya ang lungkot. Ako naman, hindi maalis ang kaba sa dibdib. Ano nga kaya ang hitsura ni CEO Lj? Gaano siya kasama para magbigay ng ganoong klaseng impression sa akin? Subalit wala akong karapatang umatras. May mga kapatid akong umaasa sa akin. Malaking tulong ang bonus na matatanggap ko mula kay Ma’am Sandra kapag tinapos ko ang tatlong buwang kontrata. Habang nagbibiyahe, hindi ko namalayang nakatulog ako. Siguro dala na rin ng pagod sa mga trabaho kong tinapos bago magpaalam sa dati kong opisina. --- Kinabukasan, narating ko ang harap ng JRV Cellphone Company. Napalunok ako habang nakatingala sa malaking billboard sa harap ng building. Mula sa laki at ganda ng gusali, alam kong maraming empleyado ang nagtatrabaho rito. "Good morning, Manong," bati ko sa guwardiya. "Saan po dito ang opisina ng HR Department?" "Good morning din, Ma’am. Sa second floor po. Paglabas niyo ng elevator, pakakanan lang kayo. May nakasulat naman na ‘HR Office’ sa pinto." "Salamat po!" sagot ko nang may ngiti, bago tinungo ang elevator. Pagdating sa HR Office, kumatok ako ng tatlong beses. "Please come in," sabi ng isang babae mula sa loob. Pagbukas ko ng pinto, naroon si Ms. Frem, nakaupo at may hawak na folder. "Hello, good morning. I suppose you’re Ms. Malidom?" tanong niya nang may ngiti. "Opo, Ma’am. Ako po iyon," sagot ko. "Huwag mo akong tawaging Ma’am. Sa opisina namin, tanging si Ma’am Lj lang ang tinatawag ng ganoon," paalala niya. "Noted po, Ms. Frem," sagot ko. Sumama ako kay Ms. Frem para mag-tour sa buong opisina. Pinakita niya sa akin ang bawat departamento. Nang makarating kami sa harap ng opisina ng CEO, hindi ko maiwasang mapansin ang tahimik na atmospera sa paligid. Napansin ko rin ang ilang empleyado na tila ba laging nagmamadali o iwasan ang aming tingin. "Yan ang opisina ng CEO," sabi ni Ms. Frem, sabay turo sa pinto sa tabi ng isang glass wall. Sa likod ng clear wall, kita ang isang modernong opisina na tila ba malamig sa kabila ng elegante nitong disenyo. Pagbalik ko sa HR, hinanda ko na ang sarili ko. Nang oras na para makilala ang CEO, bumalik ako sa harap ng opisina niya. --- Habang naghahanap ng tamang pagkakataon, may isang empleyado akong nilapitan. "Miss, saan po dito ang opisina ni Ma’am Lj Legson?" tanong ko. Itinuro niya sa likod ko ang pinto na katatapos lang ipakita sa akin ni Ms. Frem. Paglingon ko, tumambad ang isang babae—mahaba ang buhok, makinis ang balat, at mahigpit ang tindig. Sa kabila ng kanyang simple ngunit eleganteng kasuotan, halata ang kanyang pagiging dominante. Nakapamulsa siya habang nakatitig sa akin nang diretso. "Are you done?" malamig niyang tanong. Napasinghap ako at napalunok. "Ah, pasensya na po," sagot ko habang bahagyang yumuko. "Ako nga pala si Esther May Ma—" "Sumunod ka sa opisina," mabilis niyang sabi, sabay talikod. Agad akong sumunod sa kanya, at ang kaba sa dibdib ko ay lalo pang lumakas. --- Pagpasok sa opisina niya, napansin ko agad ang disenyo—minimalist ngunit moderno. Umiikot siya sa swivel chair niya, mukhang inis na sa mundo. "Anong tinitingin-tingin mo? Nasabi naman na siguro sa’yo kung anong trabaho mo," malamig niyang bungad. "Ahm, hindi pa po lahat, Ma’am. Sinabi lang po ng HR na ako ang bahala sa schedules niyo at iba pang trabaho na sasabihin niyo po," paliwanag ko, sinisikap na huwag magpakita ng takot. "Ayaw kong tinititigan ako kapag kinakausap," mariing sabi niya. "Aist. Okay, Ma’am. Pasensya na po," sagot ko, pilit na iniwas ang tingin. Biglang tumunog ang telepono. Habang abala siya sa kausap, napansin ko ang bigla niyang paghagis ng mga folders at papeles sa mesa. Bumagsak ang karamihan sa sahig. "Maurreen!" sigaw niya, at agad namang pumasok ang tinawag niya. "Ma’am, bakit po?" tanong ng babae, halatang takot. "You are fired!" sigaw niya, kasabay ng pagdagundong ng mesa. "Ma’am, wala po akong ginagawang mali," umiiyak na sagot ni Maureen. "Umalis ka na ngayon. Hindi ko kailangan ng empleyadong puro katangahan ang alam!" Paglingon niya sa akin, tinuro niya ang nagkalat na mga papeles. "Ikaw! Ayusin mo lahat ‘yan. Siguraduhin mong magkakasunod ang mga petsa." Napalunok ako. "Hinagis tapos ipapaayos," bulong ko nang mahina. "Anong sinabi mo?" tanong niya, sabay lapit sa akin na halos isang dangkal na lang ang layo sa mukha ko. "W-wala po, Ma’am. Aayusin ko po," sagot ko habang pilit na ngumiti. --- Habang isa-isa kong inaayos ang mga papeles, napansin ko ang mga graphs at financial reports. Halos 40% ang ibinaba ng sales nila sa nakaraang dalawang buwan. Hindi ko maiwasang magtanong sa sarili: "Ito kaya ang dahilan kung bakit ganoon si Ma’am Lj?" Bigla siyang lumapit sa likod ko. "Sinong may sabing pwede mong basahin ang mga nakasulat diyan?" tanong niya, hinablot ang hawak kong dokumento. "A-ayusin ko lang po, Ma’am," sagot ko. Hindi niya sinagot ang sinabi ko at tiningnan lang ako mula ulo hanggang paa bago muling tumalikod. "Arrgh, kaya mo ‘yan, Emay. Tatlong buwan lang," bulong ko sa sarili habang pilit na nilalabanan ang kaba at inis sa ginawa niya. --- Pagsubok pa ni LJ Sa sumunod na mga araw, hindi siya tumigil sa pagbibigay ng mahihirap na utos. Lagi niya akong pinapagalitan, kahit sa maliliit na bagay. "Ms. Malidom, gusto ko ang report na ‘to sa lamesa ko in 30 minutes," sabi niya isang beses, sabay bigay ng makapal na folder. Hindi ko sinabing hindi ko pa alam ang sistema nila. Sa halip, sinikap kong tapusin ito bago ang deadline. At nang maibigay ko na ang report, bahagya akong ngumiti. "Tapos na po, Ma’am," sabi ko nang maayos. Tiningnan niya ito at tumikhim. "May mali dito," sabi niya, sabay hagis ulit ng folder. Imbes na magreklamo, pinulot ko ulit ito. "Pasensya na po. Aayusin ko po agad." Hindi siya sumagot, pero napansin kong saglit na tumigil ang kanyang kamay sa pagsusulat. Habang araw-araw akong sinusubok, hindi ako nagpapatinag. Ginagawa ko ang lahat ng iniutos niya nang maayos at mabilis. Alam kong gusto niya akong paalisin sa kumpanya. Pero hindi ko siya bibigyan ng pagkakataong manalo. "Tatlong buwan, Emay. Tatlong buwan lang," paulit-ulit kong sinasabi sa sarili habang tahimik na nagtatrabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD